Pumunta sa nilalaman

Golpo ng Aden

Mga koordinado: 12°N 48°E / 12°N 48°E / 12; 48
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Look ng Aden)
Golpo ng Aden
Mapa ng Golpo ng Aden
LokasyonDagat Arabo
Mga koordinado12°N 48°E / 12°N 48°E / 12; 48
UriGulf
Balasak na lalim500 m (1,600 tal)
Pinakamalalim2,700 m (8,900 tal)
Pinakamataas na temperatura28°C
Pinakamababang temperatura15°C

Ang Golpo ng Aden (Arabe: خليج عدنḪalīǧ ʻAdan, Somali: Gacanka Cadmeed) ay isang golpo na matatagpuan sa Dagat Arabo sa pagitan ng Yemen, sa timog na baybayin ng Tangway ng Arabia, at Somalia, sa Sungay ng Aprika. Sa hilagang-kanluran, dumurugtong ito sa Dagat na Pula sa pamamagitan ng kipot ng Bab-el-Mandeb, na kung alin ay higit sa 20 milya ang lapad. Ito ay nakikibahagi ng pangalan sa lungsod na daungan ng Aden sa Yemen, na bumubuo sa hilagaing baybayin ng golpo. Sa kasaysayan, ang Golpo ng Aden ay dating kinilala bilang "Ang Golpo ng Berbera", ipinangalan sa sinaunang Somali na lungsod na daungan ng Berbera sa timog na bahagi ng golpo.[1][2] Gayunpaman, nang lumago ang lungsod ng Aden sa kolonyal na panahon, ang pangalan na "Golpo ng Aden" ay sumikat.

Bahagi ang daanang-tubig ng mahalagang rutang pambarko ng Kanal Suez sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at ng [Dagat na Arabo sa Karagatang Indiyano, na may 21,000 mga bapor na tumatawid sa golpo bawat taon.[3] Nakikilala ang golpo sa palayaw na "Iskinita ng mga Mandarambong" o "Pasilyo ng mga Pirata" ("Pirate Alley" sa Ingles) dahil sa malaking bilang ng pandarambong sa lugar na ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Dumper, Stanley, Michael, Bruce E. Cities of The Middle East and North Africa: A Historical Encyclopedia. ABC CLIO, Google Books. p. 90.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. Houtsma, M. Th. First encyclopaedia of Islam: 1913-1936. Google Books. p. 364.
  3. "Pirates fire on US cruise ship in hijack attempt: Yahoo! News". Yahoo!. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-04. Nakuha noong 2008-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

HeograpiyaYemenSomalia Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya, Yemen at Somalia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.