Luz Magsaysay
Luz Magsaysay | |
---|---|
Ika-7 Unang Ginang ng Pilipinas | |
Ginampanan Disyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957 | |
Pangulo | Ramon Magsaysay |
Nakaraang sinundan | Victoria Quirino-Delgado |
Sinundan ni | Leonila Garcia |
Personal na detalye | |
Isinilang | Luz Rosauro Banzon 25 Hulyo 1914 Balanga, Bataan, Kapuluang Pilipinas |
Yumao | 17 Agosto 2004 Lungsod Quezon, Pilipinas | (edad 90)
Himlayan | Sementeryo Norte |
Asawa | Ramon Magsaysay (k. 1933–57) |
Anak | Teresita (1934–1979) Milagros (ipinanganak 1936) Ramon Jr. (ipinanganak 1938) |
Si Luz Banzon Magsaysay (Hunyo 25, 1914 – Agosto 17, 2004) ay asawa ni Pangulong Ramon Magsaysay at ang ikapitong Unang Ginang ng Pilipinas.
Tubong Balanga, nilaa ni Luz ang kanyang buhay sa pamilya, kamag-anak at kaibigan. Nagkaroon siya at si Ramon ng tatlong anak: sina Teresita (1934–1979), Milagros (ipinanganak 1936) at Ramon Jr. (ipinanganak 1938).
Bilang asawa ng Pangulo, naging aktibo si Luz Magsaysay sa maraming programang sosyo-sibiko lalo na sa Krus na Pula ng Pilipinas, kung saan siya ang honoraryang Tagapangulo sa loob ng ilang taon. Naaalala siya bilang isa sa mga pinakahinahangaang Unang Ginang at nakilala para sa kanyang kagandahang loob at pagiging magiliw.[1]
Nabalo si Magsaysay sa 43 na taong gulang nang mamatay si Pangulong Magsaysay sa isang pagbagsak ng eroplano noong 1957, tatlong taon at dalawang buwan sa kanyang pamumuno, kaya isa ito sa pinakamaikling termino ng pagkapangulo sa kasaysayan ng Pilipinas. Inialay niya ang kanyang sarili sa pangangalaga ng alaala ng kanyang asawa at namuhay ng isang walang karangyaang buhay na tapat sa pamana ng kanyang asawa.[2][3]
Pagpanaw at pamana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namatay siya noong Agosto 17, 2004, sa edad na 90. Bilang paggunita sa kanyang alaala, isang Barangay sa Lungsod ng Cebu, malapit sa Dating Paliparan sa Lahug ay pinangalanang Barangay Luz noong huling bahagi ng dekada 1960 at Barangay Luz Banzon sa Jasaan, Misamis Oriental.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Luz Banzon Magsaysay: Well-loved First Lady". Philstar.com (sa wikang Ingles).
- ↑ Mrs. Luz B. Magsaysay: Constant Light and The Private Life of the Former First Lady | Google Books (sa wikang Ingles)
- ↑ Mrs. Luz B. Magsaysay: Constant Light and The Private Life of the Former First Lady | National Library of Australia (sa wikang Ingles)