Liwasang Ala-Too

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Liwasang Ala-Too, mula sa timog.
Liwasang Ala-Too, mula sa hilaga.

Ang Liwasang Ala-Too (Kyrgyz:Ала-тоо аянты, [ɑlɑtoː ɑjɑntɯ́]; Ruso: Площадь Ала-Тоо, Pagbigkas sa Ruso: ˌploɕɕədʲ aləˈto) ang sentrong liwasan ng Bishkek, Kyrgyzstan. Itinayo ang liwasan noong 1984 para sa ika-60 anibersaryo ng SRS Krygyz, na dating may estatwa ni Lenin sa sentro ng liwasan.[1] Ang estatwa ni Lenin ang inilipat sa isang mas maliit na liwasan noong 2003, at isang bagong estatwa sa tawag na Erkindik (Kalayaan) ang iniligay sa lugar nito.

Ang liwasan ay isang lugar para sa mga pagdiriwang at kaganapang pang-estado. Noong 2008, ito ang naging lugar ng isang memoryal na pagdiriwang para sa Kyrgyz na manunulat na si Chinghiz Aitmatov.[2]

Noong Marso 24, 2005, ang liwasan ay naging kaganapan ng pinakamalaking protesta laban sa gobyerno, ang Rebolusyong Tulipan ng Krygyzstan. Pagkatapos ng maraming linggo ng kaguluhan sa buong bansa, 15,000 katao ang nagtipon ng maaga ng hapon para magprotesta ukol sa 2005 eleksyong pangparlamyentaryo. Dalawang tao ang namatay at higit kumulang 100 ang nasaktan sa kasagupaan ng mga mangproprotesta laban sa mga opisyal ng gobyerno.[3] Ngunit, nagawang nakuha ng mga mangproprotesta ang liwasan, at pinasukan ang Puting Tahanan, na pumilit kay Askar Akayev, ang unang pangulo ng Kyrgyzstan, na lumisan sa bansa at mamayang bumaba sa termino.

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Aslanbekova, Aisha (Septembre 10, 2003). "Replacement of Lenin Statue Heats Up New Political Season in Kyrgyzstan". Central Asia Caucasus Institute Analyst. Hinango noong 2008-08-22. Check date values in: |date= (tulong)
  2. "Central Asia: Mourners In Kyrgyz Capital Bid Farewell To Literary 'Giant' Aitmatov". Radio Free Europe/Radio Liberty. Hunyo 14, 2008. Hinango noong 2008-08-22.
  3. "Akayev Administration Collapses in Kyrgyzstan, Sending Tremors Across Central Asia". Eurasianet. Marso 24, 2005. Sininop mula sa orihinal noong 20 Agosto 2008. Hinango noong 2008-08-22.

Mga koordinado: 42°52′35″N 74°36′14″E / 42.87639°N 74.60389°E / 42.87639; 74.60389