Miss Universe 2009

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Universe 2009
Stefanía Fernández, Miss Universe 2009
Petsa23 Agosto 2009
Presenters
  • Billy Bush
  • Claudia Jordan
Entertainment
PinagdausanImperial Ballroom, Atlantis Paradise Island, Nassau, The Bahamas
Brodkaster
Lumahok83
Placements15
Hindi sumali
Bumalik
NanaloStefanía Fernández
 Venezuela
CongenialityWang Jingyao
 China
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanDiana Broce
 Panama
PhotogenicChutima Durongdej
 Thailand
← 2008
2010 →

Ang Miss Universe 2009 ay ang ika-58 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Imperial Ballroom sa Atlantis Paradise Island, Nassau, Bahamas noong 23 Agosto 2009.[1]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Dayana Mendoza ng Beneswela si Stefanía Fernández ng Beneswela bilang Miss Universe 2009. Ito ang una at sa kasalukuyan, ang tanging pagkakataon sa kasaysayan ng Miss Universe na nanalo ang isang bansa sa loob ng dalawang magkasunod na taon.[2][3] Nagtapos bilang first runner-up si Ada de la Cruz ng Republikang Dominikano, habang nagtapos bilang second runner-up si Marigona Dragusha ng Kosobo.[4][5]

Mga kandidata mula sa 83 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Billy Bush at Claudia Jordan ang kompetisyon.[6][7] Nagtanghal sina Heidi Montag, Flo Rida, Kelly Rowland, at David Guetta sa edisyong ito.[8]

Itinampok din sa edisyong ito ang bagong Diamond Nexus Crown. Sa unang pagkakataon, bumoto ang mga manonood mula sa tatlong disenyo ng bagong korona. Binoto ng mga manonood ang Peace crown, na mayroong 1,371 na gemstone, at may timbang na 416.09 carats o 83.218 g. Ito ay gawa sa isang haluang metal na naglalaman ng 544.31 gramo ng 14k at 18k na puting ginto at platinum.[9] Itinampok din sa korona ang mga synthetic ruby na kinakatawan ang pangunahing adbokasiya ng Miss Universe na HIV/AIDS education at awareness.[10]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Atlantis Paradise Island Hotel, ang lokasyon ng Miss Universe 2009

Lokasyon at petsa ng kompetisyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

May intensyon si Donald Trump, presidente ng Miss Universe Organization, na idaos ang 2009 pageant sa Dubai. Gayunpaman, ang mga negosasyon ay hindi natupad dahil sa kawalang-katatagan ng pulitika tungkol sa pagitan ng Nagkakaisang Arabong Emirato at Israel, at para rin sa mga dahilang pang-relihiyon. Interesado rin ang Kroasya sa pagdaraos ng pageant. Gayunpaman, binawi ng bansa ang kanilang bid na mag-host ng patimpalak dahil sa mga suliraning pang-ekonomiya kaugnay ng pandaigdigang Great Recession na naganap mula 2007 hanggang 2009. [11]

Noong 1 Hulyo 2008, sinubukan ng mamumuhunang si Jonathan Westbrook na maglunsad ng bid para ganapin sa Australya ang kompetisyon. Gayunpaman, ang hindi nagpatuloy ang negosasyon dahil hindi interesado ang bansa na idaos ang Miss Universe.[12] Kalaunan, inihayag ng Miss Universe Organization noong 3 Marso 2009 na gaganapin ang kompetisyon sa Atlantis Paradise Island sa Nassau, Bahamas . Ang pageant ay dapat sanang gaganapin noong Agosto 25, ngunit ito ay inilipat sa Agosto 23.[13]

Pagpili ng mga kalahok[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa 83 mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Apat na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa o napili sa isang casting process, habang isang kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.[14][15]

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Curaçao 2009 na si Angenie Simon upang kumatawan sa kanyang bansa matapos na umurong sa kompetisyon ang orihinal na nagwagi na si Ashanta Macauly dahil sa kanyang kalusugan.

Mga resulta[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pagkakalagay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 2009
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 10
Top 15

Mga espesyal na parangal[baguhin | baguhin ang wikitext]

Parangal Nagwagi
Miss Congeniality
Miss Photogenic

Best National Costume[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkakalagay Kandidata
Nagwagi
1st runner-up
2nd runner-up

Mga kandidata[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2009 at ang kanilang mga pagkakalagay.

83 kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Albanya Albanya Hasna Xhukiçi 21 Fier
Alemanya Alemanya Martina Lee[17] 24 Meinerzhagen
Angola Anggola Nelsa Alves[18] 22 Luanda
Arhentina Arhentina Johanna Lasic[19] 23 Buenos Aires
Aruba Aruba Dianne Croes 22 Oranjestad
Australia Australya Rachael Finch 21 Townsville
New Zealand Bagong Silandiya Katie Taylor 22 Auckland
Bahamas Bahamas Kiara Sherman 26 Freeport
Belhika Belhika Zeynep Sever 20 Brussels
Venezuela Beneswela Stefanía Fernández 18 Mérida
Vietnam Biyetnam Võ Hoàng Yến 20 Lungsod ng Ho Chi Minh
Brazil Brasil Larissa Costa 25 São Gonçalo Do Amarante
Bulgaria Bulgarya Elitsa Lubenova 19 Dve Mogili
Bolivia Bulibya Dominique Peltier 22 Cochabamba
Curaçao Curaçao Angenie Simon 24 Willemstad
Egypt Ehipto Elham Wagdy 26 Cairo
Ecuador Ekwador Sandra Vinces 19 Portoviejo
El Salvador El Salvador Mayella Mena 21 San Salvador
Slovakia Eslobakya Denisa Mendrejová 23 Bratislava
Slovenia Eslobenya Mirela Korač 22 Ljubljana
Espanya Espanya Estíbaliz Pereira 23 Santiago de Compostela
Estados Unidos Estados Unidos Kristen Dalton 22 Wilmington
Estonia Estonya Diana Arno 25 Tallin
 Ethiopia Melat Yante 19 Adis Abeba
Ghana Gana Jennifer Koranteng 23 Accra
United Kingdom Gran Britanya Clair Cooper 27 Londres
Greece Gresya Viviana Zagorianakou Campanile 19 Atenas
Guam Guam Racine Manley 24 Dededo
Guatemala Guwatemala Lourdes Figueroa 21 Lungsod ng Guwatemala
 Guyana Jenel Cox 19 Georgetown
Jamaica Hamayka Carolyn Yapp 25 Montego Bay
Hapon Hapon Emiri Miyasaka 25 Tokyo
Heorhiya Heorhiya Lika Ordzhonikidze 19 Tbilisi
Honduras Bélgica Suárez 23 Tegucigalpa
India Indiya Ekta Chowdhry 23 New Delhi
Indonesia Indonesya Zivanna Letisha 20 Jakarta
Irlanda (bansa) Irlanda Diana Donnelly 20 Dublin
Israel Israel Julia Dyment 20 Haifa
Italya Italya Laura Valenti 25 Arezzo
Canada Kanada Mariana Valente 23 Richmond Hill
Cayman Islands Kapuluang Kayman Nicosia Lawson 26 George Town
Colombia Kolombya Michelle Rouillard 22 Popayán
Kosovo Kosobo Marigona Dragusha 18 Pristina
Costa Rica Kosta Rika Jessica Umaña 21 Moravia
Croatia Kroasya Sarah Ćosić 20 Split
Lebanon Libano Martine Andraos 19 Byblos
Iceland Lupangyelo Ingibjörg Egilsdóttir 24 Reikiavik
Malaysia Malaysia Joannabelle Ng 21 Kota Kinabalu
Mauritius Mawrisyo Anaïs Veerapatren 23 Curepipe
Mexico Mehiko Karla Carrillo 21 Guadalajara
Montenegro Montenegro Anja Jovanović 20 Podgorica
Namibia Namibya Happie Ntelamo 20 Katima Mulilo
Niherya Niherya Sandra Otohwo 20 Asaba
Nicaragua Nikaragwa Indiana Sánchez 22 Managua
Norway Noruwega Eli Landa 25 Stavanger
Netherlands Olanda Avalon-Chanel Weyzig 19 Zwolle
Panama Panama Diana Broce 23 Las Tablas
Paraguay Paragway Mareike Baumgarten 19 Asunción
Peru Peru Karen Schwarz 25 Lima
Pilipinas Pilipinas Bianca Manalo[20] 21 Maynila
Finland Pinlandiya Essi Pöysti 22 Jyväskylä
Poland Polonya Angelika Jakubowska 20 Lubań
Puerto Rico Porto Riko Mayra Matos 20 Cabo Rojo
Pransiya Pransiya Chloé Mortaud 19 Bénac
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Ada de la Cruz 23 Villa Mella
Republikang Tseko Republikang Tseko Iveta Lutovská 26 Třeboň
Romania Rumanya Elena Bianca Constantin 20 Piatra-Neamt
Rusya Rusya Sofia Rudieva 18 San Petersburgo
Zambia Sámbia Andella Chileshe Matthews 21 Ndola
Serbiya Serbiya Dragana Atlija 22 Belgrado
Singapore Singapura Rachel Kum 24 Singapore
Suwesya Suwesya Renate Cerljen 21 Staffanstorp
Switzerland Suwisa Whitney Toyloy 19 Yverdon
Tanzania Tansaniya Illuminata James 24 Mwanza
Thailand Taylandiya Chutima Durongdej 23 Bangkok
South Africa Timog Aprika Tatum Keshwar 25 Durban
Timog Korea Timog Korea Na Ry 23 Seoul
Republikang Bayan ng Tsina Tsina Wang Jingyao 18 Qingdao
Cyprus Tsipre Kielia Giasemidou 20 Nicosia
Turkey Turkiya Senem Kuyucuoğlu 18 İzmir
Ukraine Ukranya Khrystyna Kots-Hotlib 26 Donetsk
Hungary Unggarya Suzann Budai 21 Budapest
Uruguay Urugway Cintia D'ottone 21 Montevideo

Mga tala[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Miss Universe 2009". Today (sa Ingles). 24 Agosto 2009. Nakuha noong 3 Mayo 2023.[patay na link]
  2. "Venezuela wins sixth Miss Universe crown". Reuters (sa Ingles). 24 Agosto 2009. Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  3. "Miss Venezuela wins Miss Universe title -- again". CNN (sa Ingles). 24 Agosto 2009. Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  4. Santiago, Erwin (24 Agosto 2009). "Miss Venezuela wins Miss Universe 2009". PEP.ph (sa Ingles). Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  5. "Venezuela Wins Miss Universe Crown again". Philippine Star (sa Ingles). 25 Agosto 2009. Nakuha noong 1 Hunyo 2023.
  6. "Show host of Miss Universe 2009". India Today (sa Ingles). 3 Agosto 2009. Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  7. "Miss Universe 2009 ngayong Agosto". Philippine Star (sa Ingles). 29 Hulyo 2009. Nakuha noong 1 Hunyo 2023.
  8. "Stars booked for Miss Universe pageant". United Press International (sa Ingles). 23 Hulyo 2009. Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  9. Tayag, Voltaire (16 Mayo 2021). "Miss Universe crowns: Sentimental favorites, all-time greats". Rappler (sa Ingles). Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  10. Godinez, Bong (17 Mayo 2021). "LOOK: The Miss Universe crown over the years". GMA Network (sa Ingles). Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  11. "Miss Universe 2009 v Sloveniji?" [Miss Universe 2009 in Slovenia?]. 24UR (sa Kroato). 19 Nobyembre 2008. Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  12. Thomson, Chris (1 Hulyo 2008). "Perth beauty judge leads Miss Universe charge". WAtoday (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 6 Disyembre 2013. Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  13. Thompson, Monalisa (4 Marso 2009). "The Bahamas to play host to the 58th Miss Universe Pageant August 25th Live on NBC". The Bahamas Weekly (sa Ingles). Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  14. "CA está completa" [CA is complete]. La Prensa (sa Kastila). 23 Hulyo 2009. Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  15. "Võ Hoàng Yến được cấp phép dự Miss Universe 2009" [Vo Hoang Yen is licensed to attend Miss Universe 2009]. VnExpress (sa Biyetnames). 31 Mayo 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 1 Hunyo 2009. Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  16. 16.00 16.01 16.02 16.03 16.04 16.05 16.06 16.07 16.08 16.09 16.10 16.11 16.12 16.13 16.14 16.15 16.16 16.17 Santiago, Erwin (24 Agosto 2009). "Miss Venezuela wins Miss Universe 2009". PEP.ph (sa Ingles). Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  17. Roth, A.; Simon, V. (24 Agosto 2009). "Die schönste Frau der Welt" [The most beautiful woman in the world]. Süddeutsche Zeitung (sa Aleman). Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  18. "Nelsa Alves eleita Miss Angola 2009" [Nelsa Alves elected Miss Angola 2009]. Angola Press News Agency. 20 Disyembre 2008. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 12 Marso 2012. Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  19. "Los secretos de belleza de la flamante Miss Argentina" [The beauty secrets of the brand new Miss Argentina]. Infobae (sa Kastila). 29 Mayo 2009. Nakuha noong 3 Mayo 2023.
  20. "Showbiz industry bets fail to claim crowns at the Binibining Pilipinas 2009 pageant". PEP.ph (sa Ingles). 8 Marso 2009. Nakuha noong 3 Mayo 2023.

Panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang wikitext]