Miss World 1955

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1955
Susana Duijm
Petsa20 Oktubre 1955
PresentersEric Morley
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
Lumahok21
Placements8
Bagong sali
  • Australya
  • Austrya
  • Beneswela
  • Honduras
  • Kuba
  • Lupangyelo
Hindi sumali
  • Ehipto
  • Suwisa
  • Turkiya
Bumalik
  • Israel
  • Monako
NanaloSusana Duijm
Venezuela Beneswela
← 1954
1956 →

Ang Miss World 1955 ay ang ikalimang edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 20 Oktubre 1955.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ng aktor na si Eunice Gayson si Susana Duijm ng Beneswela bilang Miss World 1955.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Beneswela sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Margaret Anne Haywood ng Estados Unidos, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Tzoulia Coumoundourou ng Gresya.[2][3] Hindi nakadalo si Miss World 1954 Antigone Costanda ng Ehipto dahil sa sigalot sa pagitan ng Ehipto at Reyno Unido sa Kanal Suez.

Mga kandidata mula sa dalawampu't-isang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1955

Pagpili ng mga kalahok[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa dalawampu't-isang mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo.

Mga pagpalit[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Suomi 1955 na si Mirva Arvinen matapos na hindi lumahok si Miss Suomi 1955 Inga-Britt Soderberg dahil nanalo na ito sa Miss Europe.[4] Dahil hindi sumali ang orihinal na Miss Australia 1955 na si Shirley Bliss, dalawang kandidata ang nais maging kinatawan ng Australya sa Miss World: sina Miss Victoria Beverley Prowse ng Melbourne, at si Miss South Australia Pat Doran ng Adelaide. Upang mapili kung sino ang kakalahok sa Miss World, nagsagawa ng isang botohan ang isang dyaryo sa Londres para sa kanilang mambabasa, at ang napili ng publiko bilang Miss Australia ay si Prowse.[5]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Australya, Austrya, Beneswela, Honduras, Kuba, at Lupanyelo, at bumalik ang mga bansang Israel at Monako na huling sumali noong 1953. Hindi sumali ang mga bansang Ehipto, Suwisa, at Turkiya sa edisyong ito. Hindi sumali si Yolanda Cristina Gigliotti ng Ehipto dahil sa sigalot ng Reyno Unido at Ehipto tungkol sa Kanal Suez.[6] Hindi sumali si Claude Ivry ng Suwisa at Suna Soley ng Turkiya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Dapat sanang kakalahok sina Lorna McLeod ng Alaska at Barbara Mamo Vieira ng Hawaii. Gayunpaman, hindi nakasali ang mga ito dahil sa kakulangan sa badyet upang lumakbay papuntang Londres.[7]

Mga resulta[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1955 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1955
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
5th runner-up
Top 8

Kompetisyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pormat ng kompetisyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semi-finalist sa edisyong ito ay itinaas sa walo mula sa anim noong nakaraang edisyon. Ang walong semifinalist ay napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competiton.

Komite sa pagpili[baguhin | baguhin ang wikitext]

  • Steve Cochran – Amerikanong aktor[9]
  • Jack Hylton – piyanistang Ingles
  • Sir Hardy Amies – taga-disenyong Ingles[9]
  • Charles Eade – mamamahayag na Ingles
  • Gerald Kelly – dating pangulo ng British Royal Academy[9]
  • Claude Berr – miyembro ng komite ng Miss Europe
  • Smith Crighton – sosyalidad na Ingles
  • Hermione Gingold – aktres na Ingles
  • Gloria Swanson – Amerikanang aktres[9]

Mga kandidata[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dalawampu't-isang kandidata ang lumahok para sa titulo.[8][10]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Heidi Krüger[10] 18 Berlin
Australya Beverly Prowse[11] 23 Melbourne
Austria Austrya Felicitas Von Goebel[12] 24 Viena
Belhika Belhika Rosette Ghislain[13] 22 Hainaut
Venezuela Beneswela Susana Duijm[14] 19 Caracas
Sri Lanka Ceylon Sita Gunarate[10] 22 Colombo
Denmark Dinamarka Karin Palm-Rasmussen[10] 18 Copenhague
Estados Unidos Margaret Haywood[15] 20 Jonesboro
United Kingdom Gran Britanya Jennifer Chimes[16] 22 Leamington
Gresya Tzoulia Coumoundourou[17] 18 Icaria
Honduras Pastora Pagán[18] 18 San Pedro Sula
Irlanda (bansa) Irlanda Evelyn Foley[10] 22 Dublin
Israel Israel Miriam Kotler[10] 21
Italya Italya Franca Incorvaia[10] 18
Kuba Kuba Gilda Marín[1] 26 Havana
Iceland Lupangyelo Arna Hjörleifsdóttir[19] 22 Akureyri
Monaco Monako Josette Travers[10] 16 Monako
Netherlands Olanda Angelina Kalkhoven[20] 18 Amsterdam
Finland Pinlandiya Mirva Arvinen[21] 19 Helsinki
Pransiya Gisele Thierry[22] 21 Paris
Suwesya Suwesya Anita Åstrand[10] 21 Alingsas

 Mga tala[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 "Miss World". The Leader-Post (sa Ingles). 21 Oktubre 1955. p. 13. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  2. "Acclaimed 'Miss World'". The Central Queensland Herald (sa Ingles). 27 Oktubre 1955. p. 12. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng Trove.
  3. "Venezuelan beauty wins 'Miss World'". The Calgary Herald (sa Ingles). 22 Oktubre 1955. p. 7. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  4. Junttilan, Veli (6 Hunyo 2005). "Miss Eurooppa Suomesta". Turun Sanomat (sa Pinlandes). Nakuha noong 7 Enero 2022.
  5. "England asked to choose between two lovely lasses from Australia". Mirror (sa Ingles). 15 Oktubre 1955. p. 6. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng Trove.
  6. Andrews, Farah (17 Enero 2019). "Egyptian singer Dalida celebrated with Google Doodle". The National (sa Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2023.
  7. "On the Inside". Fairbanks Daily News-Miner (sa Ingles). 23 Setyembre 1955. p. 4. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng Newspapers.com.
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 "Susanna Djuim (uit Venezuela) Miss World" [Susanna Djuim (from Venezuela) Miss World]. Het vrije volk (sa Olandes). 21 Oktubre 1955. p. 1. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ng Delpher.
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 "Practice Makes Perfect". The Daily News (sa Ingles). 21 Oktubre 1955. p. 13. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng Trove.
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 10.5 10.6 10.7 10.8 "Susane Djuim (Venezuela) is de mooiste van '55" [Susane Djuim (Venezuela) is the most beautiful of '55]. Algemeen Dagblad (sa Olandes). 21 Oktubre 1955. p. 3. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ng Delpher.
  11. "Model will face judge". The Daily News (sa Ingles). 18 Oktubre 1955. p. 9. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng Trove.
  12. "Miss Austria wird seit 90 Jahren gewählt". Wien (sa Aleman). 27 Enero 2019. Nakuha noong 1 Enero 2023.
  13. "Miss 55: "J'ai hésité avant de venir"". La Dernière Heure (sa Pranses). 6 Abril 2009. Nakuha noong 23 Disyembre 2022.
  14. Roterman, Natalie (19 Hunyo 2016). "Susana Duijm Dead: First Latina To Ever Win Miss Mundo Passes At 79". Latin Times (sa Ingles). Nakuha noong 7 Oktubre 2022.
  15. "Arkansas girl almost Miss World". Pittsburgh Post-Gazette (sa Ingles). 21 Oktubre 1955. p. 36. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ng Google News Archive.
  16. "Miss England a mother". The Daily News (sa Ingles). 31 Oktubre 1955. p. 3. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng Trove.
  17. "Crowning glory". The Daily News (sa Ingles). 7 Disyembre 1955. p. 15. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng Trove.
  18. Gámez, Sabino (20 Agosto 2010). "Pastora Pagán, 55 años después de la hazaña". La Prensa (sa Kastila). Nakuha noong 10 Oktubre 2022.
  19. "Arna Hjörleifsdóttir fra Akureyri kjörin „Fegurðardrottning íslands"" [Arna Hjörleifsdóttir from Akureyri elected "Beauty Queen of Iceland"]. Fálkinn (sa Islandes). 19 Agosto 1955. p. 3. Nakuha noong 8 Enero 2023 – sa pamamagitan ng Tímarit.is.
  20. "Miss Holland". Het Parool (sa Olandes). 18 Oktubre 1955. p. 9. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ng Delpher.
  21. "The mystery of a miss". The Daily News (sa Ingles). 28 Oktubre 1955. p. 6. Nakuha noong 16 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ng Trove.
  22. "Wants to be "Miss World"". The Straits Times (sa Ingles). 18 Oktubre 1955. p. 10. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng National Library Board.

Panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang wikitext]