Pumunta sa nilalaman

Leninismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Leninism)
Si Vladimir Lenin, na ang mga pragmatikong patakaran at politika ang nagbigay-daan upang ang talibang partidong Bolshevik ay maisakatuparan ang Rebolusyong Oktubre sa Rusya

Ang Leninismo ay isang ideolohiyang pampolitika na binuo ng rebolusyonaryong Ruso na si Vladimir Lenin na nagmumungkahi ng pagtatatag ng diktadura ng proletaryado, na pinangunahan ng isang rebolusyonaryong talibang partido, bilang panimulang pampolitika sa pagtatatag ng komunismo. Ang tungkulin ng Leninistang talibang partido ay upang bigyan ang mga uring mangaggawa ng kamalayan sa politika (edukasyon at organisasyon) at rebolusyonaryong pamumuno na kinakailangan upang pabagsakin ang kapitalismo sa Imperyong Ruso (1721-1917).[1] Ang Leninistang rebolusyonaryong pamumuno ay nakabatay sa Manipestong Komunista (1848) na kinikilala ang partido komunista bilang "pinakaabante at pinakamatatag na bahagi ng partido ng uring manggagawa sa bawat bansa; ang seksiyong iyon na nagtutulak sa lahat ng iba pa." Bilang isang talibang partido, sinuri ng mga Bolshevik ang kasaysayan sa pamamagitan ng balangkas ng teoretikal ng materyalismong diyalektiko, na pinahintulutan ang kapasyahan sa politika sa mapagtagumpayang pabagsakin ang kapitalismo, at pagkatapos ay maitatag ang sosyalismo; at, bilang rebolusyonaryong pambansang gobyerno, upang mapagtanto ang transisyong sosyo-ekonomiko sa lahat ng pamamaraan.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The New Fontana Dictionary of Modern Thought Third Edition (1999) pp. 476–477.
  2. Leninism, The Encycopædia Brittanica, 15th Ed. Volume 7, p. 265.