Pumunta sa nilalaman

Limbon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang limbon, nimbo, limbo, o palaba [1][2](Ingles: halo, nimbus, aureole, glory, o gloriole) ay isang uri ng bilog na sinag ng liwanag, ngunit minsang nakabalantok o nakaarkong malalapad na mga guhit o mga tuldok ng liwanag. Maaaring makita ang mga limbon sa paligid ng araw o buwan. Nagaganap ito kapag dumaraan ang liwanag na nagmumula sa araw o buwan sa isang rehiyon ng atmosperong naglalaman ng mga partikulo ng yelo. Ginagamit din ang limbon bilang katawagan para sa ginintuang mga disko na pumapaligid sa mga kumakatawan o representasyon ng ulo ni Hesukristo o ng mga santo at iba pang mga taong banal.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Blake, Matthew (2008). "Halo, limbo". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Halo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. "Halo". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik H, pahina 319.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.