Miss World 1951
Miss World 1951 | |
---|---|
Petsa | 27 Hulyo 1951 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Lyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido |
Lumahok | 27 |
Placements | 5 |
Bagong sali |
|
Nanalo | Kiki Håkansson Suwesya |
Ang Miss World 1951 ay ang unang edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido. noong 27 Hulyo 1951.[1]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan si Kiki Håkansson ng Suwesya bilang Miss World 1951.[2][3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Suwesya, at ang kauna-unahang nagwagi bilang Miss World sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Laura Ellison-Davies ng Gran Britanya, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Doreen Dawne ng Gran Britanya. Si Håkansson ang katangi-tanging kampeon na kinoronahan habang suot ang isang bikini.[4]
Dalawampu't-pitong kandidata mula sa anim na bansa ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lokasyon at petsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong pagsapit ng dekada 1950s, nagsimulang bumangon ang Europa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at ang mga Ingles ay unti-unting bumalik sa normal. Sinimula ni Herbert Morrison, isang miyembro ng parlyamento ng Reyno Unido, ang pagpaplano sa Festival of Great Britain noong 1951 bilang paggunita sa sentenaryo ng 1851 Great Exhibition. Idinaos ang kaganapang ito sa Londres.[5]
Malapit sa pinangyarihan ng Festival of Great Britain ang Lyceum Ballroom na pagmamay-ari ng Mecca Dancing. Dahil sa lokasyon nito, inanyayahan ng mga organizer ng Festival of Great Britain ang Mecca Dancing upang tumulong sa kahit anong pamamaraan para sa kaganapan. Napag-isipan ni Eric Morley, noo'y publicity sales manager ng Mecca Dancing, na magsagawa ng isang pageant, na siyang tinanggap ng mga organizer ng Festival of Great Britain.[6] Unang itong tinawag na "Festival Bikini Contest", ngunit tinawag din itong "Miss World" dahil sa kaligiran ng kompetisyon.[7][8]
Pagpili ng mga kalahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dalawampu't-pitong kandidata mula sa pitong bansa ang lumahok sa edisyong ito. Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Dinamarka, Estados Unidos, Mehiko, Olanda, Pransiya, Reyno Unido, at Suwesya. Orihinal na may tatlumpung kandidata ang edisyong ito, ngunit nagpasya si Mary Akroyd at dalawa pang may-asawang babae na huwag sumipot dahil sa pagtutol ng kanilang asawa na ipakita ang kanilang sarili na nakasuot ng bikini sa harap ng ibang mga lalaki.
Mga resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pagkakalagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1951 | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
3rd runner-up |
|
4th runner-up |
|
Mga kandidata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dalawampu't-pitong kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Dinamarka | Lily Jacobson[9] | 18 | Copenhague |
Estados Unidos | Annette Gibson[10] | 20 | Louisville |
Gran Britanya | Aileen Chase[11] | 20 | Southwick |
Ann West[12] | 18 | Ilford | |
Brenda Mee[10] | 18 | Derby | |
Doreen Dawne[13] | 28 | Londres | |
Elaine Pryce | 22 | Bolton | |
Fay Cotton | 18 | East Midlands | |
Laura Ellison-Davies | 26 | Hammersmith | |
Margaret Morgan | 22 | West Kirby | |
Marlene Ann Dee | 19 | Weston Road | |
Maureen O'Neill | 19 | Palmers Green | |
Nina Way[10] | 21 | Edgware | |
Norma Kitchen | 21 | Leeds | |
Sidney June Walker[10] | 18 | Fleetwood | |
Sylvia Wren | 20 | Dagenham | |
Thelma Kerr | 19 | Belfast | |
Jean Sweeney | – | Liverpool | |
Jean Worthe | – | Teddington | |
Margaret Mills | – | Middleton | |
Margaret Turner | – | Birmingham | |
Mary McLaney | – | Clydebank | |
Pat Cameron | – | Glasgow | |
Mehiko | hindi pa natutukoy
| ||
Olanda | Margaret van Beer | – | Amsterdam |
Pransiya | Jacqueline Lemoine | 19 | Paris |
Suwesya | Kiki Håkansson | 22 | Estokolmo |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Eric Morley; British Entrepreneur Created Miss World Beauty Pageant". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 2000. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss World and her £1.000". The Straits Times (sa wikang Ingles). 6 Agosto 1951. p. 3. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "'Miss World' and runners-up". Singapore Standard (sa wikang Ingles). 4 Agosto 1951. p. 7. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Magnanti, Brooke (7 Hunyo 2013). "Miss World bikini ban: why it's no victory for feminists". The Telegraph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Festival of Britain 1951". The History Press (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cavendish, Richard (4 Abril 2001). "The First Miss World Contest". History Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss World beauty pageant gets rid of the swimwear round". BBC News (sa wikang Ingles). 19 Disyembre 2014. Nakuha noong 2 Marso 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Prideaux, Sophie (14 Pebrero 2023). "Miss World: A brief history, including controversies, criteria and famous winners". The National (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Great for the Danes!". The Austin American (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1951. p. 11. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 10.2 10.3 "Beauties seek 'Miss World' title". Toledo Blade (sa wikang Ingles). 28 Hulyo 1951. p. 2. Nakuha noong 2 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "At the movies". Singapore Standard (sa wikang Ingles). 2 Agosto 1951. p. 10. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World at its best". Daily News (sa wikang Ingles). 27 Hulyo 1951. p. 201. Nakuha noong 7 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kay, Richard (16 Agosto 2010). "Archbishop caught up in Miss GB row". Mail Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)