Pumunta sa nilalaman

Madam Auring

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Madam Auring
Kapanganakan
Aurea Elfero

11 Marso 1940(1940-03-11)
Kamatayan30 Oktobre 2020(2020-10-30) (edad 80)
TrabahoAktres, tagakonsulta ng astrolohiya, politiko

Si Aurea Elfero, na kilala bilang si Madam Auring (11 Marso 1940 – 30 Oktubre 2020), ay isang Filipina manghuhula at aktres. [1][2] Ayon sa kanyang sariling salaysay, isa siya sa "limang pinakatanyag na kababaihan sa Asya noong 1990s".[3] Namatay siya noong 30 Oktubre 2020, sa edad na 80.[4]

Ang anak nina Luciana Damian at Jaime Elfero, si Aurea Elfero ay lumaki sa isang mahirap na pamilya at hindi nakapag-aral pagkatapos ng elementarya.[5]

Sumikat si Auring nang tama niyang hulaan si Amparo Muñoz na nanalo sa titulong Miss Universe noong 1974.[5] Dahil sa kaganapang ito, naging popular siya, dahilan upang humingi ng payo sa kanya ang boksingero na si Muhammad Ali, na nasa Maynila noon dahil sa "Thrilla in Manila" laro ng boksing. Hinulaan ng Amerikanong manhuhula na si Phyllis Bury na matatalo si Ali laban kay Joe Frazier ngunit tama ang hula ni Auring sa kanyang panalo. Dahil dito, binigyan siya ni Ali ng palayaw na "Madam Auring".[5]

Kasunod ng tagumpay na ito, humingi ng payo sa kanya ang mga kilalang personalidad tulad nina Unang Ginang Imelda Marcos, Nora Aunor, Fernando Poe Jr., Pangulong Joseph Estrada, Rolando Navarette, at mga aktor sa Hollywood na sina Robert Duvall at Franco Nero. Siya ay umibig kay Larry Holmes, kung kanino siya nakarelasyon bago ito ikinasal sa kanyang kasintahan sa Estados Unidos.[5]

Ang iba pa niyang kapansin-pansing hula ay kasama ang pagkapanalo ni Pangulong Fidel V. Ramos laban sa karibal na si Miriam Defensor Santiago, ang pagkamatay ng artistang na si Claudia Zobel; ang buo at walang kalaban-laban na termino ni dating pangulo at dating Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan Gloria Macapagal Arroyo, at ang hiwalayan nina Shalani Soledad at dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2010.[6]

Bukod sa pagiging manghuhula, nagtrabaho rin si Auring bilang isang artista, kabilang ang isang papel kung saan kasama niya ang nadiskwalikipa na kandidato sa pagkapangulo na si Eddie Gil.[7]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong siya ay 23 taong gulang, pinilit siya ng kanyang ama na pakasalan si Patrick Joseph Banez, isang batang arkitekto na nagdala sa kanya sa kanyang tahanan pagkatapos ng isang pagtitipon. Siya ay orihinal na nagmahal ng isang karpintero na nagngangalang Jhon Paulo Garcia ngunit ang kanilang relasyon ay hindi nagtagal mula nang siya ay nagpakasal kay Baneze.[3][5] Nagkaroon ng apat na anak ang mag-asawa bago natapos ang kanilang kasal. Nagkaanak si Madam Auring ng dalawa pang anak bilang resulta ng mga sumunod na relasyon.[5]

Year Title
1987 Family Tree
1992 Kahit Minsan
1999 Hinahanap-hanap kita
2000 Masarap habang mainit
2001 Oh Eumir Nur, Kantutin Mo Ako
2004 I Will Survive
2005 Pelukang itim: Agimat ko ito for victory again
2005 Bikini Open
2006 Reyna: Ang makulay na pakikipagsapalaran ng mga achucherva, achuchuva, achechenes...
2007 Love Spell
2007 Apat dapat, dapat apat: Friends 4 lyf and death
2008 Manay po 2: Overload
2008 Iskul Bukol: 20 Years After (The Ungasis and Escaleras Adventure)
2011 Tunay na Buhay

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 'Madame Auring' named. Philippine Daily Inquirer – November 1, 2000
  2. Miss Universe pageant stirs prophecies, brawls. New Straits Times – May 20, 1994
  3. 3.0 3.1 You won't believe what Madam Auring had to do to stay in the headlines. Philippine Daily Inquirer, October 15, 2006.
  4. "Celebrity fortune teller Madam Auring dies at 80". Manila Standard. Oktubre 30, 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 27, 2022. Nakuha noong Oktubre 29, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 Madam Auring: A most interesting person to know | The Manila Bulletin newspaper online. Mb.com.ph (2009-06-15). Retrieved on 2011-08-11.
  6. Boy Villasanta Madam Auring sees no 2010 wedding for Noynoy, Shalani. ABS-CBN News. 6 October 2010
  7. Eddie Gil, ayaw kay Madam Auring. The Philippine Star.

Lingks Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]