Pumunta sa nilalaman

Llanfairpwllgwyngyll

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ilustrasyon ng karatula na ipinapakita ang pangalan at ang salinwika sa Ingles na nangangahulugang: "Simbahan ni Santa Maria sa sisidlan ng puting abelyano (o kastanya?) malapit sa nabilis na puyo ng tubig ng llantysilio ng mapulang yungib."

Ang Llanfairpwllgwyngyll or Llanfair Pwllgwyngyll (bigkas [ɬanˌvair puɬˈɡwɨ̞nɡɨ̞ɬ]; Llanfairpwll, Llanfair PG) ay isang malaking nayon (village o pueblo) at pamayanan sa pulo ng Anglesey sa Gales, na nasa bandang Kipot ng Menai kasunod sa Tulay ng Bretannia at pa-ibayo ng kipot mula Bangor. Ang buong pangalan ng nayong ito ay Llanfair­pwllgwyngyll­gogery­chwyrn­drobwll­llan­tysilio­gogo­goch.

Sa Senso 2001, nasa halos 3,040 ang populasyon ng pamayanan,[1] kung saan 76% ng populasyon ay bihasa sa wikang Gales (Welsh, Cymraeg); ang pinakamataas na bahagdan ng mga mananalita ay nasa pangkat ng mga mayroong edad na 10-14, kung saan 97.1% ang mga tagapagsalita ng Gales. Noong panahon ng Senso 2011, nataas ang populasyon sa 3,107 kung saan 70.62% ang mga mananalita ng Gales.[2] Iyon ang ikaanim na pinakamalaking pinaninirhan sa pulo batay sa populasyon.

  1. "Neighbourhood Statistics". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-06. Nakuha noong 2015-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Community population and percentage of Welsh speakers". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Abril 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.