Pumunta sa nilalaman

Biskek

Mga koordinado: 42°52′00″N 74°34′00″E / 42.8667°N 74.5667°E / 42.8667; 74.5667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bishkek

Бишкек
administrative territorial entity of Kyrgyzstan, unang antas ng dibisyong pampangasiwaan ng bansa, big city
Watawat ng Bishkek
Watawat
Eskudo de armas ng Bishkek
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 42°52′00″N 74°34′00″E / 42.8667°N 74.5667°E / 42.8667; 74.5667
Bansa Kyrgyzstan
LokasyonKyrgyzstan
Itinatag1825
Lawak
 • Kabuuan127 km2 (49 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2023)[1]
 • Kabuuan1,145,044
 • Kapal9,000/km2 (23,000/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166KG-GB
Plaka ng sasakyanB
Websaythttp://meria.kg

Ang Biskek (Kyrgyz: Бишкек, romanisado: Bishkek, IPA[biʃˈkek]; Ruso: Бишкек) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansang Kirgistan. Ang Biskek ay din ay sentrong pampangasiwaan ng Rehiyon ng Chüy. Lumiligid ang rehiyon ng lungsod, maski ang mismong lungsod hindi ay bahagi ng rehiyon kundi isang yunit sa antas ng rehiyon ng Kirgistan. Ang Biskek ay nakalagay nasa hangganang Kasakistan-Kirgistan na may populasyon ng 1,074,075 noong 2021.

Ang Biskek ay isang lungsod ng malalawak na bulebard at pampublikong gusali na may marmol na mukha, sabay-sabay sa mga bloke ng apartment (Ruso: хрущёвка, romanisado: khrushchyovka) mula sa panahong Sobyetiko na lumiligid ng panloob na mga patyo. May rin libu-libong mga bahay na mas maliit, pribadong itinayo, karamihan sa labas ng sentro ng lungsod. Isinasaayos ang mga kalye sa isang grid, kung saan ang karamihan ay may mga kanal ng patubig nasa magkabilang panig, na ibinibigay ang tubig sa mga puno, na ibinibigay ang lilim habang maininit na tag-init.

Parang ipinangalan ang Bisket sa pamalong ginagamit para haluin ang inasim na gatas.

Ibinibigay ng opisyal na website ng bulwagan ng lungsod ng Biskek ang kasunod na etimolohikal na pangangatwiran para sa pangalan ng lungsod: ang buntis na asawa ng isang heo ay nawalan ng isang pamalong ginagamit para haluin ang kumis. Habang paghahanap, biglang nagkaanak ng isang batang lalaki, tinawag na Biskek. Si Biskek ay lumaki at naging isang marangal na lalaki, at pagkatapos ng niyang pagkamatay, ibinaon sa isang tambak na malapit sa pampang ng Alamüdün (Kyrgyz: Аламүдүн). Dito, itinayo ang isang lapida. Ang gusali ay nakita at inilarawan ng mga biyahero ng ika-17 at ika-18 siglo.

Ayon sa ebidensiya ng DNA, ang lugar na malapit na Biskek ay ipinalalagay bilang isa sa mga posibleng pinagmulan ng Salot na Itim sa pagitan ng AD 1346 at 1353.

Paghaharing Kokhand

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Orihinal na isang pahingahang pangkarabana, posibleng itinayo ng mga Sogdiyano, sa isa sa mga sanga ng Daan ng Sutla, na pinagdaan ang hanay ng Tian Shan, ang lugar ay pinalakas noong 1825 ng khan ng Kokand sa pamamagitan ng isang moog na yari sa putik. Sa mga huling taon ng paghaharing Kokhand, ang itong moog ay pinamahalaan ni Atabek, ang Datka. Noong 1844, ang mga puwersa ni Ormon Khan, ang lider ng Khanatong Kara-Kyrgyz [ky], bahagyang bumihag ng moog.

Panahong Tsaristo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1860, nagdagdag ang Imperyong Ruso ng purok, at ang mga puwersang militar ni Koronel Apollon Zimmermann [ru] ay kumuha at sumira ng moog. Ang Koronel Zimmerman ay muling gumawa ng bansa sa itaas ng siraing moog at nagtakda ng kampong-Poruchik Titov bilang ulo ng isang bagong Rusong garison. Mula sa 1877 muling nabuo ng Imperyong Rusong pamahalaan ang pook, at hinimok ang pagtira ng mga Rusong magsasaka sa pamamagitan ng mga regalo ng matabang lupain.

Panahong Sobyetiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Estatwa ni Mikhail Frunze na malapit na istasyon ng tren

Noong 1926, ang lungsod ay naging kabisera ng bagong matatag na Kirgis na ASSR at muling pinangalanan Frunze para sa Mikhail Frunze. Si Frunze ay malapit na kasama ni Lenin kung sino isinilang sa Biskek at gumanap ng mahahalagang papel sa mga himagsikan ng 1905 at 1917, at sa Digmaang Sibil sa Rusya ng maagang dekada 1920.

Panahon ng kasarinhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang maagang dekada 1990 ay magulong panahon para sa Biskek. Noong Hunyo 1990, ipinahayag ang isang estado ng emerhensiya, pagkatapos ng matinding kaguluhan sa lahi sa katimugang Kirgistan na halos kumalat sa kabisera. Ang lungsod ay muling pinangalanan Biskek noong Pebrero 5, 1991, at nakagawa ang Kirgistan ng kasarinlan nang mamaya sa taong iyon habang pagbuwag ng Unyong Sobyet. Bago kasarinlan, ang karamihan ng populasyon ng Biskek ay etnikong mga Ruso. Noong 2004, bumuo ang mga Ruso ng 20% ng populasyon ng lungsod, at mga 7–8% in 2011.

Ang Biskek ay sentro ng pananalapi ng Kirgistan, at ang lahat ng 21 komersyal na bangko ng bansa ay may kanilang punong himpilan doon. Habang panahong Sobyetiko, ang lungsod ay tahanan para sa mararaming pang-industriya na planta, pero mula sa 1991 ang karamihan ay sarado o binabagalan. Ngayon ang isa sa mga pinakamalaking sentro ng empleyo ng Biskek ay Bazar Dordoy (Kyrgyz: Дордой Базары, romanisado: Dordoj Bazary) kung saan ibinebenta ang mararaming Tsinong panindang inaangkat sa mga bansang CIS.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.