Pumunta sa nilalaman

Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon
Buod ng Ahensya
UriLupon
KapamahalaanPamahalaan ng Pilipinas
EmpleyadoMga 33[1]
Tagapagpaganap ng ahensiya
  • Maria Rachel J. Arenas, tagapangulo
Websaythttp://www.mtrcb.gov.ph

Ang Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon[2] (Ingles: Movie and Television Review and Classification Board, dinadaglat na MTRCB) ay ang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na may responsable sa regulasyon ng telebisyon at pelikula, pati na rin ang sari-saring uri ng de-bidyong midya, na makikita at/o ikinakalakal sa bansa. Nasa ilalim ang MTRCB sa ng Tanggapan ng Pangulo. Binubuo ito ng isang tagapangulo, isang pangalawang tagapangulo at 30 kasapi ng lupon, na uupo ng isang taon. Itinatag ito noong 1985 sa bisa ng Atas ng Pangulo Blg. 1986 sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos.


Sistema ng pag-uuri

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasalukuyang gumagamit ang MTRCB ng dalawang sistema ng pag-uuri: isa para sa mga pelikulang ipinapalabas sa mga sinehan sa Pilipinas, at isa naman para sa mga programang ipinapalabas sa telebisyon.

Anim na baitang ng pag-uuri ang kasalukuyang ginagamit ng MTRCB sa pag-uuri ng mga pelikulang ipinapakita sa Pilipinas.

  • G o GP - Para sa lahat ng manonood (mula sa Ingles na General Patronage)
  • PG - Patnubay at gabay. Mga batang 14 taong gulang pababa ay nangangailan ng pagbabantay ng nakakatanda (mula sa Ingles na Parental Guidance).
  • R-13 - Para lamang sa mga taong 13 taong gulang pataas (mula sa Ingles na Restricted).
  • R-15 - Para lamang sa mga taong 15 taong gulang pataas
  • R-16 - Para lamang sa mga taong 16 taong gulang pataas.
  • R-18 - Para lamang sa mga taong 18 taong gulang pataas.
  • X - Bawal ipalabas sa publiko.

Tatlong baitang ng pag-uuri ang kasalukuyang ginagamit ng MTRCB sa pag-uuri ng mga programa sa telebisyon:

  • G: Para sa lahat ng manonood (mula sa Ingles na General [Patronage])
  • PG: Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan (mula sa Ingles na Parental Guidance).
  • SPG: Mahigpit na patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Sa mga patalastas ng MTRCB na nagpapahayag ng baitang ng isang programa, ito ay tinatawag na "Striktong Patnubay at Gabay" (sa Ingles: Strong Parental Guidance). Maaaring may maseselang tema, lengguwahe, karahasan, seksuwal, horror, at droga ang mga laman ng isang programa na dapat bigyan ng SPG rating dahil yan ay hindi angkop sa mga batang manonood.

Unang ipinahayag sa publiko ang kasalukuyang sistema ng pag-uuri noong 6 Oktubre 2011.

Noong Pebrero 2012 ay inilunsad ng MTRCB ang Bagong rating na "SPG" o "Striktong Patnubay at Gabay" para mas lalo maging responsable ang mga magulang sa paggabay sa mga batang manonood, lalo sa mga programang pinapalabas sa telebisyon na tumatalakay sa mga sensitibong bagay.

Unang ipinahayag sa publiko ang Rated SPG noong Pebrero 9, 2012, Kasama nito ang paglunsad ng isang commercial na pinagbibidahan ng pamilya ni Carmina Villaroel para mas maunawaan ng publiko ang Kasalukuyang sistema ng pag uuri

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The MTRCB Board Members". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-02-19. Nakuha noong 2012-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Marso 29, 2017. Nakuha noong Marso 27, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)