Leandro Baldemor
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Leandro Baldemor | |
---|---|
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | artista |
Si Leandro Baldemor ay isang artista sa Pilipinas. Napanood siya sa mga teleserye ng GMA Network, "Munting Heredera", at "Indio" kasama si Bong Revilla Jr.
Siya ay si Jeffrie Z. Baldemor sa tunay na buhay, na taga-Paete, Laguna. Nagtapos ng kursong Nursing, kilala at maykaya ang kanilang angkan sa Paete. Ang pinakamalaking tindahan doon ng mga nililok na paninda, ang "WVB Woodcraft" sa Manila East Road ay pag-aari ng kanyang ama na si Wally Baldemor. Ika-tatlong henerasyon na siya ng mga mang-uukit sa kanilang pamilya. Bukod sa pag-ukit, magaling din siyang pintor. Tiyuhin niya ang sikat na Filipino international painter na si Manuel Baldemor at ang iskultor na si Fred Baldemor. Ang negosyo niya sa kasalukuyan ay ang "Paete Handicraft", isang made-to-order wood furniture business.
Ang naka-diskubre sa kanya ay si Bobby Yalung na siya ring nagbigay sa kanya ng pangalang "Leandro" para mas bagay sa papasukin niyang larangan bilang contract sexy actor ng Seiko Films. Nang umalis sa paggawa ng sexy movies si Gardo Versoza, namana niya ang trono nito, kasama nina Rodel Velayo at Leonardo Litton. Ipinakilala at sumikat sa pelikulang "Patikim ng Pinya", kung saan ipinareha siya kay Rosanna Roces noong 1996. Sunud-sunod ang mga sexy movies niya na pumatok sa takilya noong dekada '90 tulad ng "Sariwa" (Priscilla Almeda), "Tukso Layuan Mo Ako" (Prscilla Almeda/Francine Prieto), "Pisil" (Klaudia Koronel), "Pedrong Palad" (Ramona Rivilla), "Katawan" (Rosanna Roces), "Burlesk Queen Ngayon", "Ikapitong Gloria", "Virgin Wife", "Eskandalosa", "Huwag kang Kikibo", "Bedtime Stories", "Ligaya... Pantasya ng Bayan" at "Balat-Sibuyas".
Naging entertainer sa Japan matapos ang kanyang pagpe-pelikula. Umuwi siya ng Pilipinas at tumakbo bilang board member ng 4th District ng Laguna sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino. Hindi siya nakalusot sa eleksiyon kaya't minabuti niyang mag-concentrate sa paminsan-minsang pag-guest sa mga TV shows at sa kanyang negosyo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.