Lupaing ninuno

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang lupaing ninuno ay tumutukoy sa lupain, teritoryo at yamang-likas ng mga katutubô, lalo na sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Kakaiba ito sa mga karapatan ng mga katutubo sa lupa, titulong Aboriginal sa Australia dahil direktang iniuugnay nito ang lupa sa kanilang lipi.

Indonesia[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2013, sinusugan ng Hukumang Konstitusyonal ng Indonesia ang 1999 batas na hinggil sa panggugubat, upang ibalik ang mga lupain ng mga katutubo na ginugubatan.[1][2]

Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Pilipinas, ang lupaing ninuno ay ginagamit na pantukoy sa karapat ng mga katutubo sa lupa,[3] binabanggit din ang lupaing ninuno sa Saligang-Batas ng Pilipinas. Nakatadhana sa saligang-batas na "(d)apat pangalagaan ng Estado, batay sa mga tadhana ng Konstitusyong ito at sa mga patakaran at mga programa sa pagpapaunlad ng bansa, ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa kanilang minanang lupain upang matiyak ang kanilang kagalinang ekonomiko, panlipunan, at pangkultura."[4]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Pasandaran, Camelia. "Constitutional Court Annuls Government Ownership of Customary Forests". Jakarta Globe. Hinango noong 10 October 2013.
  2. Lang, Chris. "Indigenous peoples' rights and the status of forest land in Indonesia". Hinango noong 10 October 2013.
  3. Romualdo, Arlyn; Palisoc, VCD. "Protecting IPs' Rights to Ancestral Domains and Lands". University of the Philippines. Hinango noong 10 October 2013.
  4. Bernas, Joaquin. "Ancestral domain vs regalian doctrine (2)". Philippine Daily Inquirer. Hinango noong 10 October 2013.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.