Pumunta sa nilalaman

Lodovico Ariosto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lodovico Ariosto
Kapanganakan8 Setyembre 1474 (Huliyano)
  • (Lalawigan ng Reggio Emilia, Emilia-Romaña, Italya)
Kamatayan6 Hulyo 1533 (Huliyano)
NagtaposUnibersidad ng Ferrara
Trabahomakatà, mandudula
Pirma

Si Lodovico Ariosto (8 Setyembre 1474 – 6 Hulyo 1533) ay isang Italyanong makata. Kilalang-kilala siya bilang may-akda ng panulaang epikong romansa na Orlando Furioso o "Ang Nagngingitngit na Roland" (1516), na itinuturing na isang piyesa ng maestro o dalubhasa sa buong mundo.[1] Ang tulang ito, na kasunod o pagpapatuloy ng Orlando Innamorato ni Matteo Maria Boiardo, ay naglalarawan ng mga pakikipagsapalaran ni Carlomagno, Roland (kilala rin bilang Orlando), at ng mga Pranko habang nakikipaglaban sila laban sa mga Saraseno na may mga paglilihis papunta sa maraming panggilid na mga balangkas ng kuwento. Isinulat ito ni Ariosto sa plano ng pantig na ottava rima at nagpakilala ng komentaryong pasalaysay sa buong akda.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ariosto". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), titik I, Italian Language and Literature, pahina 478.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.