Binibining Pilipinas
Motto | "Once a Binibini, Always a Binibini" |
---|---|
Pagkakabuo | 1964 |
Uri | Patimpalak pangkagandahan |
Punong tanggapan | Smart Araneta Coliseum |
Kinaroroonan | |
Kasapihip | Miss International Miss Intercontinental Miss Grand International Miss Globe |
Wikang opisyal | Filipino Ingles |
Pangulo at [CEO] | Jorge León Araneta ng Araneta Group |
Chairperson | Stella Marquez de Araneta |
Co-chairperson | Cochitina Sevilla-Bernardo |
Parent organization | Binibining Pilipinas Charities, Inc.[1] |
Website | bbpilipinas.com |
Ang Binibining Pilipinas ay ang taunang pambansang patimpalak pangkagandahan sa Pilipinas na siyang pumipili ng mga kinatawan ng bansa sa mga pandaidigang patimpalak gaya ng Miss International, Miss Intercontinental, The Miss Globe, at Miss Grand International.[2][3]
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagmamay-ari ng Araneta Group of Companies ang Binibining Pilipinas na pinamumunuan ng negosyanteng Pilipino na si Jorge León Araneta, ang Presidente at CEO ng grupo. Ang Binibining Pilipinas Charities Incorporated ay pinamumunuan ng pambansang direktor na si Miss International 1960 Stella Marquez de Araneta, asawa ni Araneta, kasama si Conchitina Sevilla-Bernardo, isang negosyante at artista, bilang co-chairperson.[4] Ang Binibining Pilipinas ang naging opisyal na pambansang franchise holder ng Miss Universe Organization mula 1964, matapos initong kunin ang prangkisa mula sa Miss Philippines, na siyang may hawak ng prangkisa mula 1952 hanggang 1963.[4]
Nakuha ng Binibining Pilipinas ang prangkisa para sa Miss International noong 1968. Nang taong ding iyon, nagdaos ng hiwalay Miss Philippines pageant ang Binibining Pilipinas upang pumili ng kinatawan sa Miss International. Nang sumunod na taon, pinag-isa ng Binibining Pilipinas sa isang patimpalak ang paghirang ng mga kinatawan ng bansa para sa Miss Universe at Miss International.[5]
Nakuha ng Binibining Pilipinas mula sa Mutya ng Pilipinas ang prangkisa sa Miss World beauty pageant noong 1992 at nagsimulang magpadala ng kandidata ng taong ding iyon. Noong 2011, inilipat ito sa Miss World Philippines.[6] Simula noong 2013, nakuha ng Binibining Pilipinas ang iba't-ibang mga prangkisa mula sa mga minor international pageant tulad ng Miss Supranational noong 2013, Miss Intercontinental noong 2014, at Miss Grand International at Miss Globe noong 2015.[7]
Mga titulo at nagwagi[baguhin | baguhin ang wikitext]
Binibining Pilipinas – International[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nakuha ng Binibining Pilipinas ang prangkisa para sa Miss International noong 1968. Nang taong ding iyon, nagdaos ng hiwalay Miss Philippines pageant ang Binibining Pilipinas upang pumili ng kinatawan sa Miss International. Nang sumunod na taon, pinag-isa ng Binibining Pilipinas sa isang patimpalak ang paghirang ng mga kinatawan ng bansa sa Miss Universe at Miss International, ang mga nagiging kandidata sa hulí ay tinatanghal na Miss Philippines hanggang 1971. Simula 1972, ang mga napipiling kinatawan ng bansa sa Miss International ay tinatanghal na Binibining Pilipinas – International.[5][8]
- ↑ Lumahok sa Miss Maja International 1984, kapalit ni Maria Bella Nachor, ngunit nanatiling Bb. Pilipinas – International.
- ↑ Tinanghal at nanatiling Miss Maja Pilipinas, ngunit siyang lumahok sa Miss International 1984.
- ↑ Tinanghal na Bb. Pilipinas – International, humaliling Bb. Pilipinas – World.
- ↑ Semi-finalist, itinalagang Bb. Pilipinas – International.
Binibining Pilipinas Intercontinental[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nagsimula noong 1971 bilang Miss Teenage Peace International, naging Miss Teenage Intercontinental noong 1974, Miss Teen Intercontinental noong 1979 at noong 1982 naging Miss Intercontinental na siya nitong pangalan hanggang sa kasalukuyan. Unang nagtanghal ng Binibining Pilipinas – Intercontinental noong 2014 makaraang mailipat mula sa Mutya ng Pilipinas ang pambansang prangkisa ng patimpalak.
Taon | Bb. Pilipinas Intercontinental | Kinalabasan |
---|---|---|
2014 | Kris Janson | 2nd Runner-up |
2015 | Christi McGarry | 1st Runner-up |
2016 | Jennifer Hammond | Top 15 |
2017 | Katarina Rodriguez | 1st Runner-up |
2018 | Karen Gallman | Miss Intercontinental 2018 |
2019 | Emma Tiglao | Top 20 |
2021 | Cinderella Obeñita | Miss Intercontinental 2021 |
2022 | Gabrielle Basiano | Top 20 |
Binibining Pilipinas – Globe[baguhin | baguhin ang wikitext]
Unang nagpadala ng kandidata sa Miss Globe ang Bibinibing Pilipinas noong 2015, nang italaga nito ang kinoranahang Bb. Pilipinas – Tourism 2015 na si Ann Lorraine Colis na matagumpay namang inuwi ang naturang korona. Nang sumunod na taon, isa ang Bb. Pilipinas – Globe sa mga titulong iginawad sa taunang pambansang patimpalak.
Taon | Bb. Pilipinas Globe | Kinalabasan | Mga Parangal | Sang. |
---|---|---|---|---|
2015 | Ann Colis | The Miss Globe 2015 | [11][12] | |
2016 | Nichole Manalo | 3rd Runner-up |
|
[13][14] |
2017 | Nelda Ibe | 1st Runner-up | [15][16] | |
2018 | Michele Gumabao | Top 15 |
|
[17][18] |
2019 | Leren Bautista | 2nd Runner-up | [19][20] | |
2021 | Maureen Montagne | The Miss Globe 2021 |
|
[21][22] |
2022 | Chelsea Fernandez | Top 15 |
|
[23] |
Mga dating titulo[baguhin | baguhin ang wikitext]
Miss Universe Philippines[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nang magsimula ang Binibining Pilipinas noong 1964, ang kandidatang nagwawaging Binibining Pilipinas ay lumalahok sa taunang Miss Universe pageant. Noong 1969, pinag-isa ng Binibining Pilipinas ang mga patimpalak nito para sa pagpili ng magiging kandidata ng bansa sa Miss Universe at Miss International pageants. Mula noon, ang magiging kandidata sa Miss Universe ay tinatanghal na Binibining Pilipinas – Universe.[5] Simula 2011, tinawag na itong Miss Universe Philippines upang maiayon sa mga pambansang titulo ng mga lalahok sa Miss Universe. Noong 2020 inilipat ito sa Miss Universe Philippines.[kailangan ng sanggunian]
- ↑ Tinanghal na Miss Maja Pilipinas, humaliling Bb. Pilipinas – Universe.
- ↑ 1st runner-up, humaliling Bb. Pilipinas – Universe.
- ↑ Tinanghal na Binibining Pilipinas – World, humaliling Bb. Pilipinas – Universe.
Binibining Pilipinas – World[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nakuha ng Binibining Pilipinas mula sa Mutya ng Pilipinas ang prangkisa sa Miss World beauty pageant noong 1992 at nagsimulang magpadala ng kandidata ng taong ding iyon. Noong 2011, inilipat ito sa Miss World Philippines.[28]
Taon | Bb. Pilipinas – World | Kinalabasan |
---|---|---|
1992 | Marilen Espino[D 1] | hindi nakalahok |
Marina Benipayo[D 2] | hindi nakapasok | |
1993 | Ruffa Gutierrez | 2nd runner-up |
1994 | Caroline Subijano | Top 10 |
1995 | Reham Snow Tago | hindi nakapasok |
1996 | Daisy Reyes | hindi nakapasok |
1997 | Rachel Florendo | hindi nakapasok |
1998 | Rachel Soriano | hindi nakapasok |
1999 | Miriam Quiambao | humaliling Bb. Pilipinas–Universe |
Lalaine Edson | hindi nakapasok | |
2000 | Katherine Annwen de Guzman | hindi nakapasok |
2001 | Gilrhea Quinzon | hindi nakapasok |
2002 | Katherine Anne Manalo | Top 10 |
2003 | Maria Rafaela Yunon | Top 5 |
2004 | Karla Bautista | Top 5 |
2005 | Carlene Aguilar | Top 15 |
2006 | Anna Maris Igpit | hindi nakapasok |
2007 | Margaret Wilson | hindi nakapasok |
2008 | Janina San Miguel | nagbitiw |
Danielle Castano | hindi nakapasok | |
2009 | Marie-Ann Umali | hindi nakapasok |
2010 | Czarina Gatbonton | hindi nakapasok |
- ↑ Hindi nakalahok, ngunit nanatiling Bb. Pilipinas – World.
- ↑ Tinanghal at nanatiling Binibining Pilipinas – Maja International ngunit siyang lumahok sa Miss World 1992.
Binibining Pilipinas – Supranational[baguhin | baguhin ang wikitext]
Binibining Pilipinas – Grand International[baguhin | baguhin ang wikitext]
Unang ginanap ang Miss Grand International noong 2013 kung saan naging kinatawan ng bansa si Annalie Forbes matapos siyang hirangin ni John dela Vega na siyang may hawak ng pambansang prangkisa. Noong 2014, nagtanghal ng Miss Grand Philippines kung saan ang nagwagi na si Kimberly Karlsson ang naging kinatawan sa pandaigdigang patimpalak. Nang sumunod na taon, inilipat sa Binibining Pilipinas ang prangkisa at isinama sa mga titulong iginagawad sa naturang patimpalak.[7]
Taon | Bb. Pilipinas Grand International | Kinalabasan |
---|---|---|
2013 | Annalie Forbes | 3rd Runner-up |
2015 | Parul Shah | 3rd Runner-up |
2016 | Nicole Cordoves | 1st Runner-up |
2017 | Elizabeth Clenci | 2nd Runner-up |
2018 | Eva Patalinjug | hindi nakapasok |
2019 | Samantha Lo | hindi nakapasok |
2020 | Samantha Bernardo | 1st Runner-up |
2021 | Samantha Panlilio | hindi nakapasok |
2022 | Roberta Tamondong | 5th Runner-up |
Binibining Pilipinas – Tourism[baguhin | baguhin ang wikitext]
Unang nagtanghal ng Binibining Pilipinas – Tourism noong 1987 upang maging katuwang ng Kagawaran ng Turismo sa pagpapalaganap ng turismo sa bansa. Noong 2011 lumahok sa pandaidigang patimpalak—sa Miss Tourism Queen International—ang nagwaging ang Bb. Pilipinas – Tourism.
Taon | Bb. Pilipinas – Tourism |
---|---|
1987 | Maria Avon Garcia[29] |
1988 | Maritoni Judith Daya |
1989 | Marichele Lising Cruz |
1990 | Milagros Javelosa |
1991 – 1992 | |
1993 | Jenette Fernando |
1994 | Sheila Marie Dizon |
1995 – 2004 | |
2005 | Wendy Valdez |
2006 – 2010 | |
2011 | Isabella Angela Manjon |
2012 | Katrina Jayne Dimaranan |
2013 | Cindy Miranda[G 1] Finalist[30] |
2014 | Parul Shah |
2015 | Ann Lorraine Colis[G 2] |
- ↑ Lumahok sa Miss Tourism Queen International.
- ↑ Nagwaging Bb. Pilipinas – Tourism, itinalagang Bb. Pilipinas – Globe.
Iba pang dating titulo[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Miss Young Pilipinas (1970–1985)
- Nagdaos ang Binibining Pilipinas ng hiwalay na Miss Young Pilipinas pageant noong 1970 upang pumili ng kandidatang kakatawan sa Pilipinas sa gaganaping Miss Young International noong taóng iyon. Nang sumunod na taon, naging ikatlong titulo ang Miss Young Pilipinas sa mga itinatanghal sa Binibining Pilipinas. Tumagal ang paggawad ng naturang titulo hanggang 1985, makaraang hindi na ganapin ang pandaigdigang patimpalak.[5]
- Miss Charming Pilipinas (1971–1972)
- Noong 1971, itinalaga si Milagros Guttierez, 1st runner-up ng taóng iyon na maging kinatawan sa Miss Charming International 1971, kung saan siya'y nagwagi bilang 3rd runner-up.[31] Nang sumunod na taon, isa ang Miss Charming Pilipinas sa apat na titulong itinanghal sa Binibining Pilipinas, na napanalunan ni Isabel Seva, ngunit hindi na siya nakalahok sa pandaigdigang kompetisyon nang hindi na ito muling ganapin.
- Miss Maja Pilipinas (1973–1992, 1995)
- Nagsimulang ganapin ang Miss Maja International noong 1966. Lumahok ang Pilipinas sa naturang patimpalak noong 1972 kung saan si Bernice Romualdez ang naging unang kinatawan ng bansa. Noong 1973, nagsimulang magpadala ng kandidata ang Binibining Pilipinas, at itinalaga ang 1st runner-up ng taóng iyon na si Nanette Prodigalidad bilang kinatawan. Nang sumunod na taon, isa ang Miss Maja Pilipinas sa mga titulong itinatanghal na tumagal hanggang 1992. Noong 1995, nagkaroon ng hiwalay na patimpalak ang Binibining Pilipinas upang pumili ng kandidata para sa muli at naging hulí nang pagtatanghal ng pandaidigang patimpalak na tinawag nang Miss Maja del Mundo.
Taon | Miss Young Pilipinas (Miss Young International) |
Miss Maja Pilipinas (Miss Maja International) |
---|---|---|
1970 | Carmencita Avecilla 2nd runner-up[32] |
|
1971 | Maricar Zaldarriaga hindi nakapasok | |
1972 | Maria Lourdes Vallejo Semifinalist | |
1973 | Milagros de la Fuente hindi nakapasok |
Nanette Prodigalidad 1st runner-up |
1974 | Deborah Enriquez hindi nakapasok |
Pacita Guevara 3rd runner-up |
1975 | Jean Saburit hindi nakapasok |
Annette Liwanag 4th runner-up |
1976 | Marilou Fernandez hindi nakapasok |
Cynthia Nakpil hindi nakapasok |
1977 | Dorothy Bradley 1st runner-up[33] |
Annabelle Arambulo hindi nakapasok |
1978 | Anne Rose Blas hindi nakapasok |
Ligaya Pascual hindi nakapasok |
1979 | Maria Theresa Carlson hindi nakapasok |
Princess Ava Quibranza Semifinalist |
1980 | Maria Felicidad Luis 4th runner-up[34] |
Maria Asuncion Spirig Semifinalist |
1981 | Joyce Burton Semifinalist |
Josephine Bautista hindi nakapasok |
1982 | Sharon Hughes[F 1] | Nanette Cruz hindi nakapasok |
1983 | Shalymar Alcantara Semifinalist |
Maria Anna Cadiz Semifinalist |
1984 | Rachel Anne Wolfe[F 1] | Maria Bella Nachor[F 2] |
Catherine Jane Brummit[F 3] Semifinalist | ||
1985 | Divina Alcala[F 1] | Maria Luisa Gonzales 2nd runner-up |
1986 | Maria Cristina Recto hindi nakapasok | |
1987 | Maria Luisa Jimenez Semifinalist | |
1988 | Maria Muriel Moral hindi nakapasok | |
1989 | Jeanne Therese Hilario 2nd runner-up | |
1990 | Precious Bernadette Tongko[F 1] | |
1991 | Maria Lourdes Gonzalez[F 4] | |
Selina Manalad[F 5] hindi nakapasok | ||
1992 | Marina Benipayo[F 1][F 6] | |
1993 | ||
1994 | ||
1995 | Tiffany Cuña Semifinalist |
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Tinanghal, ngunit hindi ginanap ang pandaigdigang patimpalak.
- ↑ Lumahok sa Miss International 1984 kapalit ni Catherine Jane Brummit na lagpas na sa kinakailangang edad; nanatili pa ring Miss Maja Pilipinas.
- ↑ Tinanghal na Binibining Pilipinas – International, ngunit siyang lumahok sa Miss Maja International 1984.
- ↑ Humaliling Binibining Pilipinas–Universe.
- ↑ Tinanghal na 1st runner-up, humaliling Miss Maja Pilipinas.[35]
- ↑ Lumahok sa Miss World 1992 matapos mabigong makalahok ang tinanghal na Binibining Pilipinas – World.[36]
Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]
Talasanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Armin Adina (March 20, 2013). "Tea party reunites beauty queens". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong September 7, 2013.
- ↑ Severo, Jan Milo (9 Disyembre 2019). "Confirmed: Miss Universe Philippines no longer under Binibining Pilipinas Charities". Philippine Star. Nakuha noong 28 Agosto 2022.
- ↑ Severo, Jan Milo (29 Hulyo 2020). "Binibining Pilipinas loses Miss Supranational to Miss World Philippines". Philippine Star. Nakuha noong 28 Agosto 2022.
- ↑ 4.0 4.1 Tayag, Voltaire (11 Disyembre 2019). "LOOK BACK: The Binibining Pilipinas legacy through the decades". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Agosto 2022.
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 "Exciting 'firsts' in the Bb. Pilipinas Pageant". The Philippine Star (sa wikang Ingles). 5 Marso 2005. Nakuha noong 2 Pebrero 2019.
- ↑ Esteves, Patricia (26 Enero 2011). "A separate Miss World-Philippines search". Philippine Star. Nakuha noong 28 Agosto 2022.
- ↑ 7.0 7.1 Villano, Alexa (27 Agosto 2015). "Ann Colis, Parul Shah to represent PH in Miss Grand International, Miss Globe 2015". Rappler. Nakuha noong 26 Nobyembre 2016.
- ↑ Lo, Ricky (22 Enero 2013). "Looking back at the first Bb. Pilipinas-Int'l pageant". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Setyembre 2015.
- ↑ Lo, Ricky (2 Marso 2016). "Whatever happened to Binky Montinola?". Philippine Star. Nakuha noong 28 Agosto 2022.
- ↑ "Philippine bet enters Miss International 2015 top 10". Philippine Star (sa wikang Ingles). 5 Nobyembre 2015. Nakuha noong 6 Nobyembre 2015.
- ↑ "Bb. Pilipinas Globe 2015 Ann Lorraine Colis". normannorman.com (sa wikang Ingles). 18 Setyembre 2015. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "IN PHOTOS: Ann Lorraine Colis wins Miss Globe 2015 pageant". Rappler (sa wikang Ingles). 9 Oktubre 2015. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "Nichole Manalo's quest for a back-to-back Miss Globe crown". Rappler (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 2016. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "Surprise! PH bet is 3rd runner-up in Miss Globe 2016". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 29 Nobyembre 2016. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "6 fun facts: Bb Pilipinas Globe 2017 Nelda Ibe". Rappler (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 2017. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "PH's Nelda Ibe is 1st runner-up in Miss Globe 2017". Rappler (sa wikang Ingles). 4 Nobyembre 2017. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "Meet Bb Pilipinas Globe 2018 Michele Gumabao". Rappler (sa wikang Ingles). 24 Marso 2018. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "Michele Gumabao finishes as top 15 finalist in Miss Globe 2018". Rappler (sa wikang Ingles). 22 Oktubre 2018. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "Who is Leren Mae Bautista, Binibining Pilipinas Globe 2019?". Rappler (sa wikang Ingles). 11 Hunyo 2019. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "PH bet Leren Mae Bautista is Miss Globe 2019 2nd runner-up". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 22 Oktubre 2019. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "Who is Maureen Montagne, Binibining Pilipinas Globe 2021?". Rappler (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 2021. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "Miss Globe 2021 Maureen Montagne tells dreamers: Don't give up". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 2021. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "Chelsea Fernandez – Bb Pilipinas Globe 2022". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 1 Agosto 2022. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
- ↑ "Anjanette Abayari on her arrest in Guam: 'Drugs will do no one good'". ABS-CBN Corporation. 21 Pebrero 2015. Nakuha noong 19 Setyembre 2015.
- ↑ "Binibining Pilipinas winners na tinanggalan ng korona". GMA Network. 14 Marso 2015. Nakuha noong 20 Setyembre 2015.
- ↑ Jose Vanzi, Sol (21 Marso 1999). "Dethroned Beauty Queen Hunted to Face Criminal Charges". Newsflash.org (sa wikang Ingles). Philippine Headline News Online. Nakuha noong 19 Setyembre 2015.
- ↑ Mendoza, Arvin (2016-04-18). "Maxine Medina is new Miss Universe Philippines". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-04-18.
- ↑ Adina, Armin (18 Agosto 2011). "25 vie to represent Philippines in Miss World contest" (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 6 Oktubre 2013.
- ↑ "Binibining Pilipinas Pageant 1987". MabuhayPageants.com. Nakuha noong 16 Setyembre 2015.
- ↑ Magsanoc, Kai (4 Oktubre 2013). "Cindy Miranda finishes Top 10 in Miss Tourism Queen Intl 2013". Rappler. Tinago mula sa orihinal noong 16 Enero 2017. Nakuha noong 26 Nobyembre 2016.
- ↑ Lo, Ricky (2 Marso 2004). "40 years with the Binibini". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Pebrero 2019.
- ↑ "Young International 1970–71" (sa wikang Ingles). Pageantopolis.com. Tinago mula sa orihinal noong 2014-08-10. Nakuha noong 16 Setyembre 2015.
- ↑ "Young International 1976–77" (sa wikang Ingles). Pageantopolis.com. Tinago mula sa orihinal noong 2014-08-10. Nakuha noong 16 Setyembre 2015.
- ↑ "Young International 1980–81" (sa wikang Ingles). Pageantopolis.com. Tinago mula sa orihinal noong 2014-08-10. Nakuha noong 16 Setyembre 2015.
- ↑ "Binibining Pilipinas Pageant 1991" (sa wikang Ingles). Mabuhaypageants.com. Nakuha noong 17 Setyembre 2015.
- ↑ "Binibining Pilipinas in the 90's" (sa wikang Ingles). Veestarz.com. Tinago mula sa orihinal noong 2017-11-06. Nakuha noong 17 Setyembre 2015.