Pumunta sa nilalaman

Louise Abbéma

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Louise Abbéma
Kapanganakan
Louise Catherine Léonie Abbéma[1]

30 Oktubre 1853(1853-10-30)[1]
Kamatayan10 Hulyo 1927(1927-07-10) (edad 73)
LibinganSementeryo ng Montparnasse, Paris, Pransiya
NasyonalidadPransiya
EstiloImpresyonismo[2]
KilusanBelle Époque, Bagong Babae
PagkilalaLégion d'Honneur (1906)
Pirma

Si Louise Abbéma (30 Oktubre 1853[a] – 29 Hulyo 1927)[1][3] ay isang pintor, iskultor, at tagadisenyo mula sa Pransiya. Isang lesbiyana, ang kanyang lagpas limang dekadang karera sa sining mula 1874 hanggang 1926 ay tumapat sa Belle Époque at Bagong Babae, at nakilala sa mga gawa niyang nagpopokus sa mga pang-araw-araw na eksena gayundin sa mga pagpinta niya sa larawan ng ilang sikat na personalidad ng panahon niya, kabilang na ang aktres na si Sarah Bernhardt.[2] Nakapagtanghal sya ng 45 ekhibisyon sa buong karera niya.[4] Noong 1906, ginawaran siya ng Légion d'Honneur, ang pinakamataas na parangal ng kagalingan sa Pransiya. Siya ang ikaapat na babaeng nakatanggap nito sa kasaysayan.[4]

Ipinanganak si Louise Catherine Léonie Abbéma noong 4:00 ng umaga ng ika-30 ng Oktubre 1853[a] sa Étampes sa Essonne, Pransiya.[1] Anak siya ni Emile Léon Abbéma, isang biskonde, at ni Henriette Anne Sophie d'Astoin.[1] Mayaman ang pamilya niya, na may maraming koneksyon sa komunidad ng sining sa kanilang lugar. Umalis si Abbéma papuntang Paris noong 1873 para mag-aral ng sining,[5] sa ilalim ng mga pintor tulad nina Charles Joshua Chaplin, Jean-Jacques Henner, at Carolus-Duran. Ang karera niya sa sining ay nagsimula noong 1874,[4] at dinomina nung una ng mga pagpinta niya sa mga aktor sa Comédie-Française, kabilang na si Sarah Bernhardt noong 1876. Ang pagpinta niya sa aktres, na nakilala niya noong 1871,[5] ang nagpasikat sa kanyang pangalan.[6] Patuloy niyang pininta si Bernhardt at ginawan pa niya siya ng isang iskulturang gawa sa tanso. Bilang ganti, gumawa naman ni Bernhardt ng isang marmol na iskultura ni Abbéma.[7] Naging malapit na kaibigan niya kalaunan, at pinaghihinalaang nagkaroon sila ng relasyon.[8][2]

Si Abbéma sa kanyang istudyo noong 1914.

Nagpatuloy ang pagpinta niya sa mga miyembro ng aristokrata sa Paris sa malaking bahagi ng kanyang karera sa sining. Madalas din siyang ikomisyon upang pinturahan ng mga dekorasyon ang mga panel sa Opéra-Comique, ang bulwagang panlungsod ng Paris, Hôtel de Ville, gayundin ang mga bulwagang pambayan sa mga arrondissement ng naturang lungsod. Bukod sa mga ito, kinomisyon din siya para sa Palasyo ng Gobernador sa Dakar, Senegal (bahagi noon ng Kanlurang Aprika ng Pransiya). Isa rin siya sa mga babaeng nagkaroon ng ekshibisyon sa World's Columbian Exposition sa Chicago, Estados Unidos noong 1893.[2][9] Nakatanggap siya ng isang pagkilala noong 1881, at isang tanso at pilak na medalya sa Exposition Universelle sa Paris noong 1900.[6] Ginawaran siya ng Légion d'Honneur noong 1906, ang ikaapat na babaeng nakatanggap sa naturang parangal.[4]

Nagpatuloy ang karera niya sa sining hanggang nong 1926. Nagkaroon siya ng sariling istudyo sa Rue Laffitte mula 1883 hanggang 1908.[10] Namatay siya noong ika-29 ng Hulyo 1927 sa Paris.[2]

Si Abbéma habang ginagawa ang Matin d'Avril.

Tulad ng ibang mga babaeng pintor noong panahon niya, nagpokus din siya sa mga eksena ng pang-araw-araw na buhay. Ang kanyang pagguhit ay malumanay at mabilis, na may mga impluwensiya mula sa impresyonismo. Madalas siyang magpinta gamit ang pinturang langis, pastel, at akwarela.[2][5]

Taon Larawan Pamagat Impormasyon Sang.
1872 Une partie de croquet
("Isang Laro ng Croquet")
Langis sa kanbas
38.9cm × 55.8cm
[11]
1874 Femme assise sur un rocher
("Babaeng Nakaupo sa Bato")
Grabado
21cm × 29.8cm
[12]
1877 Le déjeuner dans la serre ("Tanghalian sa Greenhouse") Langis sa kanbas
194cm × 308cm
Renée Delmas Langis sa kanbas
101cm × 56cm
1879 Portrait de Sarah Bernhardt
("Larawan ni Sarah Bernhardt")
Pagguhit sa tanso [13]
1880 Portrait de Jeanne Samary
("Larawan ni Jeanne Samary")
Langis sa kanbas
124cm × 84cm
Blanche Barretta Photogravure
Portrait de Sarah Bernhardt
("Larawan ni Sarah Bernhardt")
Grabado
15.8cm × 12cm
[14]
1882 Les quatre Saisons
("Ang Apat na Panahon")
Serye ng apat na langis sa kanbas
59cm × 42cm
1883 La dame avec les fleurs
("Ang Binibini sa mga Bulaklak")
Langis sa kanbas [5]
1889 Falaise fleurie
("Mabulaklak na Bangin")
Langis sa kanbas
1892 Dans les fleurs
("Nasa Mga Bulaklak")
Langis sa kanbas
198cm × 123cm
[15]
1893 Muse de la Musique
("Paraluman ng Musika")
Akwarela
98cm × 65cm
[16]
1894 Matin d’avril
("Umaga ng Abril")
Langis sa kanbas
Une élégante place de la Concorde
("Ang Eleganteng Place de la Concorde")
Langis sa kanbas
1897 La Musique
("Ang Musika")
Photogravure [17]
Sarah Bernhardt Hunting with Hounds
("Ang Nangangasong si Sarah Bernhardt Kasama ang mga Aso")
Langis sa kanbas
42.38cm × 33.13cm
[18]
1898 Portrait de Mme B...
("Larawan ni Bb. B...")
Photogravure [19]
1904 La Sorcière ("Ang Mangkukulam") Yugto 4, Eksena 7 Postcard [20]
1905 Bacchante à l’œil-de-bœuf
("Bacchante na may Bull's eye")
Disenyo ng patalastas
1908 La Terrasse du Casino de Fécamp
("Ang Batalan ng Casino ng Fécamp")
Akwarela [21]
La côte de la Vierge à Fécamp
("Ang Baybayin ng Birhen ng Fécamp")
Akwarela [22]
La plage d’Étretat
("Ang Aplaya ng Etretat")
Akwarela [23]
1913 Flore Langis sa kanbas
156cm × 167cm
[24]
1914 L’Allemagne au-dessous de tout
("Nasa Baba ng Lahat ang Alemanya")
Postcard
Jeanne d’Arc, incendie de Reims
("Si Joan ng Arko, Sunog sa Reims")
Postcard [25]
1921 Portrait of Sarah Bernhardt
("Larawan ni Sarah Bernhardt")
Langis sa kanbas [26]

Di-siguradong petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Larawan Pamagat Impormasyon Sang.
1897 La peinture
("Ang Pintor")
Langis sa kanbas [27]
1914 Bouquet de fleurs
("Isang Bouquet ng Bulaklak")
Langis sa kanbas
46cm × 38.4cm
[28]
Larawan Pamagat Impormasyon Sang.
Portrait de femme en manteau avec un parapluie
("Larawan ng isang babaeng nakakapote at payong")
Langis sa kanbas
39.5cm × 28.5cm
Jardin fleuri
("Hardin ng mga Bulaklak")
Langis sa kanbas [29]
En attendant le maître
("Naghihintay sa May-ari")
Langis sa kanbas [30]
Femme au médaillon fleuri
("Babaeng may Mabulaklak na Medalyon")
Akwarela
Charles Gounod Pagguhit
Composition florale autour d’une gravure
("Komposisyong bulaklak sa paligid ng engraving")
Akwarela
Thé de l’après-midi
("Tsaa sa Tanghali")
Langis sa kanbas
33cm × 41cm
[31]
Au Piano
("Ang Piano")
Langis sa kanbas
50cm × 40cm
[32]
Femme au parapluie
("Babaeng Nakapayong")
Grabado
Autoportrait
("Sariling larawan")
Langis sa kanbas [33]
  1. 1.0 1.1 Ayon sa maraming sanggunian, ipinanganak si Abbéma sa taong 1858. Gayunpaman, ayon sa kanyang katibayan ng kapanganakan, ipinanganak siya noong 1853.[1]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Acte de naissance de Louise Abbéma" [Sertipikasyon ng Panganganak ni Louise Abbéma]. Corpus Historique Étampois (sa wikang Pranses). Nakuha noong 17 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Louise Abbéma". National Museum of Women in the Arts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Aurora: The Journal of the History of Art [Aurora: Ang Dyornal ng Kasaysayan ng Sining] (sa wikang Ingles). Aurora. 2002. p. 62.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "Women Artists in Paris" [Mga Babaeng Artista sa Paris]. The Clark (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Louise Abbéma: La Dame avec Les Fleurs". The French Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Louise Abbéma". Aware Women Artists (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Louise Abbema (1858-1927), peintre" [Louise Abbéma (1858-1927)[sic], pintor]. L'Agence Photo (sa wikang Pranses). Nakuha noong 29 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Taranow, Gerda (1996). The Bernhardt Hamlet: culture and context [Ang Hamlet ni Bernhardt: kultura at konteksto] (sa wikang Ingles). P. Lang. ISBN 0-8204-2335-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Summers, Clude J. (2004). The Queer Encyclopedia of the Visual Arts [Ang Queer na Ensiklopedya ng Nakikitang Sining]. San Francisco, CA: Cleis. p. 2. ISBN 1573441910.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Roussard, Andre (1999). Dictionnaire des peintres à Montmartre [Diksiyonaryo ng mga pintor ng Montmartre] (sa wikang Pranses). Paris, Pransiya: Editions A. Roussard. ISBN 9782951360105.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "A Game of Croquet" [Isang Laro ng Croquet]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Femme assise sur un rocher" [Babaeng Nakaupo sa Bato]. Corpus Etampois (sa wikang Pranses). Nakuha noong 2 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Portrait de Sarah Bernhardt" [Larawan ni Sarah Bernhardt]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Portrait de Sarah Bernhardt" [Larawan ni Sarah Bernhardt]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "In The Flowers" [Nasa Mga Bulaklak]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Muse de la Musique" [Paraluman ng Musika]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "La Musique" [Ang Musika]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Sarah Bernhardt Hunting with Hounds" [Si Nangangasong si Sarah Bernhardt Kasama ng mga Aso]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Portrait de Mme B..." [Larawan ni Mme B...]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "La Sorcière, acte IV, scène 7" [Ang Mangkukulam, Yugto 4, Eksena 7]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "La Terrasse du Casino de Fécamp" [Ang Batalan ng Casino ng Fécamp]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "La côte de la Vierge à Fécamp" [Ang Baybayin ng Birhen sa Fécamp]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "La plage d'Étretat" [Ang Aplaya ng Etretat]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Flore". WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Jeanne d'Arc, incendie de Reims" [Joan ng Arko, sunog sa Reims]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Portrait of Sarah Bernhardt" [Larawan ni Sarah Bernhardt]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "La peinture" [Ang Pintor]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Bouquet de fleurs" [Bouquet ng bulaklak]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Jardin fleuri" [Hardin ng mga Bulaklak]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "En attendant le maître" [Naghihintay sa May-ari]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Thé de l'après-midi" [Tsaa sa Tanghali]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Au piano" [Ang Piano]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Autoportrait" [Sariling larawan]. WikiArt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]