Liwasan ng Mainit na Batis ng Tiwi
Itsura
Ang Liwasan ng Maiinit na mga Batis ng Tiwi (Ingles: Tiwi Hot Spring National Park) ay isang liwasan sa munisipalidad ng Tiwi, Albay sa Bicol, Pilipinas na kinatatampukan ng likas na mga maiinit na mga batis, pasingawan, maliliit na mga lawa ng kumukulong putik, at mga bunton ng sinter ng silika.[1] Ang maiinit na mga batis ng Tiwi ay pinupuntahan ng mga turista sapagkat pinaniniwalaang mayroong kakayahang makapanggamot ang mga ito. Ang mga batis na ito ay napagkukunan din ng enerhiya ng kuryente na heotermal.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lorejo, Ronnie. Tiwi Hot Springs revived as ecotourism destination, Philippine Daily Inquirer, Marso 13, 2003.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.