Pumunta sa nilalaman

Lumang Kabyawan ng Koloa

Mga koordinado: 21°54′35″N 159°28′9″W / 21.90972°N 159.46917°W / 21.90972; -159.46917
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lumang Kabyawan ng Kōloa
Ladrilyong tsimenea ng Lumang Kabyawan
Kinaroroonan:Kalsadang Maluhia at Kōloa, Kōloa
Mga koordinado21°54′35″N 159°28′9″W / 21.90972°N 159.46917°W / 21.90972; -159.46917
Naitayo:1839–1841
Namamahalang katawan:Pribado
Sangguniang Blg. ng NRHP :66000296[1]
Mahahalagang mga petsa
Idinagdag sa NRHP:Oktubre 15, 1966
Naitalagang NHL:Disyembre 29, 1962[2]

Ang Lumang Kabyawan ng Koloa ay bahagi ng unang matagumpay na komersiyal tubuhan sa Hawaiʻi na itinatag sa Kōloa sa isla ng Kauai noong 1835 ng Ladd & Company.[3] Ito ang simula ng magiging pinakamalaking industriya ng Hawaii. Itinalaga ang gusali bilang isang Pambansang Makasaysayang Muhon noong Disyembre 29, 1962. Nananatili ang isang batong tsimenea at pundasyon mula sa 1840.[4]

Kahit na itinanim ang tubo ng mga sinaunang taga-Hawaii sa maliliit at personal na kapirasong lupa, ito ang unang malakihang komersyal na produksyon sa Hawaii.[5] Nag-eksperimento si Joseph Goodrich ng misyong Hilo at Samuel Ruggles ng misyong Kona sa paggamit ng agrikultura upang suportahan ang kanilang mga misyon pati na rin para magbigay ng trabaho sa kanilang mga mag-aaral.[6] Pagkatapos ng hindi matagumpay na tangka upang kunin si Rev. Goodrich, lumipat sa lupain si Hooper bilang tagapamahala, kahit wala siyang karanasan sa pag-inhenyeriya o agrikultura.[5]

Dito itinatag ang plantasyon dahil sa pangkalahatang pagkamayabong ng lupa, kalapitan sa isang magandang daungan, at lokasyon malapit sa lawa ng Maulili kaya nakagamit sila ng isang talon para sa enerhiyang pagpoproseso.[7] Hindi madaling nakuha ang unang pag-arkila nito at naging malaki ang papel ng mga koneksyon sa mga misyonero sa pagkuha nito. Dati magiging dalisayin ang mga pulot para maging rum, na patuloy na ikinokontra ng mga konserbatibong misyonero. Ang mga tagapagtatag ng Ladd & Co. ay sila William Ladd (1807-1863), Peter A. Brinsmade (1804-1859), at William Northey Hooper (1809-1878).[8] Tumanggi ang mga taga-Hawaii sa pag-upa ng lupain at ipinagbawal sa simula ang pagbenta ng mga probisyon sa mga tagapangasiwa ng plantasyon.[7] Sa huli nagkaroon ang dalawang grupo ng nababalisang pakikipagsosyo na nagresulta sa maraming salungatan habang umusbong ang panahon.

Kahit na 980 akre (400 ha) ang naupahan mula kay Haring Kamehameha III, 12 akre (4.9 ha) lamang ang pinagtaniman noong Setyembre 1835. Namunga ang isang maliit na kiskisan na pinatakbo ng tubig mula sa lawa ng Maulili ng kaunting pulot noong 1836. Mabilisang napudpod ang kahoy na pison sa kiskisan, kaya pinalitan ang mga ito ng bakal para taasin ang produksyon. Noong 1837, nakagawa ang kiskisan ng higit sa 4,000 talampakan (1,800 kg) ng asukal at 700 galong Amerikano ng pulot. Itinayo ang isang kasunod na kiskisan, na ang tsimenea at pundasyon ay nakikita pa rin, mula 1839 hanggang 1841 sa Sapang Waihohonu. Nagkahalaga nang malapit sa US $ 16,000 ang gastos upang magtayo.[4]

Mga alitan ng manggagawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpahayag ang mga tagapangasiwa ng tubuhan ng malaking kabiguan sa mga manggagawa sa Hawaii at nagmungkahi na nagpakita sila ng "lubusang kawalang kuwenta ...bilang mga manggagawa".[7] Inilarawan ang mga taong taga-Hawaii bilang nakabaon sa kanilang kulturang pamana na "makagagambala ang hindi bababa sa mga siglo, bago mauunawaan nila na bahagi ito ng kanilang tungkulin upang paglingkuran ang kanilang mga panginoon nang matapat".[7] Nagpapahayag ang tagapamahala ng plantasyon na katumbas ng 400 taga-Hawaii ang trabaho ng 10 puting kalalakihan.[7]

Binayaran ng mga may-ari ng plantasyon ang mga manggagawa ng $2 bawat buwan gamit ang "Salaping Kauai" na maaari lamang tubusin sa mga tindahan ng plantasyon pangkalakal (na minarkahan nang hindi hihigit sa 2% sa merkado).[7] Binigyan sila ng mga inayos na bahay ngunit kinailangang magbayad ng 1 sentimo kada araw para rito.[7] Sa isang 1841 na paghihimagsik laban sa mga kundisyong ito, sinimulan ng mga manggagawang Hawaiian ang welga para sa mas mataas na sahod na hindi naging matagumpay.[7] Ibinubunyag ng pagrepaso sa kasaysayan ng Kōloa at mga kondisyon sa pagtatrabaho ang mga pagganyak ng mga may-ari ng plantasyon upang mag-angkat ng manggagawa na nagreresulta sa napakalaking alon ng globalisasyon sa mga isla.

Ginamit ng plantasyon ng Kōloa ang isang sistemang kontrata na nagbigay sa mga manggagawa ng interes sa pananim, ngunit pinigilan sila na maghanap ng ibang trabaho nang walang parusa. Ginamit ang mga pamamaraang ito ng ibang mga asyendero sa Teritoryo ng Hawaii na naging kilala bilang ang "Malaking Lima".[4]

Isinara ang Ladd & Co. noong 1844 matapos ang nabigong pagtatangkang kolonisahan ang natitirang bahagi ng mga Isla ng Hawaii. Kinuha ang plantasyon ng Kōloa ng gobyerno ng Hawaii at ipinagbili kay Dr. Robert Wood, bayaw ni Hooper, na nagpatakbo nito hanggang 1874. Noong 1853, ginamit ang isang makinang pinasisingawan para patakbuhin ang kiskisan sa unang pagkakataon sa Hawaii. Gumawa si Samuel Burbank ng malalim na araro upang taasin ang produksyon.[4]

Binili ang Koloa Agricultural Company ng pamilyang Duncan McBryde noong 1899, at idinagdag ito sa kanilang ari-arian at sa plantasyong Eleʻele. Theo H. Davies & Co. ang kanilang ahente. Noong 1910, naging ahente ang Alexander & Baldwin, at kalaunang ibinili ang iba pang mga kasosyo. Pinalitan ang lumang kiskisan ng isang mas malaking kiskisan sa silangan noong 1912, na nakuha mula sa pinlano na plantasyon ng American Sugar Company sa Molokaʻi. Pinamahalaan ni Frank A. Alexander ang kumpanya mula 1912 hanggang 1937. Pinamahalaan ni Cedric B. Baldwin ang kumpanya mula 1938 hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang namatay siya sa Iwo Jima. Pinagsama ito ni McBryde sa Grove Farm Company noong 1948.[9] Sinara ang plantasyon noong 1996.[10] Noong 2000, ibinenta ang Sakahang Grove kay Steve Case, na nagtrabaho ang kanyang lola, A. Hebard Case, sa plantasyon.[11] Nagbayad siya ng US $ 25 milyon at umabot sa $ 60 milyon ang utang, ngunit inakusahan ng iba pang mga kahati dahil nagsilbi ang kanyang ama bilang abugado para sa kumpanya. Napunta sa korte ang kaso ngunit pinawalang-saysay ito noong 2008.[12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "National Register Information System". National Register of Historic Places. National Park Service. 2008-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Old Sugar Mill of Koloa". National Historic Landmark summary listing. National Park Service. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-11. Nakuha noong 2008-07-04. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "NHL Summary" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2003-08-25. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Benjamin Levy (Agosto 1978). "Old Sugar Mill of Koloa nomination form". National Register of Historic Places. U.S. National Park Service. Nakuha noong 2010-03-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Robert L. Cushing (1985). "Beginnings of Sugar Production in Hawai'i". 19: 17–34. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Merze Tate (1962). "Sandwich Island Missionaries: The First American Point Four Agents". {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 7.6 7.7 Alexander, Arthur (1937) Koloa Plantation 1835 - 1935. Honolulu, Hawaii
  8. Paul T. Burlin. Imperial Maine and Hawai'i: Interpretative Essays in the History of Nineteenth Century American Expansion. pp. 21–56.
  9. "McBryde Sugar Co. (Kauai)". Nakuha noong 2010-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Andrew Gomes (Nobyembre 15, 2009). "HC&S, last of sugar cane plantations, on track toward more financial losses". Honolulu Advertiser. Nakuha noong 2010-03-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Stewart Yerton (Abril 23, 2006). "Grove Farm - a house divided: Litigation that divides family stems from sale clouded in suspicions". Honolulu Star-Bulletin. Nakuha noong Hunyo 25, 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Stewart Yerton (Setyembre 18, 2008). "Case found innocent in Grove Farm suit". Honolulu Star-Bulletin. Nakuha noong Hunyo 25, 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Merle G. Ladd. "Ladd & Company: Koloa Plantation - Hawaii's First Sugar Plantation". Ladds of New England web site. Archived from the original on 2009-11-24. Retrieved 2010-03-08.
  • "Grove Farm - Kaua'i Land Management & Community Development". web site. Retrieved 2010-03-08.