Pumunta sa nilalaman

Antropolohiyang lingguwistika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lingguwistikong antropolohiya)

Ang antropolohiyang lingguwistiko o antropolohiyang lingguwistika (Ingles: linguistic anthropology) ay ang interdisiplinaryong pag-aaral sa kung paano nakakaimpluwensiya ang wika sa buhay na panlipunan o pakikisalamuha. Isa itong sangay ng antropolohiya na nagmula sa pagpupunyagi na maitala o maidokumento ang nanganganiba na mga wika, at lumawig sa loob ng huling 100 mga taon upang saklawan ang halos anumang aspekto ng kayarian ng wika at paggamit ng wika.[1]

Ang antropolohiyang lingguwistiko ay gumagalugad sa kung paano nahuhubog ng wika ang komunikasyon, kung paano nabubuo ang pagkakakilanlan na panglipunan at pagkakasapi sa pangkat, paano naisasaayos ang may malakihang sukat na mga paniniwala at ideyolohiyang pangkultura, at paano umuunlad ang isang pangkaraniwang representasyon ng likas at panlipunang mga mundo.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Duranti, Alessandro. Edisyon noong 2004. Companion to Linguistic Anthropology. Malden, MA: Blackwell.
  2. Society for Linguistic Anthropology. n.d. About the Society for Linguistic Anthropology. Naka-arkibo 2018-01-11 sa Wayback Machine. Napuntahan noong 7 Hulyo 2010.

AntropolohiyaWika Ang lathalaing ito na tungkol sa Antropolohiya at Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.