Pumunta sa nilalaman

Lipad 17 ng Malaysia Airlines

Mga koordinado: 48°7′56″N 38°39′19″E / 48.13222°N 38.65528°E / 48.13222; 38.65528
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Malaysia Airlines Flight 17
9M-MRD sa Paliparang Leonardo da Vinci–Fiumicino noong Oktubre 2011
Buod ng Aksidente
Petsa17 Hulyo 2014
BuodKasalukuyang iniimbestigahan[1]
LokasyonMalapit sa Hrabove, Donetsk Oblast, Ukranya
48°7′56″N 38°39′19″E / 48.13222°N 38.65528°E / 48.13222; 38.65528
Pasahero283
Tripulante15
Namatay298
Nakaligtas0
Tipo ng sasakyanBoeing 777-200ER
TagapamahalaMalaysia Airlines
Rehistro9M-MRD
Pinagmulan ng lipadPaliparang Schiphol ng Amsterdam
DestinasyonPaliparang Pandaigdig ng Kuala Lumpur

Ang Lipad 17 ng Malaysia Airlines (MH17/MAS17) ay ang nakatakdang biyaheng panghimpapawid mula Amsterdam hanggang Kuala Lumpur na sinasabing tinira ng isang misilong panlupa-hanggang-himpapawid (surface-to-air missile)[2][3] noong 17 Hulyo 2014 malapit sa Hrabove sa Donetsk Oblast, Ukranya, sa 40 km (25 milya) mula sa hangganan ng Ukranya at Rusya.[4] Lahat ng mga 283 pasahero at 15 tripulante nitong eroplanong Boeing 777 ay nasawi.[5][6][7] Bumagsak ang eroplano sa kinagaganapan ng digmaan sa Donbass.

Bagaman hindi pa ganap na matukoy ang kadahilanan ng pagbagsak, marami ang nagsasabi na ito ay sinadyang tinira. Ayon sa tagapayo ng Ministro ng Interyor ng Ukranya na si Anton Gerashchenko, tinira ang eroplano sa taas na 10,000 metro (33,000 talampakan) ng isang misilong panlupa-hanggang-himpapawid na Buk.[8] Tinawag ang insidenteng ito ng Pangulo ng Ukranya na si Petro Poroshenko na isang "kagagawan ng terorismo".[9] Bilang tugon, inakusahan ng mga rebeldeng panig sa Rusya ang pamahalaan ng Ukranya ng pagpapasabog sa eroplano. Sinabi ng ahensyang panseguridad ng Ukranya na nakakalap sila ng dalawang pakikipagtalastasan sa telepono kung saan tinalakay ng mga rebelde ang pagpapasabog ng isang sibilyang eroplano kasama diumano ang mga opisyal ng intelihensiya ng Rusya.[10] Sinabi naman ng Ministro ng Tanggulan ng Rusya na ang sistemang misilong Buk ng Ukranya ay gumagana sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano ng Malaysia.[11] Sinabi naman ng mga opisyal ng intelihensya ng Estados Unidos na ang eroplano ay pinabagsak ng isang misilo, at mayroon diumano silang "malakas na ebidensiya" na ito ay pinalipad mula sa teritoryo ng mga rebelde.[12][13]

Ang pagbagsak ng eroplanong ito ay pangalawa na sa mga trahedya ng Malaysia Airlines ngayong taon, at ito ang kanilang trahedya kung saan mayroong pinakamaraming nasawi. Noong 8 Marso, biglang naglaho ang Lipad 370 habang papuntang Beijing galing Kuala Lumpur, at hanggang ngayon ay hindi pa ito nakikita. Ito rin ang pagbagsak ng isang Boeing 777 na may naitalang pinakamaraming nasawi.[14]

Kasama sa mga nasawi ay ang humigit na 100 na dadalo sana sa isang Pandaigdigang Pagpupulong sa AIDS sa Melbourne, Australya, kabilang na ang respetadong mananaliksik na si Joep Lange na dating pangulo ng Pandaigdigang Samahan sa AIDS (International AIDS Society). Kasama din sa nasawi ay ang 188 mga Olandes at tatlong mag-iinang Pilipino.[15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Missile fired at Malaysian plane: US intelligence". CNBC. 17 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Malaysian airliner crashes in E. Ukraine near the Russian border, more than 283 people on board". RT. 17 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Gruesome images of Malaysia MH17 plane crash in east Ukraine appear online (PHOTOS)". RT. 17 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Malaysia Airlines plane crashes on Ukraine-Russia border – live". The Daily Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Malaysia Airlines flight MH17 shot down over Ukraine, 298 dead". The Sydney Morning Herald. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Zverev, Anton (17 Hulyo 2014). "Malaysian airliner downed in Ukraine war zone, 295 dead". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. de Carbonnel, Alissa (17 Hulyo 2014). "Malaysian passenger plane crashes in Ukraine near Russian border -Ifax". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Zverev, Anton (17 Hulyo 2014). "Ukraine says rebels shoot down Malaysian airliner, 295 dead". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Malaysia Airlines crash: President Poroshenko calls shooting down of Malaysian plane an 'act of terrorism'". The Daily Telegraph. 17 Hulyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Malaysian plane was shot down by rebels, intercepted phone calls prove, Ukraine's president says". National Post. Associated Press via Postmedia Network. 17 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. http://rt.com/news/173784-ukraine-plane-malaysian-russia/
  12. Schmitt, Eric; Mabry, Marcus; MacFarquhar, Neil; Herszenhorn, David M. (17 Hulyo 2014). "Malaysia Jet Brought Down in Ukraine by Missile, U.S. Officials Say". The New York Times. Nakuha noong 18 Hulyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Birnbaum, Michael; Branigin, William; Londoño, Ernesto (17 Hulyo 2014). "Malaysia Airlines plane crashes in eastern Ukraine; U.S. intelligence blames missile". The Washington Post. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "MH17 Is The Deadliest Plane Crash Since 9/11". Huffington Post. 17 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Philippines names mom, 2 kids killed in MH17 tragedy". Rappler. 18 Hulyo 2014. Nakuha noong 19 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)