Pumunta sa nilalaman

Letrán

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Arkibasilika ni San Juan de Letran
Harapn ng Arkibasilika na nakadisenyong ibinagay sa Huling Baroko ni Alessandro Galilei pagkatapos ng isang paligsahan noong 1735
Tanawin na nagpapakita ng Arkibasilika at Palasyo

Ang mga katagang Laterno, Laterano at Letran ay mga pangalan ukol sa isang pook sa Roma na pag-aari ng angkan ng Laterano noong panahon ng Imperyong Romano. Ang lupain ng pamilyang Laterano ay kinamkam ni Emperador Nero (nabuhay noong 37 – 68 AD / naghari mula 54 hanggang 68 AD)[1] sa paratang na ang isa sa mga Laterano, si Plaucio Laterano, ay nagtangka ng pag-aalsa laban sa pamahalaang Roma, at inilipat ito sa pag-iingat-yaman ng Imperyong Roma.[2]

Noong ika-apat na dantaon, 312 AD, ipinaupa muna at pagkatapos ay lubusang ibinigay ni Emperador Constantino ang lupain ng Laterano sa Obispo ng Roma, batay sa dokumentong Kaloob ni Constantino.[3][4]

Ang pinakatanyag na mga gusali ng Letran ay ang Palasyo Letran, na tinawag dati na "Palasyo ng mga Papa", ang Arkibasilika ni San Juan de Letran, ang katedral ng Roma, na habang nasa Roma, at hindi sa loob ng Vaticano, ay mga pag-aari ng Banal na Luklukan, at ito'y may mga ekstrateritoryal na pribilehiyo sa Italya bilang resulta ng Tratadong Letran ng 1929. Bilang opisyal na eklesiastikong upuan ng Papa, ang San Juan Letran ay may taglay ng tinatawag na 'catedra' ng Papa. Ang Letran ay ang pinakasinaunang simbahang basilika ng Kristiyanismo.

Ang mga gusali ng distritong Letran ay may mataas na kahalagaan sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko, partikular ang Palasyo Letran na kung saan ginanap ang Unang Konseho ng Letran noong taon ng 1123, ang Ikalawang Konseho ng Letran noong taon ng 1193, ang Ikatlong Konseho ng Letran noong taon ng 1179, ang Ikaapat na Konseho ng Letran noong taon ng 1213, at ang Ikalimang Konseho ng Letran noong mga taon ng 1512-1517.[5]

Ang Arkibasilika ni San Juan de Letran

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang tinatawag na arkibasilika ay isang basilika na binigyan ng pinakamahigit na pagkilala ng Simbahang Katoliko dahil sa kahalagahan nito sa kanyang kasaysayan at paniniwala. Ang terminong "basilika" ay maaaring tumukoy sa estilo ng arkitektura ng isang simbahan o ang katayuang kanoniko nito. Ang Arkibasilika ni San Juan de Letran sa Roma ay isang kilalang halimbawa ng arkibasilika sapagkat ito tinuturing na "ina ng lahat ng basilica" at ang pinaka-sinaunang simbahang Kristiyano sa mundo mula pa sa taon ng 324 AD. Higit pa dito, ito ang naging simbahan ng Papa. Dalawang ulit itong inalayan ng patron: noong ika-10 siglo kay San Juan Bautista, at muli noong ika-12 siglo kay San Juan Evangelista.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Who was Nero? | britishmuseum.org (sa wikang Ingles)
  2. The Basilica of St. John Lateran | turismoroma.it (sa wikang Ingles)
  3. "CHURCHES OF ROME: CHRISTIANITY'S FIRST CATHEDRAL". www.ewtn.com.
  4. Barnes, Arthur. "Saint John Lateran." The Catholic Encyclopedia. Vol. 9. New York: Robert Appleton Company, 1910. 16 Jul. 2014
  5. "Lateran Councils". Catholic Answers. Nakuha noong 2024-06-17.