Pumunta sa nilalaman

Miss Universe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Universe
MottoBeautifully Confident
Pagkakabuo28 Hunyo 1952; 72 taon na'ng nakalipas (1952-06-28)
UriBeauty pageant
Punong tanggapanNew York City, New York
Kinaroroonan
Wikang opisyal
Wikang Ingles
Mahahalagang tao
  • Amy Emmerich (CEO)
Parent organization
JKN Global Group
KaugnayanJKN Metaverse Inc.
Badyet
$100 million (annually)
Websitemissuniverse.com

Ang Miss Universe ay isáng taunang pandaigdigang patimpalak ng kagandahan na pinamamahalaanan ng Miss Universe Organization.[1] Kasama ng Miss World, Miss International, at Miss Earth, ang Miss Universe ay isá sa apat na pinakamalaking patimpalak ng kagandahan sa mundo, na may tinatayang may mahigit 500 milyong manonood sa mahigit 190 teritoryo.[2] Ang Telemundo ay may karapatan sa paglilisensya upang ipalabas ang kompetisyon hanggang 2023, at ipinapalabas din ang kompetisyon sa NBC sa pamagitan ng Roku Channel, at Telemundo.[3]

Kasalukuyang pagmamay-ari ng JKN Global Group ang Miss Universe Organization.[4][5] Ang adbokasiya ng patimpalak ay "mga suliraning pantao at isang boses na magdudulot ng positibong pagbabago sa daigdig". Ang kasalukuyang CEO ng organisasyon ay si Amy Emmerich.[6]

Ang kasalukuyang Miss Universe ay si Sheynnis Palacios ng Nikaragwa, na kinoronahan noong 18 Nobyembre 2023 sa El Salvador.[7][8]

Donald Trump, may-ari ng Miss Universe Organization mula 1996 hanggang 2014

Ang titulong "Miss Universe" ay unang ginamit sa International Pageant of Pulchritude noong 1926. Ginaganap taon-taon ang kompetisyong ito hanggang 1935 nang dumating ang Matinding Depresyon at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagamat nagsilbing modelo at inspirasyon ang patimpalak na ito sa kasalukuyang Miss Universe pageant, ang kasalukuyang pageant ay walang direktang kaugnayan sa naunang Miss Universe.[9][10]

Ang kasalukuyang Miss Universe pageant ay itinatag noong 1952 ng Pacific Knitting Mills, isang kumpanya ng damit na nakabase sa California na siyang tagagawa ng Catalina Swimwear. Isponsor ng Miss America pageant ang kumpanya hanggang 1951, noong tumangging mag-pose para sa publicity picture si Miss America 1951 Yolande Betbeze habang suot ang kanilang damit panlangoy.[11][12] Ginanap sa Long Beach, California ang kauna-unahang Miss Universe Pageant na may tatlumpung kalahok.[13] Ito ay napalanunan ni Armi Kuusela ng Pinlandiya, na binitawan ang kanyang titulo, bagama't hindi opisyal, upang magpakasal sa negosyanteng Pilipino na si Virgilio Hilario, ilang linggo bago matapos ang kanyang panunungkulan bilang Miss Universe.[14][15] Mula 1952 hanggang 1958, ang titulo ng Miss Universe ay nakapetsa sa taon pagkatapos ng paligsahan, kaya ang titulo ni Kuusela noon ay Miss Universe 1953. Kalaunan ay nakuha ng Kayser-Roth Corporation ang kompetisyon mula sa Pacfic Knitting Mills.[16]

Unang ipinalabas sa telebisyon ang pageant noong 1955, at nakuha ng Kayser-Roth ang kompetisyon noong 1959. Noong 1960, sinimulang ipalabas sa CBS ang pinagsamang Miss USA at Miss Universe pageant, at noong 1965 bilang magkahiwalay na paligsahan. Kalaunan, binili ng Gulf+Western Industries ang Kayser-Roth noong 1975 na siyang naging may-ari ng Miss Universe hanggang 1991 noong binili ito ng Procter & Gamble.[16] Noong 24 Oktubre 1996, binili ng negosyanteng Amerikano na si Donald Trump ang Miss Universe mula sa ITT Corp. na siyang nagmamay-ari ng Miss Universe mula noong Mayo ng kaparehong taon.[17][18] Noong 1998, pinalitan ang pangalan ng Miss Universe Inc. sa Miss Universe Organization, at inilipat ang punong-tanggapan nito mula sa Los Angeles sa Lungsod ng New York. Nagpatuloy ang CBS sa pagsasahimpapawid ng mga kompetisyon hanggang 2002 noong pumasok si Trump sa isang joint venture kasama ang NBC, na siyang may karapatang isahimpapawid ang mga pageant sa ilalim ng Miss Universe Organization mula 2003 hanggang 2014.[19]

Anne Jakrajutatip, may-ari ng Miss Universe Organization mula 2022 hanggang sa kasalukuyan

Noong Hunyo 2015, kinansela ng NBC ang lahat ng mga pakikipagsosyo nito kay Trump at sa Miss Universe Organization kasunod ng mga kontrobersyal na pahayag ni Trump tungkol sa mga ilegal na imigrante mula sa Mehiko na tumawid sa hangganan ng Estados Unidos.[20][21] Bilang bahagi ng legal na kasunduan, binili ni Trump ang 50% tulos ng NBC sa kumpanya noong Setyembre 2015. Pagkalipas ng tatlong araw, ibinenta niya ang buong kumpanya sa WME/IMG.[22][23] Kasunod ng pagbabago ng pagmamay-ari, ang Fox at Azteca ay inanunsyo bilang mga opisyal na tagahimpapawid ng Miss Universe at Miss USA.[24] Mula sa taong 1997, ang pangulo ng Miss Universe Organization ay si Paula Shugart, na siyang nagpatuloy sa kanyang posisyon sa ilalim ng WME/IMG. Noong Enero 2022, itinalaga si Amy Emmerich bilang CEO ng Miss Universe Organization.[6][25]

Noong 26 Oktubre 2022, nakuha ng JKN Global Group na pagmamay-ari ng negosyanteng si Anne Jakrajutatip ang Miss Universe Organization mula sa IMG sa halagang $20 milyon.[26] Si Jakrajutatip ang babaeng transgender na nagmay-ari ng organisasyon, at ang unang beses na lumawak ang punong-tanggapan ng Miss Universe sa labas ng Estados Unidos.[27][28] Mula sa taong 2022, bumalik sa NBC ang karapatang isahimpapawid ang Miss Universe sa pamamagitan ng Roku Channel, isang streaming service sa Estados Unidos.[29][30] Naghain ng pagkabangkarote si Jakrajutatip noong Nobyembre 2023,[31] ngunit nagpatuloy pa rin ang pagdaos ng ika-72 edisyon ng kompetisyon sa El Salvador.[32]

Noong 16 Nobyembre 2023, inanunsyo ni Paula Shugart ang kanyang pagbitiw bilang pangulo ng Miss Universe Organization, at ang kanyang posisyon ay hindi mapapalitan.[33][34][35] Kasunod ng pag-alis ni Shugart, inanunsyo rin ng CEO ng Miss Universe Organization na si Amy Emmerich ang kanyang paglisan noong 8 Pebrero 2024, kung saan siya ay aalis sa organisasyon sa 1 Marso 2024.[36]

Noong Enero 2024, inanunsyo ng Miss Universe Organization na ibininenta ni Jakrajutatip ang kalahati ng prangkisa ng Miss Universe sa negosyanteng Mehikano na si Raúl Rocha Cantú.[26] Si Rocha rin ang mangunguna sa pag-organisa ng ika-73 edisyon ng Miss Universe na magaganap sa Mehiko.[37]

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Miss Universe sash mula 2001 hanggang 2022

Proseso ng pagili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Upang makalahok sa Miss Universe, kailangan ng isang bansa ng isang lokal na kumpanya o tao upang bilhin ang mga lokal na karapatan ng kompetisyon sa pamamagitan ng isang franchise fee. Kasama sa bayad ang mga karapatan ng imahe, tatak at lahat ng may kaugnayan sa Miss Universe. Kadalasan ay ibinabalik ng may-ari ng prangkisa ang prangkisa sa Miss Universe Organization, na muli ito ibebenta sa isang bagong stakeholder. Ang muling pagbebenta ng prangkisa mula sa isang may-ari patungo sa susunod ay karaniwang nagaganap sa kasaysayan ng pageant, kung minsan ay dahil sa mga paglabag sa kontrata o pinansyal na dahilan.[38] Kamakailan lang ay nagbago ang proseso ng aplikasyon para sa prangkisa ng Miss Universe kung saan ang proseso ng aplikasyon para sa prangkisa ay naganap sa pamamagitan ng pagbi-bid.[39][40]

Ang bilang ng mga bansang lumalahok sa Miss Universe ay kasabay na bumababa sa tuwing nagkakaroon ng magkasalungat na mga iskedyul sa regular na kalendaryo ng pageant. Katulad na lamang noong 1987, ang unang edisyon ng Miss Universe na naganap sa Mayo imbis na sa karaniwang Hulyo, kung saan animnampu't-walo lamang ang lumahok dahil sa may mga ibang bansa na nahuli na sa pagluklok ng kandidata o wala nang oras para sa preparasyon. Simula noong 1989, higit pa sa pitumpung bansa ang laging lumalahok sa Miss Universe, at noong 2018 ay pumalo ang bilang nito sa siyamnapu't-apat, ang pinakamarami sa Miss Universe. Sa taong 2024, inaasahan ang mahigit 120 bansa na lalahok sa Miss Universe.

Pagpili ng mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Proseso sa pagpili ng mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kadalasan, ang pagpili ng kandidata sa isang bansa ay sa pamamaraan ng pagdaos ng pageant sa mga lokal na rehiyon ng isang bansa, at ang mga lokal na nagwagi ay nakikipagkumpitensya sa isang pambansang pageant na siyang magtutukoy kung sino ang ipapadala sa Miss Universe, ngunit may ilang mga bansa na pinipinili ang kanilang kandidata sa isang internal selection. Halimbawa, mula 2000 hanggang 2004, ang mga kandidata ng Australya ay pinili ng isang ahensya ng pagmomolde. Bagama't hindi ito hinihikayat ng organisasyon, napiling kumatawan sa kanyang bansa si Jennifer Hawkins sa Miss Universe noong 2004 kung saan siya ay nagwagi.[41]

Mga kinakailangan para sa isang kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang age requirement sa unang edisyon ng Miss Universe noong 1952 ay mula labinwalo hanggang dalawampu't-walong taong gulang, at maari ring lumahok ang mga babaeng kasal na, at mayroon nang anak.[42] Ang patakarang ito ay pinalitan noong 1957 kung saan ipinagbabawal na ang paglahok ng mga babaeng kasal na o mayroong nang anak, na siyang dahil sa diskwalipikasyon ni Leona Gage. Kailangan ding mapanatili ng may hawak ng titulo ang kanyang pagiging hindi kasal o hindi pagiging ina hanggang sa pagtatapos ng kanyang panunungkulan.[43][44] Gayunpaman, ang patakarang ito ay ibinalik noong Agosto 2022 para sa Miss Universe 2023,[45][46] at ang unang mga babaeng ina na lumahok sa Miss Universe simula noong 1956 ay sina Michelle Cohn ng Guwatemala at Camila Avella ng Kolombya.[47][48][49]

Mga nagwagi kamakailan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Bansa/Teritoryo Nagwagi Pambansang titulo Lokasyon Bilang ng kandidata
2024 Denmark Dinamarka Maria Victoria Kjær Theilvig Miss Universe Denmark Lungsod ng Mehiko, Mehiko 125
2023 Nicaragua Nikaragwa Sheynnis Palacios Miss Universe Nicaragua San Salvador, El Salvador 84
2022 Estados Unidos Estados Unidos R'Bonney Gabriel Miss USA New Orleans, Estados Unidos 83
2021  Indiya Harnaaz Sandhu[50] Miss Diva Eilat, Israel 80
2020  Mehiko Andrea Meza[51] Mexicana Universal Hollywood, Estados Unidos 74
2019  Timog Aprika Zozibini Tunzi Miss South Africa Atlanta, Estados Unidos 90

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tadena, Nathalie (2 Hulyo 2015). "Donald Trump's Miss USA Pageant Lands on Reelz Cable Channel". The Wall Street Journal (sa wikang Ingles). ISSN 0099-9660. Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Chandran, Rina (12 Disyembre 2018). "Transgender, indigenous contestants in historic Miss Universe pageant". Reuters (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Villafañe, Veronica (3 Nobyembre 2019). "Miss Universe Returns To Telemundo After 5-Year Absence". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Bundel, Ani (17 Disyembre 2018). "Miss Universe is the only major beauty pageant worth watching. Here's why". NBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "JKN Global Group acquires Miss Universe Organization from IMG". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 26 Oktubre 2022. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Bracamonte, Earl D. C. (15 Agosto 2022). "Romania vows to return in 2023 after Miss Universe 2022 pull out". Philippine Star. Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Purnell, Kristofer (19 Nobyembre 2023). "Sheynnis Palacios of Nicaragua wins Miss Universe 2023, first for her country". Philippine Star. Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Rees, Alex (19 Nobyembre 2023). "Miss Nicaragua wins 2023 Miss Universe pageant". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Kim, Soo (16 Disyembre 2021). "Miss World and Miss Universe are not the same—beauty pageants explained". Newsweek (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Leighton, Heather (15 Mayo 2017). "A look back when Galveston hosted the International Pageant of Pulchritude in the 1920-30s". Houston Chronicle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Miss America who wouldn't appear in swimsuit is finally in from the cold". Toledo Blade (sa wikang Ingles). 14 Setyembre 1995. p. 6. Nakuha noong 5 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Roberts, Sam (26 Pebrero 2016). "Yolande Betbeze Fox, Miss America Who Defied Convention, Dies at 87". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Lo, Ricky (30 Setyembre 2016). "The first (1952) Miss U pageant". Philippine Star. Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Lo, Ricky (28 Hunyo 2006). "A misty-eyed look at Armi Kuusela, the 1st Miss Universe". Philippine Star. Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Santos, Aries (27 Enero 2017). "A brief history of the Miss Universe pageant". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 "Trump's Miss Universe Gambit". The New Yorker (sa wikang Ingles). 19 Pebrero 2018. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Roura, Phil; Siemaszko, Corky (23 Oktubre 1996). "Trump seducing beauty contests". Daily News (sa wikang Ingles). p. 247. Nakuha noong 3 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Davis, Mark (24 Oktubre 1996). "Trump says he bought beauty pageants". The Philadelphia Inquirer (sa wikang Ingles). p. 24. Nakuha noong 3 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Rutenberg, Jim (22 Hunyo 2002). "Three Beauty Pageants Leaving CBS for NBC". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Oktubre 2016. Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Stanhope, Kate (29 Hunyo 2015). "NBC Cuts Ties With Donald Trump Over "Derogatory Statements," Pulls Miss USA and Miss Universe Pageants". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2017. Nakuha noong 3 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "NBCUniversal cuts ties with Donald Trump". CNN Money (sa wikang Ingles). 29 Hunyo 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2023. Nakuha noong 29 Hunyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Trump Sells Miss Universe Organization to WME-IMG Talent Agency". The New York Times (sa wikang Ingles). 15 Setyembre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Pebrero 2016. Nakuha noong 3 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Nededog, Jethro (14 Setyembre 2015). "Donald Trump sells the Miss Universe Organization". Business Insider (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Mayo 2016. Nakuha noong 3 Abril 2023. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Miss Universe and Miss USA Pageants to Air on Fox". TV Insider (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Pebrero 2016. Nakuha noong 3 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Foley, Emily L. (12 Enero 2023). "Meet the New Miss Universe Organization". InStyle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 "The Miss Universe Organization is now co-owned by a Mexican businessman: Who is Raúl Rocha Cantú?". HOLA (sa wikang Ingles). 29 Enero 2024. Nakuha noong 13 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Bellamy-Walker, Tat (26 Oktubre 2022). "Transgender businesswoman buys Miss Universe pageant for $20M". NBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Konstantinides, Anneta (19 Nobyembre 2023). "Meet Anne Jakrajutatip, the first woman to own the Miss Universe pageant". Business Insider (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "JKN acquires Miss Universe Organization". Bangkok Post (sa wikang Ingles). 26 Oktubre 2022. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Liang, Annabelle (27 Oktubre 2022). "Thai transgender tycoon buys Miss Universe contest". BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Thai owner of Miss Universe goes bankrupt". BBC News (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 2023. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Abad, Ysa (13 Nobyembre 2023). "Anne Jakrajutatip says Miss Universe will 'operate as planned' amid JKN's financial situation". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Purnell, Kristofer (17 Nobyembre 2023). "Paula Shugart stepping down as Miss Universe president". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Schneider, Michael (17 Nobyembre 2023). "Miss Universe Organization President Paula Shugart Exits After 23 Years". Variety (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Satran, Rory (18 Nobyembre 2023). "On Pageant Day, Miss Universe Faces Bankruptcy Court and a Leadership Crisis". Wall Street Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Santiago, Camille (8 Pebrero 2024). "Amy Emmerich steps down as Miss Universe CEO". Philstar Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Sancha, Gilbert Kim (24 Enero 2024). "Mexican mogul now co-owner of Miss Universe". Daily Tribune Lifestyle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Tusing, David (20 Pebrero 2023). "Why are organisations cutting ties with Miss Universe?". The National (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Bravo, Frances Karmel S. (4 Marso 2023). "Miss Universe Organization lets go of Cambodia; two national directors resign amid bidding wars". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Bracamonte, Earl D. C. (3 Marso 2023). "Another country leaves Miss Universe". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Miss Universe win puts Jennifer over the moon". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 3 Hunyo 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 21 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Pageant of Pulchritude". Long Beach Press-Telegram (sa wikang Ingles). 23 Marso 1952. p. 50. Nakuha noong 25 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Bergstein, Rachelle (17 Abril 2019). "Beauty queen stripped of crown after getting pregnant". The New York Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Miss Ukraine stripped of crown over contest rules violation — she's a divorced mother". New York Daily News (sa wikang Ingles). 26 Setyembre 2018. Nakuha noong 13 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Bracamonte, Earl D. C. (12 Agosto 2022). "Miss Universe allows moms, wives to join starting 2023". Philippine Star. Nakuha noong 10 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "Miss Universe announces inclusive change to pageant after more than 70 years". The Independent (sa wikang Ingles). 12 Agosto 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Nobyembre 2022. Nakuha noong 25 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Mallorca, Hannah (18 Nobyembre 2023). "Meet the women who broke the norms, made waves in Miss Universe 2023". CDN Life! (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. Hernandez, Carlos; Reyes, Ingrid (6 Agosto 2023). "Miss Universo Guatemala 2023: Melanie Michelle Cohn Bech se corona como la nueva reina de belleza nacional y representará al país en próxima elección en El Salvador" [Miss Universe Guatemala 2023: Melanie Michelle Cohn Bech is crowned as the new national beauty queen and will represent the country in the next election in El Salvador]. Prensa Libre (sa wikang Kastila). Nakuha noong 7 Agosto 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "Miss Universe Colombia 2023: María Camila Avella Montañez, de Casanare, se quedó con la corona; la primera en estar casada y tener una hija" [Miss Universe Colombia 2023: María Camila Avella Montañez, from Casanare, kept the crown; She was the first to be married and have a daughter.]. El País (sa wikang Kastila). 3 Setyembre 2023. Nakuha noong 3 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "India's Harnaaz Sandhu wins Miss Universe 2021". NRI Affairs (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hulyo 2022. Nakuha noong 26 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Meet The New Miss Universe: Software Engineer Andrea Meza of Mexico". Bloomberg (sa wikang Ingles). 17 Mayo 2021. Nakuha noong 26 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]