Pumunta sa nilalaman

Papa Sixto I

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Saint Sixtus I
Nagsimula ang pagka-Papa114 or 119
Nagtapos ang pagka-Papa124 or 128
HinalinhanAlejandro I
KahaliliTelesforo
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanSixtus or Xystus
Kapanganakan42
Roma, Italia
Yumao124 or 128
Roma, Italia
Kasantuhan
KapistahanAbril 6
Pamagat bilang santoMartir
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Sixtus
Pampapang styles ni
Papa Sixto I
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father
Estilo ng pumanawSaint

Si Papa Sixto I ang Obispo ng Roma mula 114 CE hanggang 124 CE o 128 CE. Siya ay humalili kay Papa Alejandro I at hinalinhan ni Papa Telesporo. Ang Annuario Pontificio (2012) ng Banal na Sede ay tumukoy sa kanya bilang Romano na namuno mula 117 CE o 119 CE hanggang 126 CE o 128 CE. Ayon sa Liberian Catalogue ng mga papang Romano Katoliko, siya ay namuno noong paghahari ni emperador Hadrian "a consulatu Negro et Aproniani usque Vero III et Ambibulo" na mula 117 CE hanggang 126 CE. Ayon Eusebio ng Caesarea sa kanyang Chronicon, si Sixto I ang papa mula 114 CE hanggang 124 CE samantalang sa kanyang Kasaysayan ng Simbahan na gamit ang ibang katalogo ng mga papang Romano Katoliko, ang kanyang pamumuno ay inangking mula 114 CE hanggang 128 CE. Ang lahat ng mga autoridad ay umaayon na siya ay namuno ng mga 10 taon. Si Sixto I ay itinuturong naglagay ng ilang mga liturhikal at administratibong tradisyon ng Simbahang Katoliko Romano ngunit ang mga historyan ay naniniwalang ang mga ito ay itinuro sa kanya ng mga kalaunang may akda upang palakasin ang pag-aangkin ng papang Romano Katoliko sa sinaunang primasiya. Siya ay isang Romano sa kapanganakan at ang kanyang ama ay isang pastor. Ayon sa Liber Pontificalis (ed. Duchesne, I.128), kanyang ipinasa ang mga sumusunod na ordinansa:

  • walang iba ngunit ang mga sagradong ministro ang pinapayagang humawak ng mga sagradong tapayan.
  • ang mga obispo na hinimok ng Banal na Sede ay sa kanilang pagbabalik hindi tatanggapin ng kanilang diyoses malib sa pagtatanghal ng mga liham apostoliko.
  • na pagkatapos ng pauna ng misa, ang pari ay magbibigkas ng sanctus sa mga tao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]