Pumunta sa nilalaman

Lingguwistikang pangkasaysayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lingguwistikang historikal)

Ang lingguwistikang pangkasaysayan o lingguwistikang diyakroniko (Ingles: historical linguistics o diachronic linguistics) ay ang pag-aaral ng pagbabago ng wika. Mayroon itong limang pangunahing mga pinagtutuonan: ang mailarawan at itala ang napagmamasdang mga pagbabago sa partikular na mga wika; ang buoing muli ang prehistorya ng mga wika at alamin ang kanilang pagiging magkakaugnay, na ipinapangkat ang mga ito ayon sa mga mag-anak ng mga wika; ang magpaunlad ng mga teoriyang pangkalahatan patungkol sa kung paano at kung bakit nagbabago ang wika; ang mailarawan ang kasaysayan ng mga pamayanan ng pagsasalita; at upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga salita (ang tinatawag na etimolohiya).


WikaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.