Pumunta sa nilalaman

Miss World 1960

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1960
Norma Cappagli
Petsa8 Nobyembre 1960
Presenters
  • Bob Russell
  • Peter West
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
BrodkasterBBC
Lumahok39
Placements18
Bagong sali
  • Bulibya
  • Burma
  • Ekwador
  • Espanya
  • Kenya
  • Libano
  • Madagaskar
  • Nikaragwa
  • Tanganyika
  • Tahiti
  • Tsipre
Hindi sumali
  • Austrya
  • Gana
  • Hamayka
  • Hawaii
  • Hibraltar
  • Honduras
  • Hong Kong
  • Paragway
  • Peru
  • Porto Riko
  • Portugal
Bumalik
  • Australya
  • Turkiya
NanaloNorma Cappagli
Arhentina Arhentina
← 1959
1961 →

Ang Miss World 1960 ay ang ikasampung edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 8 Nobyembre 1960.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ng racing driver at miyembro ng komite sa pagpili na si Stirling Moss si Norma Cappagli ng Arhentina bilang Miss World 1960.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Arhentina sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Gila Golan ng Israel, habang nagtapos bilang second runner-up si Denise Muir ng Timog Aprika.[2]

Mga kandidata mula sa tatlumpu't-siyam na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Russell ang kompetisyon, samantalang si Peter West ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[3]

Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1960

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa tatlumpu't-siyam na mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process.

Iniluklok ang first runner-up ng Miss United States 1960 na si Judith Ann Achter upang kumatawan sa kanyang matapos mapatalsik sa titulo ang orihinal na nagwagi na si Annette Driggers, 14 na araw matapos itong makoronahan.[4][5] Iniluklok ang third runner-up ng Miss Holland 1960 na si Carina Verbeek upang kumatawan sa kanyang bansa dahil nasa ibang bansa si Miss Holland 1960 Ans Schoon noong dumating ang mga registration form.[6][7] Iniluklok si Diane Medina ng Pransiya matapos umurong sa kompetisyon si Yolanda Biecosai dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Bulibya, Burma, Ekwador, Espanya, Kenya, Libano, Madagaskar, Nikaragwa, Tanganyika, Tahiti, at Tsipre, at bumalik ang mga bansang Australya na huling sumali noong 1957 at Turkiya na huling sumali noong 1958.

Hindi sumali ang mga bansang Austrya, Gana, Hamayka, Hawaii, Hibraltar, Honduras, Hong Kong, Paragway, Peru, Porto Riko, at Portugal sa edisyong ito. Hindi sumali si Luise Kammermair ng Austrya matapos piliin nitong hindi sumali sa kompetisyon matapos maging runner-up sa Miss Europe. Hindi sumali si Comfort Kwamena ng Gana matapos nitong piliing ganapin sa Agosto 1960 ang kanyang paglipad patungong Londres imbis na sa Nobyembre. Hindi sumali sina Judith Willoughby ng Hamayka, Lena Woo ng Hong Kong, Mercedes Ruggia ng Paragway, Maricruz Gómez ng Peru, at Maria Josebate Silva Santos ng Portugal dahil sa mga hindi isiniwalat na dahilan.[8][9] Hindi sumali ang Hawaii matapos nito maging isang ganap na estado ng Estados Unidos noong Agosto. Hindi sumali ang mga teritoryong Hibraltar at Porto Riko matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Dapat sanang kakalahok ang first runner-up ng Miss Venezuela 1960 na si Miriam Estévez Acevedo sa kompetisyon. Gayunpaman, siya ay natuklasan ng isang film producer upang pumunta sa Londres pero upang gumawa ng pelikula, imbis na lumahok sa Miss World. Matapos umurong sa kompetisyon si Estévez, siya ay agad na pinalitan ng third runner-up ng Miss Venezuela 1960 na si Aura Josefina Rodríguez, subalit hindi ito lumipad patungong Londres dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali sina Lorraine Nawa Jones ng Bagong Silandiya, Elaine Maurath ng Suwisa, at Marinka Polhammer ng Tsile dahil rin sa mga hindi isiniwalat na dahilan. Dapat rin sanang kakalahok si Marilyne Escobar ng Moroko, ngunit hindi ito nagpatuloy sa kompetisyon dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[10]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1960 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1960
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 10
Top 18

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semi-finalist sa edisyong ito ay itinaas sa labinwalo mula sa labing-isa ng nakaraang edisyon. Ang labinwalong semi-finalist ay napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Kumalahok sa swimsuit competition ang labinwalong mga semifinalist, at kalaunan ay napili ang sampung mga semi-finalist. Nakipanayam ang sampung semi-finalist kay Bob Russell at pumarada sa harapan ng mga hurado, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Rajah Gunasekera – Diplomatikong galing Ceylon[12]
  • Oliver Messel – Ingles na pintor[12]
  • Lady F. Asafu-Adjaye – Asawa ng Embahador ng Gana sa Reyno Unido[12]
  • Major Stafford W. Somerfield – Mamamahayag na Ingles[12]
  • Fredericka Ann "Bobo" Sigrist – Asawa ng Ingles na film producer na si Kevin McClory[12]
  • Stirling Moss – Formula One racing driver na Ingles[12]
  • Bernard Delfont – Negosyanteng Ingles na pinanganak sa Rusya[12]

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tatlumpu't-siyam na kandidata ang lumahok para sa titulo.[13]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Ingrun Helgard Möckel[14] 18 Düsseldorf
Arhentina Arhentina Norma Cappagli[15] 21 Buenos Aires
Australia Australya Margaret Nott[16] 19 Victoria Harbour
Belhika Belhika Huberte Bax[17] 19 Bruselas
Brazil Brasil Maria Edilene Torreão 18 São José do Egito
Bolivia Bulibya Dalia Monasteros 20 La Paz
Burma Ma Sen Aye[18] 24 Yangon
Denmark Dinamarka Lise Bodin[19] 19 Copenhague
Ecuador Ekwador Toty Rodríguez[20] 23 Guayaquil
Espanya Concepción Molinera 23 Barcelona
Estados Unidos Estados Unidos Judith Ann Achter[21] 18 St. Louis
Greece Gresya Kalliopi Geralexi Atenas
Hapon Hapon Eiko Murai[22] 24 Niigata
Jordan Hordan Eriny Emile Sebella 22 Aman
India Indiya Iona Pinto[23] 24 Bombay
Irlanda (bansa) Irlanda Irene Ruth Kane 18 Londonderry
Israel Israel Gila Golan[24] 20 Tel-Abib
Italya Italya Layla Rigazzi[25] 18 Milan
Canada Kanada Danica d'Hondt[26] 21 Vancouver
 Kenya Jasmine Batty[27] 21 Nairobi
Lebanon Líbano Giséle Naser 21 Beirut
Luxembourg Luksemburgo Liliane Mueller 18 Lungsod ng Luksemburgo
Iceland Lupangyelo Kristín Þorvaldsdóttir 18 Reikiavik
Madagascar Madagaskar Rajaobelina Bedovoahangy[28] 24 Antananarivo
Nicaragua Nikaragwa Carmen Isabel Recalde 18 Leon
Norway Noruwega Grethe Solhoy 20 Oslo
Netherlands Olanda Carina Verbeek[7] 19 Ang Haya
Finland Pinlandiya Margaretha Schauman 18 Helsinki
Pransiya Diane Medina 19 Paris
United Kingdom Reyno Unido Hilda Fairclough[14] 23 Heysham
Suwesya Suwesya Barbara Gunilla Olsson[29] 20 Umea
Tahiti Teura Bouwens[30] 27 Teahupo'o
Tanganyika Carmen Lesley Woodcock 18 Dar es Salaam
South Africa Timog Aprika Denise Muir[31] 19 Johannesburg
Timog Korea Timog Korea Lee Young-hee[32] 20 Pusan
Timog Rhodesia Jenny Lee Scott[33] 18 Kwekwe
 Tsipre Mary Mavropoulos 20 Limassol
Turkey Turkiya Nebahat Çehre[34] 17 Samsun
Uruguay Urugway Beatriz Benítez 20 Montevideo
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Argentine Beauty wins title of Miss World". Gadsden Times (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 1960. p. 3. Nakuha noong 13 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2nd place for Miss World '60". ⁨⁨The Australian Jewish News (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1960. p. 1. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Oktubre 2023. Nakuha noong 10 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Who'll be Miss World?". Evening Times (sa wikang Ingles). 8 Nobyembre 1960. p. 8. Nakuha noong 10 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Miss U.S.A. was "Mrs."... and aged only 15!". Evening Times (sa wikang Ingles). 1 Nobyembre 1960. p. 9. Nakuha noong 10 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Miss Amerika gediskwalificeerd" [Miss America disqualified]. Nieuwsblad van het Noorden (sa wikang Olandes). 2 Nobyembre 1960. p. 13. Nakuha noong 21 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "HOEWEL zij op de vierde plaats kwam bij de verkiezingen van „miss Holland", is Karma Verbeek gisteren toch naar Londen vertrokken om mee te dingen naar de titel „miss World"" [ALTHOUGH she came in fourth place in the Miss Holland election, Karma Verbeek left for London yesterday to compete for the Miss World title.]. Het Parool (sa wikang Olandes). 3 Nobyembre 1960. p. 1. Nakuha noong 21 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Karma Verbeek naar Miss-World-wedstrijd" [Karma Verbeek to Miss World contest]. Leeuwarder courant (sa wikang Olandes). 3 Nobyembre 1960. p. 1. Nakuha noong 21 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Missing Miss World, 1960". The Gleaner (sa wikang Ingles). 25 Hunyo 2021 [27 Hunyo 1960]. Nakuha noong 13 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Mooiste meisje in Hongkong" [Most beautiful girl in Hong Kong]. Twentsch dagblad Tubantia (sa wikang Olandes). 16 Agosto 1960. p. 9. Nakuha noong 21 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Ansiosa vigilia a Londra per le belle concorrenti" [Anxious eve in London for the beautiful contestants]. La Stampa (sa wikang Italyano). 7 Nobyembre 1960. p. 9. Nakuha noong 9 Oktubre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 11.4 "Beauty title to Argentina". The Leader-Post (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1960. p. 17. Nakuha noong 1 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.00 12.01 12.02 12.03 12.04 12.05 12.06 12.07 12.08 12.09 "L'elezione dell'argentina" [The election of Argentina]. La Stampa (sa wikang Italyano). 9 Nobyembre 1960. p. 3. Nakuha noong 21 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Tekur þátt í fegurðarsamkeppni ytra" [Participates in an external beauty contest]. Þjóðviljinn (sa wikang Islandes). 8 Nobyembre 1960. p. 12. Nakuha noong 1 Agosto 2023 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Foursome of beauty". Evening Times (sa wikang Ingles). 4 Nobyembre 1960. p. 14. Nakuha noong 10 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Beauty queen Norma Cappagli passed away after being run over by a bus". The Times of India (sa wikang Ingles). 28 Disyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2023. Nakuha noong 7 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Local girl wins Miss World contest". Victor Harbour Times (sa wikang Ingles). 30 Setyembre 1960. p. 1. Nakuha noong 7 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Ansiosa vigilia a Londra per le belle concorrenti" [Anxious eve in London for the beautiful contestants]. La Stampa (sa wikang Italyano). 7 Nobyembre 1960. p. 9. Nakuha noong 21 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Danmarks smukkeste kvinder: Her er historien om 'Miss Danmark'-konkurrencen". B.T. (sa wikang Danes). 2 Disyembre 2015. Nakuha noong 7 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Toty Rodríguez la gran hermana". El Universo (sa wikang Kastila). 29 Hunyo 2003. Nakuha noong 6 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "First 'Miss U.S.' too young". The Kane Republican (sa wikang Ingles). 3 Nobyembre 1960. p. 4. Nakuha noong 7 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Hair-raising shampoo". Herald-Journal (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 1960. p. 2. Nakuha noong 7 Pebrero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Sangghvi, Malavika (25 Hunyo 2012). "A star is gone". Mid-Day (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. ""Miss Israel" second". ⁨⁨The Australian Jewish Times (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1960. p. 12. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Marso 2023. Nakuha noong 10 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Balzarotti, Leda (7 Setyembre 2016). "Miss Italia: tutte le reginette dal 1939 a oggi - Foto iO Donna". IO Donna (sa wikang Italyano). Nakuha noong 12 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Miss Canada meets Miss Australia in World beauty pageant". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 8 Nobyembre 1960. p. 21. Nakuha noong 7 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Johnson, Elizabeth Ofosuah (24 Pebrero 2019). "See the first-ever beauty queens from Africa". Face2Face Africa (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Samantha Todivelou Rodriguez crowned Miss World Madagascar 2016". The Times of India (sa wikang Ingles). 29 Hunyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2023. Nakuha noong 7 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Various "queens" of Sweden gather at Stockholm for a picture session". The Philadelphia Inquirer (sa wikang Ingles). 13 Hunyo 1960. p. 12. Nakuha noong 24 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Harte, Helen (1 Disyembre 2015). "Teura Bauwens, première Miss Tahiti est décédée". Polynésie la 1ère (sa wikang Pranses). Nakuha noong 10 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Lambley, Garrin (8 Nobyembre 2022). "Miss SA: Every winner since 1956". The South African (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Marso 2023. Nakuha noong 10 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "In search of a world title". Evening Times (sa wikang Ingles). 31 Oktubre 1960. p. 10. Nakuha noong 10 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Met het zelfstandig worden van ver" [With becoming independent from afar]. Arnhemsche courant (sa wikang Olandes). 2 Nobyembre 1960. p. 9. Nakuha noong 21 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Yarışmayla ünlü oldular!". Hürriyet (sa wikang Turko). Nakuha noong 14 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]