Pumunta sa nilalaman

Papa Liberio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Liberius)
Liberius
Nagsimula ang pagka-Papa17 May 3521
Nagtapos ang pagka-Papa24 September 366
HinalinhanJulius I
KahaliliDamasus I
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanLiberius
Yumao(366-09-24)24 Setyembre 366
Pampapang styles ni
Papa Liberio
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father
Estilo ng pumanawnone

Si Papa Liberio ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 17 Mayo 352 CE hanggang 24 Setyembre 366 CE na kinonsagra ayon sa Catalogus Liberianus noong 22 Mayo bilang kahalili ni Papa Julio I. Siya ay hindi binanggit bilang isang santo sa Martirolohiyang Romano. Ang kanyang unang itinalang akto ay pagkatapos idaos ang isang synod sa Roma ay ang pagsulat sa Emperador Constantius II na nasa Arles sa panahong ito na humihiling na ang isang konseho ay tawagin sa Aquilea na may reperensiya sa mga bagay ni Atanasio ng Alehandriya ngunit ang kanyang mensaherong si Vincentius ng Capus ay napilit ng emperador sa isang conciliabulum na idinaos sa Arles na lumagda laban sa kanyang kalooban sa isang pagkokondea ng ortodoksong patriarka ng Alehandriya. Sa wakas ng pagkakatapon ng higit sa 2 taon sa Thrace ay pinabalik siya ng emperador ngunit dahil ang sedeng Romano ay opisyal na inokupa ni Antipapa Felix II, ang isang taon ay lumipas bago ipadala si Libero sa Roma. Ang intensiyon ng emperador ay si Libero ang dapat mangasiwa sa Simbahan kasama ni Felix ngunit sa pagdating ni Libero, si Felix ay pinalayas ng mga Romano. Si Liberio o Felix ay hindi lumahok sa Konseho ng Rimini noong 359 CE. Pagkatapos ng kamatayan ni Emperador Constantius noong 361 CE, pinawalang bisa ni Libero ang mga kautusan ng asemble ngunit sa pag-aayon ng mga obispong Atanasio at Hilaryo ng Poitiers ay pinanatili ang mga obispo na lumagda at pagkatapos ay binawi ang kanilang pagsunod. Noong 366 CE, si Liberio ay nagbigay ng isang pumapabor na pagtanggap sa isang deputasyon ng episkopatang silanganin at ipinasok sa kanyang komunyon ang mas katamtaman ng lumang partidong Ariano. Siya ay namatay noong 24 Setyembre 366 CE. Sa Silangang Ortodokso, siya ay isang santo na ang pista ay pinagdiriwang tuwing Agosto 27. [1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "On Monday, August 27, 2012 we celebrate". Online Chapel. Greek Orthodox Archdiocese of America. Nakuha noong Agosto 14, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)