Madaliang paglalahat
Itsura
Ang madaliang paglalahat o hasty generalization ay isang palasiyang impormal ng maling paglalahat batay sa hindi sapat na ebidensiya o paglundag sa konklusyon nang hindi nagsasaalang alang sa lahat ng mga variable. Sa estadistika, ito ay kinasasangkutan ng pagbatay sa malawakang mga konklusyon tungo sa estadistika ng isang survey mula sa isang maliit na sampol na nabibigong sapat na kumatawan sa buong populasyon. Ang kabaligtaran nito ang tamad na induksiyon o pagtanggi sa makatwirang konklusyon ng induktibong argumento.
Mga ibang pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Palasiya ng hindi sapat na estadistika
- Palasiya ng hindi sapat na sampol
- Paglalahat mula sa partikular
- Paglundag sa konklusyon
- Madaliang induksiyon
- Batas ng maliliit na bilang
- Hindi kumakatawang sampol
- Secundum quid
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.