Pumunta sa nilalaman

Luis Francisco Cuellar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Luis Francisco Cuéllar Carvajal
Gobernador ng Caquetá
Nasa puwesto
1 Enero 2008 – 22 Disyembre 2009
Nakaraang sinundanOlga Patricia Vega Cedeño
Sinundan niOlga Patricia Vega Cedeño
Punong-bayan ng Morelia
Nasa puwesto
1996–1998
Personal na detalye
Isinilang22 Disyembre 1940(1940-12-22)
Timana, Huila
Yumao22 Disyembre 2009(2009-12-22) (edad 69)
Caquetá
KabansaanColombian
Partidong pampolitikaIndigenous Social Alliance Movement
Ibang ugnayang
pampolitika
Colombian People's Party (2003)
AsawaImelda Galindo de Cuéllar
TahananFlorencia
TrabahoCattle rancher, politiko

Si Luis Francisco Cuellar Carvajal ay isang politiko sa Kolombiya na nagsilbi bilang gobernador ng Kagawaran ng Caquetá.

Dinukot si Cuellar ng mga Revolutionary Armed Forces of Colombia noong 22 Disyembre 2009[1][2]. Ang kanyang bahay sa Florencia ay inatake ng sampung armadong lalaki, na naghagis ng granada sa gusali, at kinuha si Cuellar. Isang pulis ang namatay sa pag-atake at dalawa pa ang nasugatan. Sinimulan na ng mga opisyal ng Kolombiya ang malawakang pagtugis, nagpakalat na sila ng dalawang libong hukbo at pulis sa makahoy na lugar sa palibot ng Florencia para hanapin siya. Nag-alok na si Pangulong Alvaro Uribe ng 313,000 piso kapalit nang kanyang paglaya[2]. Noong 23 Disyembre 2009, natagpuan siyang patay[3] at ang kanyang katawan ay nakita nang mga hukbo ng seguridad malapit sa Florencia, matapos ituro ng mga lokal nang mamamayan sa mga hukbo ang lugar na iyon. Natagpuan ang sasakyang ginamit ng mga armadong lalaki na mayroong siyam na mga pampasabog. Mayroong pampasabog sa katawan ni Cuellar. Ginilit ang kanyang lalamunan[2] at may ilang tama ng baril din ang nadiskubre. Sinimulan na ng mga opisyal ng Kolombiya ang imbestigasyon sa pagpatay.

Apat na beses nang dinukot at pinalaya kapalit ng ransom si Cuellar. Sinasabi ng pamilya Cuellar na mayroon na silang mga natatanggap na pananakot bago pa ang nasabing pagdukot.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Caqueta governor found dead". Colombia Reports. 2009-12-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-02. Nakuha noong 2009-12-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Kidnapped Colombian governor found dead". BBC. 2009-12-22. Nakuha noong 2009-12-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Kidnapped Colombia governor has been killed: official". Reuters. 2009-12-22. Nakuha noong 2009-12-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


TalambuhayPolitikoKolombiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Politiko at Kolombiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.