Pumunta sa nilalaman

Ketong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Leprosy)
Ketong
Leprosy
Ibang katawaganSakit ni Hansen (HD)[1]
Pamamantal sa dibdib at tiyan na sanhi ng ketong
Bigkas
EspesyalidadNakakahawang sakit
SintomasNawalang pakiramdam sa kirot
SanhiMycobacterium leprae o Mycobacterium lepromatosis
PanganibMalapit na pagdakit sa isang may ketong, namumuhay sa kahirapan
PaggamotMaraming droga
LunasRifampicin, dapsone, clofazimine
Dalas209,000 (2018)[3]

Ang ketong o lepra ay isang kronikong sakit na nakakahawa na sanhi ng bacillus na Mycobacterium leprae o Mycobacterium lepromatosis. Ang mabagal na lumalagong Mycobacterium leprae ay mabagal na dumarami at ang panahon ng inkubasyon ay 5 taon. Ang mga sintomas ay nangyayari sa loob ng 1 taon ngunit maaari ring tumagal hanggang sa 20 taon at marami pa. Ang ketong ay umaapekto sa balat, mga nerbiyong periperal, mucosa, itaas na traktong respiratoryo. Ang sakit na ito ay magagamot ng mga drogang Rifampicin, dapsone, at clofazimine.

Mga sanhi ng ketong

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang M. leprae na sanhi ng ketong.

Ang Mycobacterium leprae at Mycobacterium lepromatosis ay mycobacteria na nagsasanhi ng ketong. Ang M. lepromatosis ay isang bagong mycobacterium na natukoy mula sa isang nakakamatay na kaso ng diffuse lepromatous leprosy noong 2008.[4][5][6]

Tzaraath sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Hebreong Tzaraath(Lev 13:2) ay isinalin sa Septuagint na λέπρα (Lepra) na isinalin sa King James Version at maraming saling Ingles ng Bibliya na Ketong ay isang salot na sakit ng balat ng pamamantal at pamamaga(Lev 13:2) na nakakahawa na maaaring makahawa sa mga damit at kabahayan. Ang Tzaraath (lepra) ay may mga sintomas na subcutaneous(ilalim ng balat) na lesyon na may mga buhok na nagiging puti (Lv 13.3), kumakalat na lesyon (Lv 13.7–8), puting pamamaga na gumawang puti sa buhok at may sariwang laman sa pamamaga(Lv 13.10,14-16), malalim na pamamaga sa ulo o baba o (Lv 13.30, 36,43). Ang superpisyal na mga impeksiyon sa balat na gumaling o hindi kumalat sa isang kwarantina ng isang linggo ay hindi itinutuing na Tzaraath. (Lv 13.6, 23, 28, 34, 37, 39).

Ayon sa Aklat ng Levitico 14:2-52 tungkol sa pagpapagaling ng Tzaraath o lepra

Kumuha ng 2 ibon. Patayin ang isa. Isawsaw ang buhay na ibon sa dugo ng patay na ibon. Iwisik ang dugo sa may ketong ng pitong beses at hayaan ang nasawsawan ng dugong ibon na lumipad. Humanap ng isang batang tupa at patayin ito. Ipahid ang ilang dugo nito sa kanang tenga ng pasyente, hinlalaki at malaking daliri ng paa. Wisikan ng pitong beses ng langis at pahiran ng ang ilang langis ang kanang tenga , hinlalaki. Ulitin. Pagkatapos maghanap ng isang pares ng ibon.Patayin ang isa at isawsaw ang buhay na ibon sa dugo ng patay na ibon. Ipahid ang ilang dugo sa kanang tenga ng pasyente, hinlalaki, at malaking daliri ng paa. Wisikan ang bahay ng dugo ng pitong beses.


Ayon sa Lumang Tipan pinagaling ni Eliseo si Naaman sa sakit na ketong na nilipat naman ni Eliseo sa kanyang aliping si Gehazi bilang kaparusahan na ketong na kasing puti ng niyebe.

Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas 17:12, pinagaling ni Hesus ang sampung lalakeng may ketong (Griyego: deka leproi andres), sa Ebanghelyo ni Mateo 8:2) ay pinagaling ni Hesus ang lalakeng may ketong (Griyego:leproi) at sa Ebanghelyo ni Marcos 1:4 ay pinagaling ni Hesus ang lalakeng may ketong (Griyego:lepros).

Mga kilalang kaso ng ketong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Worobec, SM (2008). "Treatment of leprosy/Hansen's disease in the early 21st century". Dermatologic Therapy. 22 (6): 518–37. doi:10.1111/j.1529-8019.2009.01274.x. PMID 19889136. S2CID 42203681.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Definition of leprosy". The Free Dictionary. Nakuha noong 2015-01-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Leprosy". www.who.int (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Pebrero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "New Leprosy Bacterium: Scientists Use Genetic Fingerprint To Nail 'Killing Organism'". ScienceDaily. 2008-11-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-13. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ryan, Kenneth J.; Ray, C. George, mga pat. (2004). Sherris Medical Microbiology (ika-4th (na) edisyon). McGraw Hill. pp. 451–53. ISBN 978-0-8385-8529-0. OCLC 61405904.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Genomics Insights into the Biology and Evolution of Leprosy Bacilli". International Textbook of Leprosy. 2016-02-11. Nakuha noong 2019-02-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)