Limbon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Limbo)
Jump to navigation Jump to search

Ang limbon, nimbo, limbo, o palaba [1][2](Ingles: halo, nimbus, aureole, glory, o gloriole) ay isang uri ng bilog na sinag ng liwanag, ngunit minsang nakabalantok o nakaarkong malalapad na mga guhit o mga tuldok ng liwanag. Maaaring makita ang mga limbon sa paligid ng araw o buwan. Nagaganap ito kapag dumaraan ang liwanag na nagmumula sa araw o buwan sa isang rehiyon ng atmosperong naglalaman ng mga partikulo ng yelo. Ginagamit din ang limbon bilang katawagan para sa ginintuang mga disko na pumapaligid sa mga kumakatawan o representasyon ng ulo ni Hesukristo o ng mga santo at iba pang mga taong banal.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Blake, Matthew (2008). "Halo, limbo". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
  2. Gaboy, Luciano L. Halo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. "Halo". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa titik H, pahina 319.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.