Miss World 2005
| Miss World 2005 | |
|---|---|
![]() Unnur Birna Vilhjálmsdóttir | |
| Petsa | 10 Disyembre 2005 |
| Presenters |
|
| Entertainment |
|
| Pinagdausan | Crown of Beauty Theatre, Sanya, Tsina |
| Brodkaster |
|
| Lumahok | 102 |
| Placements | 15 |
| Bagong sali |
|
| Hindi sumali | |
| Bumalik | |
| Nanalo | Unnur Birna Vilhjálmsdóttir |
Ang Miss World 2005 ay ang ika-55 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Crown of Beauty Theatre sa Sanya, Tsina noong 10 Disyembre 2005.[1]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni María Julia Mantilla ng Peru si Unnur Birna Vilhjálmsdóttir ng Lupangyelo bilang Miss World 2005.[2][3] Ito ang ikatlong tagumpay ng Lupangyelo sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Dafne Molina ng Mehiko, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Ingrid Marie Rivera ng Porto Riko.[4]
Mga kandidata mula sa 102 bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Tim Vincent at Angela Chow ang kompetisyon. Nagtanghal sina Alexander O'Neal at ang Beijing Singing & Dancing Theatre sa edisyong ito.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lokasyon at petsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang araw bago maganap ang pangwakas ng Miss World 2004, inanunsyo ng Miss World Organization na magaganap muli ang Miss World sa Tsina sa ikatlong pagkakataon.[5] Taliwas sa binayarang US$4.8 milyon na bayad upang ganapin sa lungsod ang kompetisyon, walang binayarang bayad ang lungsod para sa pangunguna sa edisyong ito.[5]
Pagpili ng mga kandidata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kandidata mula sa 102 bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kandidata.
Mga pagpalit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iniluklok si Daniela Risch upang palitan si Miss Germany 2005 Antonia Schmitz bilang kinatawan ng Alemanya dahil sa personal na dahilan.[6] Iniluklok si Valerija Sevcuka upang palitan si Miss Latvia 2004 Agnese Krustiņa dahil pinili nito na magpakasal na lamang.[7]
Iniluklok ang first runner-up ng Miss South Africa 2004 na si Dhiveja Sundrum bilang kinatawan ng Timog Aprika dahil sa salungatan sa iskedyul ng Miss World at Miss South Africa 2005 kung saan obligadong dumalo si Miss South Africa 2004 Claudia Henkel.[8] Iniluklok ang first runner-up ng Miss World Thailand 2005 na si Cindy Jensen upang pumalit sa orihinal na nagwagi na si Angela McKay dahil mas pinili nitong pagtuunan ang kaniyang pag-aaral at ang kaniyang karera sa pagmomodelo.[9][10][11] Iniluklok si Orthodoxia Moutsouri bilang kinatawan ng Tsipre matapos bumitiw ang orihinal na kandidata na si Miss Cyprus 2005 Nicole Temené dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[12]
Mga unang pagsali, pagbalik at pag-urong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Martinika at Mongolya. Bumalik sa edisyon ito ang mga bansang Indonesya na huling sumali noong 1983; Demokratikong Republika ng Konggo (bilang Zaire) na huling sumali noong 1985; Liberya na huling sumali noong 1999; Malawi na huling sumali noong 2001; Kapuluang Birhenes ng Estados Unidos na huling sumali noong 2002; at Guwatemala, Suwasilandiya, at Urugway na huling sumali noong 2003.
Bumitiw si Claudia Santana ng Anggola dahil ito ay nangungulila sa kaniyang bayan.[13] Bumitiw si Saana Johanna Anttila ng Pinlandiya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[14][15] Bumitiw si Lorraine Maphala ng Simbabwe dahil sa pinansiyal na suliranin at lumahok na lamang sa sumunod na edisyon.[16] Bumitiw sina Ol’ga Gerasimovich ng Biyelorusya, Rychacviana Coffie ng Curaçao, Meriam George ng Ehipto, Lisa Sáenz ng Honduras, Kelly Eastwood ng Kapuluang Turks at Caicos, Dina Nuraliyeva ng Kasakistan, at Emilce Rossana Gómez ng Paragway dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[17]
Hindi sumali ang mga bansang Antigua at Barbuda, Kapuluang Cayman, Litwanya, Pidyi, at Tsile sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kandidata.
Mga resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pagkakalagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Pagkakalagay | Kandidata |
|---|---|
| Miss World 2005 |
|
| 1st runner-up |
|
| 2nd runner-up |
|
| Top 6 | |
| Top 15 |
|
Mga Continental Queen
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Rehiyong Kontinental | Kandidata |
|---|---|
| Aprika | |
| Asya-Pasipiko |
|
| Kaamerikahan | |
| Karibe |
|
| Hilagang Europa |
|
| Timog Europa |
Mga natatanging parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Parangal | Kandidata |
|---|---|
| Best Evening Gown |
|
Mga Fast-track Event
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginanap ang hamon sa Talento sa Rui'an Gymnasium noong 20 Nobyembre 2005 kung saan animnapu't-limang kandidata ang magtanghal. Limang kandidatang ang nagwagi sa hamong ito, ngunit isa sa kanila ang pakusang makakapasok sa Top 15. Nagwagi si Kmisha Counts ng Kapuluang Birhenes ng Estados Unidos sa hamong ito na siyang inanunsyo sa kasagsagan ng hamong Beach Beauty.[21][22]
- Nakapasok sa Top 15 sa pamamagitan ng Hamon sa Talento.
| Pagkakalagay | Kandidata |
|---|---|
| Nagwagi |
|
| Top 5 |
Beach Beauty
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginanap ang Hamong Beach Beauty noong 6 Disyembre 2005 sa Sheraton Sanya Resort, Sanya, Hainan, kung saan nirampa ng mga kandidata ang mga damit-panlangoy na dinisenyo ni Miss World 1975 Wilnelia Merced. Kalaunan ay pinili ang labinsiyam na pinalista na muling pinarampa suot ang ibang disenyo ng mga damit-panlangoy. Ang kandidatang magwawagi ay pakusang makakapasok sa Top 15. Nagwagi si Yulia Ivanova ng Rusya sa hamong ito.[23]
- Nakapasok sa Top 15 sa pamamagitan ng Hamong Beach Beauty.
| Pagkakalagay | Kandidata |
|---|---|
| Nagwagi | |
| 1st runner-up | |
| 2nd runner-up | |
| Top 5 |
|
| Top 19 |
|
Kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pormat ng kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pangwakas na kompetisyon, ipinarada ng lahat ng mga kandidata ang kanilang mga evening gown na gawa ng isang taga-disenyo sa kanilang bansa. Ilang mga pagbabago sa pormat ng kompetisyon ang ipinatupad sa edisyong ito. Naging kontinental ang botohan sa edisyong ito kung saan anim na palabas na espesyal na Vote For Me ang ipinalabas sa mundo, isa para sa bawat rehiyong kontinental: Aprika, Asya-Pasipiko, Kaamerikahan, Karibe, Hilagang Europa, at Timog Europa. Dalawang kandidata sa bawat rehiyong kontinental ang maaaring iboto ng bawat manonood, at dalawang kandidata na may pinakamalaking bilang ng mga boto sa bawat rehiyong kontinental ang makakapasok sa Top 15. Bukod sa labindalawang mga semi-finalist mula sa botohan sa Vote For Me, tatlong kandidata ang napabilang sa Top 15 sa pamamagitan ng mga fast-track event.
Pinakita ang mga gawain at mga interbyu sa Tsina ng labinlimang semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista para sa question-and-answer round. Pagkatapos nito, inanunsyo ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World.
Komite sa pagpili
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Azra Akın – Miss World 2002 mula sa Turkiya
- Agbani Darego – Miss World 2001 mula sa Niherya
- Diana Hayden – Miss World 1997 mula sa Indiya
- Yulia Kourotchkina – Miss World 1992 mula sa Rusya
- Mariasela Álvarez – Miss World 1982 mula sa Republikang Dominikano
- Wilnelia Merced – Miss World 1975 mula sa Porto Riko
- Lucía Petterle – Miss World 1971 mula sa Brasil
- Ann Sidney – Miss World 1964 mula sa Reyno Unido
- Denise Perrier – Miss World 1953 mula sa Pransiya
- Julia Morley CBE – Tagapangulo at punong ehekutibo ng Miss World Organization
Mga kandidata
[baguhin | baguhin ang wikitext]102 kandidata ang kumalahok para sa titulo.
| Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad | Bayan | Rehiyong Kontinental |
|---|---|---|---|---|
| Suada Sherifi[25] | 17 | Vlorë | Timog Europa | |
| Daniela Risch[26] | 23 | Kiel | Hilagang Europa | |
| Emilia Iannetta[27] | 19 | Pilar | Kaamerikahan | |
| Sarah Juddan | 18 | Oranjestad | Karibe | |
| Dennae Brunow[28] | 20 | Albury | Asya-Pasipiko | |
| Ordain Moss[29] | 18 | Nassau | Karibe | |
| Marielle Onyeche | 21 | Bridgetown | Karibe | |
| Tatiana Silva[30] | 20 | Bruselas | Hilagang Europa | |
| Susan Carrizo[31] | 21 | Lagunillas | Kaamerikahan | |
| Vũ Hương Giang[32] | 20 | Hanoi | Asya-Pasipiko | |
| Sanja Tunjić[33] | 19 | Tuzla | Timog Europa | |
| Tshegofatso Robi[34] | 20 | Gaborone | Aprika | |
| Patricia Reginato[35] | 19 | Medianeira | Kaamerikahan | |
| Rositsa Ivanova[36] | 18 | Sofia | Timog Europa | |
| Viviana Méndez[37] | 19 | Santa Cruz de la Sierra | Kaamerikahan | |
| Nelly Dembo[38] | 22 | Kinshasa | Aprika | |
| Trine Lundgaard[39] | 18 | Billund | Hilagang Europa | |
| Marelisa Márquez[40] | 24 | Guayaquil | Kaamerikahan | |
| Alejandra Cárcamo[41] | 19 | San Salvador | Kaamerikahan | |
| Aisling Friel[42] | 23 | Glasgow | Hilagang Europa | |
| Ivica Sláviková[43] | 21 | Bratislava | Timog Europa | |
| Sanja Grohar[44] | 21 | Kranj | Timog Europa | |
| Mireia Verdú[45] | 22 | Barcelona | Timog Europa | |
| Lisette Diaz[46] | 22 | San Diego | Kaamerikahan | |
| Laura Korgemae[47] | 19 | Tartu | Hilagang Europa | |
| Seble Mekonnen[48] | 19 | Sayechew | Aprika | |
| Claire Evans[49] | 22 | Aberystwyth | Hilagang Europa | |
| Inna Mariam Patty[50] | 22 | Accra | Aprika | |
| Katerina Stikoudi[51] | 20 | Tesalonica | Timog Europa | |
| Merita Melyna | 23 | Les Abymes Town | Karibe | |
| María Inés Gálvez[52] | 24 | Lungsod ng Guwatemala | Kaamerikahan | |
| Jasmine Herzog[53] | 18 | Annandale | Kaamerikahan | |
| Terri-Karelle Griffith[54] | 23 | Kingston | Karibe | |
| Erina Shinohara[55] | 22 | Fuji | Asya-Pasipiko | |
| Salome Khelashvili[56] | 20 | Tbilisi | Timog Europa | |
| Melanie Chipolina[57] | 23 | Hibraltar | Timog Europa | |
| Lucy Evangelista[58] | 19 | Portglenone | Hilagang Europa | |
| Tracy Ip[59] | 24 | Hong Kong | Asya-Pasipiko | |
| Sindhura Gadde[60] | 21 | Vijayawada | Asya-Pasipiko | |
| Lindi Cistia Prabha[61] | 21 | Yogyakarta | Asya-Pasipiko | |
| Hammasa Kohistani[62] | 18 | Londres | Hilagang Europa | |
| Aoife Cogan[63] | 24 | Dublin | Hilagang Europa | |
| Keren Shacham | 19 | Kiryat Motzkin | Timog Europa | |
| Sofia Bruscoli[64] | 17 | Emilia-Romaña | Timog Europa | |
| Ramona Amiri[65] | 25 | Montreal | Kaamerikahan | |
| Kmisha Counts[66] | 18 | Saint Thomas | Karibe | |
| Cecilia Mwangi[67] | 21 | Nairobi | Aprika | |
| Erika Querubín[68] | 22 | Medellin | Kaamerikahan | |
| Leonora Jiménez[69] | 22 | Santa Ana | Kaamerikahan | |
| Maja Cvjetković[70] | 19 | Šibenik | Timog Europa | |
| Valerija Sevcuka[42] | 20 | Riga | Hilagang Europa | |
| Lamitta Frangieh[71] | 25 | Beirut | Timog Europa | |
| Snoti Muna Forh[72] | 23 | Monrovia | Aprika | |
| Unnur Birna Vilhjálmsdóttir | 21 | Seltjarnarnes | Hilagang Europa | |
| Rachel Landson | 20 | Lilongwe | Aprika | |
| Emmeline Ng | 23 | Kuala Lumpur | Asya-Pasipiko | |
| Ferdine Fava | 19 | St. Julian's | Timog Europa | |
| Moana Robinel | 24 | Fort-de-France | Karibe | |
| Milena Stanivuković | 20 | Skopje | Timog Europa | |
| Meenakshi Shivani | 24 | Port Louis | Aprika | |
| Dafne Molina | 23 | Lungsod ng Mehiko | Kaamerikahan | |
| Irina Dolovova | 21 | Chișinău | Timog Europa | |
| Khongorzul Ganbat | 17 | Ulan Bator | Asya-Pasipiko | |
| Leefa Shiikwa | 23 | Tsumeb | Aprika | |
| Sugarika Kshatriya-Chhetri | 19 | Lalitpur | Asya-Pasipiko | |
| Omowunmi Akinnifesi | 19 | Lagos | Aprika | |
| Johanna Madrigal | 21 | Managua | Kaamerikahan | |
| Helene Tråsavik | 19 | Egersund | Hilagang Europa | |
| Kay Anderson | 20 | Auckland | Asya-Pasipiko | |
| Monique Plat | 23 | Volendam | Hilagang Europa | |
| Anna Vaprio | 21 | Lungsod ng Panama | Kaamerikahan | |
| Fiorella Castellano | 18 | Lima | Kaamerikahan | |
| Carlene Aguilar | 23 | Mandaluyong | Asya-Pasipiko | |
| Malwina Ratajczak | 19 | Krapkowice | Hilagang Europa | |
| Ingrid Marie Rivera | 22 | Luquillo | Karibe | |
| Ângela Spínola | 20 | Setúbal | Timog Europa | |
| Cindy Fabre | 20 | Cosne-sur-Loire | Timog Europa | |
| Elisa Abreu | 21 | Jarabacoa | Karibe | |
| Lucie Králová[73] | 23 | Teplice | Hilagang Europa | |
| Raluca Voina | 20 | Câmpulung | Timog Europa | |
| Yulia Ivanova | 22 | Novosibirsk | Hilagang Europa | |
| Precious Kabungo Mumbi | 23 | Lusaka | Aprika | |
| Joy Matty | 19 | Castries | Karibe | |
| Dina Džanković | 18 | Novi Pazar | Timog Europa | |
| Shenise Wong Yan Yi | 23 | Singapura | Asya-Pasipiko | |
| Nadeeka Perera | 22 | Colombo | Asya-Pasipiko | |
| Zinhle Magongo | 20 | Mhlume | Aprika | |
| Liza Berggren | 19 | Mölndal | Hilagang Europa | |
| Lauriane Gilliéron | 21 | Prilly | Hilagang Europa | |
| Nancy Sumari | 19 | Arusha | Aprika | |
| Cindy Jensen | 22 | Phra Nakhon Si Ayutthaya | Asya-Pasipiko | |
| Dhiveja Sundrum[74] | 23 | Pietermaritzburg | Aprika | |
| Su-Jung Hsu | 25 | Kaohsiung | Asya-Pasipiko | |
| Oh Eun-young | 20 | Seoul | Asya-Pasipiko | |
| Jenna Marie Andre | 22 | San Fernando | Karibe | |
| Ting Ting Zhao[75] | 19 | Beijing | Asya-Pasipiko | |
| Orthodoxia Moutsouri | 20 | Famagusta | Timog Europa | |
| Hande Subaşı | 21 | Ankara | Timog Europa | |
| Juliet Ankakwatsa | 22 | Kabale | Aprika | |
| Yulia Pinchuk | 18 | Novovolynsk | Hilagang Europa | |
| Semmi-Kis Tünde | 20 | Budapest | Timog Europa | |
| Daniela Tambasco | 20 | Montevideo | Kaamerikahan |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Newham, Fraser (3 Disyembre 2005). "Making Miss World a political tool". Taipei Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2024. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ "Miss Iceland starts reign as Miss World". The Manila Times (sa wikang Ingles). 12 Disyembre 2005. pp. B5. Nakuha noong 8 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
- ↑ "Icelandic police officer wins Miss World title". Today (sa wikang Ingles). 10 Disyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Abril 2024. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ "Miss Iceland crowned Miss World". ABC News (sa wikang Ingles). 11 Disyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Oktubre 2016. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ 5.0 5.1 "Miss World pageant to return to Sanya in 2005". China Daily (sa wikang Ingles). 3 Disyembre 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2025. Nakuha noong 16 Abril 2023.
- ↑ "Spieglein, Spieglein...: 19-Jährige aus Soest ist "Miss Germany"" [Mirror, mirror...ː 19-year-old from Soest is "Miss Germany"]. Der Spiegel (sa wikang Aleman). 30 Enero 2005. ISSN 2195-1349. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Disyembre 2024. Nakuha noong 9 Oktubre 2025.
- ↑ "'Mis Latvija 2004' - Agnese Krustiņa, 'Misters Latvija 2004' - Renārs Mangužs" ['Miss Latvia 2004' - Agnese Krustiņa, 'Mister Latvia 2004' - Renārs Mangužs]. Delfi (sa wikang Latvian). 29 Oktubre 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Oktubre 2025. Nakuha noong 9 Oktubre 2025.
- ↑ Majova, Zukile (4 Setyembre 2005). "Claudia won't get chance at Miss World title". Independent Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Oktubre 2025. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ "น้องแองจี้; ขอสละตำแหน่งมิสไทยแลนด์เวิลด์" [Miss Angie; gives up the title of Miss Thailand World.]. Sanook (sa wikang Thai). 10 Setyembre 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Mayo 2025. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ Lloyd, Peter (21 Setyembre 2005). "Australian Miss Thailand gives up crown". ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ "Miss Thailand hands back her crown". L'Express (sa wikang Pranses). 23 Setyembre 2005. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ "Γάμος στην κυπριακή showbiz! Εστεμμένη των καλλιστείων παντρεύτηκε σε ένα ονειρικό σκηνικό (pics)" [Wedding in Cypriot showbiz! Beauty pageant winner gets married in a dreamy setting (pics)]. Cyprus Times (sa wikang Griyego). 15 Setyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Oktubre 2025. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ "Cuộc thi Hoa hậu thế giới đã bị hoãn lại" [Miss World pageant has been postponed]. Báo điện tử Dân Trí (sa wikang Biyetnames). 29 Nobyembre 2005. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ "Saana Anttila on uusi Suomen Neito" [Saana Anttila is the new Miss Finland]. Ilta-Sanomat (sa wikang Pinlandes). 22 Agosto 2005. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ "FINLAND - Saana Johanna Anttila". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2005. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ Mbiriyamveka, Jonathan (23 Agosto 2006). "Zimbabwe: Maphala to Represent Country At Two Pageants". The Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Oktubre 2025 – sa pamamagitan ni/ng AllAfrica.
- ↑ "Bella estampa de miss" [Beautiful picture of miss]. ABC Color (sa wikang Kastila). 23 Oktubre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Mayo 2025. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ 18.0 18.1 18.2 18.3 18.4 18.5 18.6 18.7 18.8 "Miss World 2005: The top six winners". The Times of India (sa wikang Ingles). 10 Disyembre 2005. ISSN 0971-8257. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ "The Style Issue September 25, 2025". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). 25 Setyembre 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Setyembre 2025. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ 20.0 20.1 "Ms. Phils. a favorite in Miss World 2005". Philippine Star (sa wikang Ingles). 10 Disyembre 2005. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ 21.0 21.1 "Miss RP odds-on favorite to win Miss World title". Philippine Star (sa wikang Ingles). 10 Disyembre 2005. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ 22.0 22.1 22.2 22.3 22.4 "Miss Russia Wins Beach Beauty Final in Miss World 2005". China Internet Information Center (sa wikang Ingles). 8 Disyembre 2005. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ 23.0 23.1 23.2 23.3 "Miss Russia Wins Beach Beauty Final in Miss World 2005". China.org (sa wikang Ingles). 8 Disyembre 2005. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ 24.0 24.1 Lo, Ricky (4 Oktubre 2010). "India, China only Asian countries with Misses World". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ "Suada Sherifi zbulon vështirësitë e 'Miss World 2005'". News 24 Albania (sa wikang Albanes). 20 Nobyembre 2018. Nakuha noong 22 Marso 2023.
- ↑ "Miss Island sticht Miss Germany aus". Der Spiegel (sa wikang Aleman). 11 Disyembre 2005. ISSN 2195-1349. Nakuha noong 22 Marso 2023.
- ↑ "La nueva Miss Mundo es una oficial de la Policía islandesa". Clarín (sa wikang Kastila). 10 Disyembre 2005. Nakuha noong 22 Marso 2023.
- ↑ "Meet our Miss World". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 2005. Nakuha noong 22 Marso 2023.
- ↑ "Former beauty queen launches career in music". Tribune242 (sa wikang Ingles). 15 Enero 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2014. Nakuha noong 9 Oktubre 2025.
- ↑ "Bon anniversaire Tatiana Silva !" [Happy birthday Tatiana Silva!]. RTBF (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2025. Nakuha noong 22 Marso 2023.
- ↑ "Jictzad Viña ganó la carrera del Miss Venezuela". El Universal (sa wikang Kastila). 16 Setyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2009. Nakuha noong 22 Marso 2023.
- ↑ "Vũ Hương Giang tranh giải tại Hoa hậu Thế giới 2005" [Vu Huong Giang competed at Miss World 2005]. VnExpress (sa wikang Biyetnames). 1 Nobyembre 2005. Nakuha noong 9 Oktubre 2025.
- ↑ "Sanja Tunjić miss BiH za 2005. godinu". Klix.ba (sa wikang Kroato). 10 Oktubre 2005. Nakuha noong 9 Oktubre 2025.
- ↑ Mooketsi, Lekopanye (15 Disyembre 2005). "Botswana: Robi's Wins At Miss World Pageant". AllAfrica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Oktubre 2025.
- ↑ "Estudante catarinense é eleita miss Brasil 2005" [Student from Santa Catarina is elected Miss Brazil 2005]. O Estado de S. Paulo (sa wikang Portuges). 15 Abril 2005. Nakuha noong 13 Enero 2023.
- ↑ "WHO'S WHO: Rositsa Ivanova". Novinite.com (sa wikang Ingles). 26 Marso 2025. Nakuha noong 11 Oktubre 2025.
- ↑ "Viviana Mendez esta embarazada" [Viviana Mendez is pregnant]. El Día (sa wikang Kastila). 3 Marso 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Oktubre 2025. Nakuha noong 11 Oktubre 2025.
- ↑ "CONGO DEMOCRATIC REPUBLIQUE - Nelly Dembo Osongo". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Oktubre 2025. Nakuha noong 11 Oktubre 2025.
- ↑ "DENMARK - Trine Lundgaard". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Oktubre 2025. Nakuha noong 11 Oktubre 2025.
- ↑ Tapia, Vanessa (30 Agosto 2020). "Marielisa Marques, sus secretos de botánica en la belleza" [Marielisa Marques, her botanical beauty secrets]. Diario Expreso (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hunyo 2025. Nakuha noong 11 Oktubre 2025.
- ↑ "Irma Dimas elegida "Miss El Salvador" e irá a "Miss Universo"" [Irma Dimas was chosen as Miss El Salvador and will compete in Miss Universe]. La Nación (sa wikang Kastila). 27 Pebrero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Oktubre 2025. Nakuha noong 11 Oktubre 2025.
- ↑ 42.0 42.1 "All smiles before the finals". The Times of India (sa wikang Ingles). 10 Disyembre 2005. ISSN 0971-8257. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Abril 2025. Nakuha noong 11 Oktubre 2025.
- ↑ "Slovenská kráľovná krásy po 15 rokoch: Stala sa z nej potetovaná rockerka... Pozrite na tie nezmyselné kerky!" [Slovak beauty queen after 15 years: She became a tattooed rocker... Look at those ridiculous breasts!]. Topky.sk (sa wikang Eslobako). 27 Agosto 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2021. Nakuha noong 11 Oktubre 2025.
- ↑ "Sanja sanja o zmagi na MMS-ju" [Sanja dreams of winning at MMS]. Radiotelevizija Slovenija (sa wikang Eslobeno). 11 Hulyo 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2025. Nakuha noong 11 Oktubre 2025.
- ↑ "Mireia Verdú, Verónica Hidalgo, Miss España, y Laura Ojeda" [Mireia Verdú, Verónica Hidalgo, Miss Spain, and Laura Ojeda]. El País (sa wikang Kastila). 22 Marso 2005. ISSN 1134-6582. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ Jennings, Jan (10 Oktubre 2025). "UCSD Junior Crowned U.S. Miss World". UCSD News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hunyo 2015. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ Albers, Mari-Leen (30 Hunyo 2009). "Laura Kõrgemäe poseerib Playboys, aga mitte alasti" [Laura Kõrgemäe poses for Playboy, but not naked]. Ohtuleht (sa wikang Estonio). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobyembre 2025. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ "Seble Mekonnen". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobyembre 2025. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ "Marathon dream for new Miss Wales". BBC News (sa wikang Ingles). 23 Hulyo 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2025. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ Times, Ghanaian (7 Abril 2022). "Inna Mariam Patty Honoured For Bringing Meaning To Beauty & Pageantry". Ghanaian Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ "Η Κατερίνα Στικούδη αναπολεί τις μέρες που έγινε Μις Ελλάς [βίντεο]" [Katerina Stikoudi recalls the days when she became Miss Greece [video]]. SigmaLive (sa wikang Griyego). 22 Hulyo 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2023. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ "GUATEMALA - Maria Ines Galvez Close". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobyembre 2025. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ "The women of pageantry". Guyana Times International (sa wikang Ingles). 8 Nobyembre 2013. p. 34. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Disyembre 2024. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025 – sa pamamagitan ni/ng Issuu.
- ↑ Gordon, Sherilla (26 Setyembre 2025). "10 questions for Terri-Karelle…". All Woman (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobyembre 2025. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025 – sa pamamagitan ni/ng Jamaican Observer.
- ↑ "Miss World finals". China Daily (sa wikang Ingles). 10 Disyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobyembre 2025. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ "GEORGIA - Salome Khelashvili". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobyembre 2025. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ "GIBRALTAR - Melanie Chipolina". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2025. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ Sweeney, Joanne (1 Enero 2018). "Former beauty queen Lucy Evangelista: How I've finally found my (sewing) passion". The Irish News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ "Miss Hong Kong 2005 Tracy Ip". South China Morning Post (sa wikang Ingles). 1 Disyembre 2025. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ Awarau, Aroha (31 Marso 2005). "Former TVNZ presenter wins Miss India title". The New Zealand Herald (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobyembre 2025. Nakuha noong 12 Nobyembre 2025.
- ↑ "INDONESIA - Lindi Cistia Prabha". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2005. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ "First Muslim Miss England crowned". BBC (sa wikang Ingles). 4 Setyembre 2005. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ Shortall, Holly (2 Hulyo 2015). "Top 10 Miss Ireland winners: Where are they now?". Irish Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ "Miss World 2005". New Vision (sa wikang Ingles). 9 Disyembre 2025. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ "Miss World 2005: Người đẹp Canada tự tin" [Miss World 2005: Confident Canadian beauty]. Báo điện tử Tiền Phong (sa wikang Biyetnames). 17 Nobyembre 2005. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ "On Island Profile: K'misha-Victoria Counts". St. Thomas Source (sa wikang Ingles). 11 Enero 2006. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ Genga, Shirley. "Cecilia Mwangi: Am not a Party girl". Evewoman Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Nobyembre 2025 – sa pamamagitan ni/ng The Standard.
- ↑ "Concurso Miss Mundo Colombia" [Miss World Colombia contest]. El Tiempo (sa wikang Kastila). 6 Hulyo 2005. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ "Los ticos tienen nuevas reinas" [Costa Ricans have new queens]. La Prensa (sa wikang Kastila). 27 Enero 2007. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ "Maja Cvjetković proslavila godišnjicu braka sa 20 godina starijim poduzetnikom: 'Zauvijek, samo ljubav'" [Maja Cvjetković celebrated her wedding anniversary with a 20-year-old entrepreneur: 'Forever, only love']. Vecernji list (sa wikang Kroato). 9 Hunyo 2023. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ "Lamitta Frangieh shows off baby bump, maintains enviably toned physique!". Al Bawaba (sa wikang Ingles). 2 Hunyo 2016. Nakuha noong 13 Nobyembre 2025.
- ↑ Jerue, Gibson W. (25 Hulyo 2005). "Liberia: Snorti Is Liberia's Queen". The Analyst (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Nobyembre 2025 – sa pamamagitan ni/ng AllAfrica.
- ↑ "The new Miss Czech Republic 2005, Lucie Kralova, is crowned in Karlovy Vary". Radio Prague International (sa wikang Ingles). 10 Abril 2005. Nakuha noong 10 Nobyembre 2025.
- ↑ "South African Indian gets a shot at Miss World title". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 2005. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
- ↑ "China finals of 55th Miss World". China Daily (sa wikang Ingles). 21 Setyembre 2005. Nakuha noong 18 Oktubre 2025.
