Sarah Bernhardt

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Sarah Bernhardt.

Si Sarah Bernhardt (Pagbigkas sa Pranses: [sa.ʁa bɛʁ.nɑʁt];[1] c. 22/23 Oktubre 1844 – 26 Marso 1923), na ipinanganak bilang Henriette Bernard,[2], ngunit mayroon ding napagsanggunian na nagsasabing siya ay ipinanganak bilang Rosine Bernardt,[3] ay isang Pranses na aktres na pang-entablado at maagang uri ng pelikula, at tinukoy bilang "ang pinakabantog na aktres na nakilala ng mundo".[4] Natamo ni Bernhardt ang katanyagan sa mga entablado ng Pransiya noong dekada ng 1870, at kaagad na naging tinatangkilik at kinasasabikang mapanood sa Europa at sa Kaamerikahan. Nakapagpaunlad siya ng isang reputasyon bilang isang seryosong aktres na pangdrama, na nakapagpakamit sa kaniiya ng bansag na "The Divine Sarah" (Ang Dibinang si Sarah). Sa paglaon, nakilala siya bilang Sara-Marie-Henriette Rosine Bernard.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Sarili niyang pagbigkas, pakinggan halimbawa ang nasa kawing na ito, youtube.com
  2. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO WAS KNOWN AS "THE DIVINE SARAH?"". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767. , (...) "Sarah Bernhardt, born Henriette Bernard in 1844 (...), pahina 93.
  3. Snel, Harmen. The ancestry of Sarah Bernhardt; a myth unravelled, Amsterdam, Joods Historisch Museum, 2007, ISBN 978-90-802029-3-1, pp 9–10.
  4. Gottlieb, Robert. "The Drama of Sarah Bernhardt". http://www.nybooks.com/articles/20151. Hinango noong 2007-10-18. 


TaoPransiyaPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Pransiya at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.