Litid sa alak-alakan
Sa anatomiya ng tao, tumutukoy ang litid sa alak-alakan (Ingles: hamstring), na nasa likuran ng gawing itaas ng likod ng tuhod[1], sa isa sa tatlong panglikurang mga masel o muskulo ng hita ng binti, o kaya sa mga litid o tendong bumubuo sa mga hangganan ng puwang o espasyong nasa likod ng mga tuhod. Subalit, sa makabagong mga konteksto o diwang pang-anatomiya, tumutukoy ang mga ito sa panlikod na mga laman o masel ng hita, o kaya sa mga tendon o litid ng semitendonosus, ng semimembranosus, at ng daga-dagaan sa binti (biceps femoris). Sa mga hayop na apatan ang paa (mga quadruped), tumutukoy ito sa nag-iisang tendon o litid na matatagpuan sa likod ng tuhod o kahalintulad na bahagi.[1]
Sa ipinakikita sa larawan, nakalagay o nakalagak ang litid sa alak-alakan ng tao sa panlikod na bahagi ng katawan ng pemur (femur).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.