Miss World 1952

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1952
May-Louise Flodin, Miss World 1952
Petsa14 Nobyembre 1952
PresentersEric Morley
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
Lumahok11
Placements5
Bagong sali
NanaloMay-Louise Flodin
Suwesya Suwesya
← 1951
1953 →

Ang Miss World 1952 ay ang ikalawang edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong Nobyembre 14, 1952.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Kiki Håkansson ng Suwesya si May-Louise Flodin ng Suwesya bilang Miss World 1952. Ito ang ikalawang tagumpay ng Suwesya, at ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng kompetisyon na dalawang kandidata mula sa kaparehas na bansa ay magkasunod na nagwagi. Nagtapos bilang first runner-up si Sylvia Muller ng Suwisa, habang nagtapos bilang second runner-up si Vera Marks ng Alemanya.[1]

11 kandidata mula sa 10 bansa ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1952

Pagpili ng mga kalahok[baguhin | baguhin ang wikitext]

11 mga kalahok mula sa 10 bansa ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang inimbitahan upang kumatawan sa kanyang bansa.

Matapos isulong ang kompetisyon na may 12 kandidata, naisip ni Eric Morley na imbitahin si Miss Great Britain 1951, Marlene Ann Dee, upang makumpleto ang 12 kandidatang sasali para sa Miss World 1952. Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Alemanya, Irlanda, Pinlandiya, at Suwisa. Dapat din sanang kakalahok sa edisyong ito si Anne-Marie Pauwels ng Belhika,[2] subalit, pinilit ni Pauwels na samahan siya palagi ng kanyang kasintahan, na siyang hindi pinayagan ni Morley. Dahil dito, tinanggal ni Morley si Pauwels sa kompetisyon, na siyang dahilan upang maging 11 lamang ang bilang ng mga kandidata.

Mga resulta[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pagkakalagay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1952
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up

Mga kandidata[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1952 at ang kanilang mga pagkakalagay.

11 kandidata ang kumalahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Vera Marks[3] 19 Francfort del Meno
Denmark Dinamarka Lillian Christensen Copenhague
Estados Unidos Tally Richards[4] 24 Bagong York
United Kingdom Gran Britanya Doreen Dawne[5] 29 Londres
Marlene Ann Dee 20 Weston Road
Irlanda (bansa) Irlanda Eithne Dunne Dublin
Netherlands Olanda Sanny Weitner[6] Amsterdam
Finland Pinlandiya Eva Hellas[7] 19 Helsinki
Pransiya Nicole Drouin[6] 22 Paris
Suwesya Suwesya May-Louise Flodin 20 Gothenburg
Switzerland Suwisa Sylvia Müller 20 Geneva

Mga tala[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Bouquets". The Straits Times (sa Ingles). 22 Nobyembre 2022. p. 3. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng National Library Board.
  2. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2023.
  3. "Vera Marks". Der Spiegel (sa Aleman). 2 Oktubre 1951. ISSN 2195-1349. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
  4. "Untitled". Singapore Standard (sa Ingles). 12 Nobyembre 1952. p. 7. Nakuha noong 17 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng National Library Board.
  5. Kay, Richard (16 Agosto 2010). "Archbishop caught up in Miss GB row". Mail Online (sa Ingles). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
  6. 6.0 6.1 "There's beauty for you". The Straits Times (sa Ingles). 8 Nobyembre 1952. p. 3. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ng National Library Board.
  7. De Rybel, Seija (8 Setyembre 2006). "Eva Hellas, Miss Suomi 1952". Yle (sa Pinlandes). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.

Panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang wikitext]