Pumunta sa nilalaman

Miss World 1990

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1990
Gina Tolleson
Petsa8 Nobyembre 1990
Presenters
  • Peter Marshall
  • Michelle Rocca
Entertainment
  • Jason Donovan
  • Richard Clayderman
PinagdausanLondon Palladium, Londres, Reyno Unido
Brodkaster
  • E!
  • Thames Television
Lumahok81
Placements10
Bagong saliRumanya
Hindi sumali
  • Bermuda
  • Ekwador
  • Guyana
  • Malaysia
  • Republika ng Tsina
  • San Vicente at ang Granadinas
  • Uganda
Bumalik
  • Barbados
  • Brasil
  • Bulgarya
  • Ehipto
  • Indiya
  • Kapuluang Birheng Britaniko
  • Kapuluang Cook
  • Madagaskar
  • Urugway
NanaloGina Tolleson
Estados Unidos Estados Unidos
PhotogenicSharon Luengo
 Beneswela
PersonalitySabina Umeh
 Niherya
← 1989
1991 →

Ang Miss World 1990 ay ang ika-40 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa London Palladium, Londres, Reyno Unido noong 8 Nobyembre 1990. Muling isinahimpapawid ang kompetisyon sa Thames Television simula sa edisyong ito.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Aneta Kręglicka ng Polonya si Gina Tolleson ng Estados Unidos bilang Miss World 1990.[1] Ito ang pangalawang beses na nanalo ang Estados Unidos bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Siobhan McClafferty ng Irlanda, habang nagtapos bilang second runner-up si Sharon Luengo ng Beneswela.

Mga kandidata mula sa walumpu't-isang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall at Michelle Rocca ang kompetisyon. Nagtanghal sina Jason Donovan at Richard Clayderman sa edisyong ito.

London Palladium, ang lokasyon ng Miss World 1990

Lokasyon at petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Upang gunitain ang ika-apatnapung anibersaryo ng Miss World, inanunsyo ni Eric Morley na ibabalik ang kompetisyon sa Londres, kung saan unang ginanap ang Miss World. Naganap ang mga paunang aktibidad sa Noruwega, at naganap ang paunang kompetisyon at ang closed-door interviews sa Quality Hotel sa Noruwega.

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kandidata mula sa walumpu't-isang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at limang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.

Dapat sanang lalahok sa edisyong ito si Miss Finland 1990 Tiina Vierto,[2] subalit hindi ito tumuloy dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dahil dito, pinalitan siya ng kanyang first runner-up na si Nina Björkfelt. Dapat din sanang lalahok si Miss Spain 1989 Raquel Revuelta,[3] ngunit pinalitan siya ng kanyang first runner-up na si María del Carmen Carrasco bilang kinatawan ng Espanya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Rumanya sa edisyong ito. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Madagaskar na huling sumali noong 1974, Brasil na huling sumali noong 1987, at Barbados, Bulgarya, Ehipto, Indiya, Kapuluang Birheng Britaniko, Kapuluang Cook, at Urugway na huling sumali noong 1988.

Hindi sumali ang mga bansang Bermuda, Ekwador, Guyana, Malaysia, Republika ng Tsina, San Vicente at ang Granadinas, at Uganda sa edisyong ito. Hindi sumali sina Qiu Yong Tin ng Republika ng Tsina at Susan Bennett ng San Vicente at ang Granadinas dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali si Jessica Kyeyune ng Uganda dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali ang mga bansang Bermuda, Ekwador, Guyana, at Malaysia matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Noong Pebrero 1990, inanunsyo ni Julia Morley na pinapayagan na nila ulit ang partisipasyon ng Timog Aprika sa Miss World, dulot ng mga pagbabago na nangyari sa Timog Aprika tulad ng pagpapalaya kay Nelson Mandela. Dahil dito inaasahan ang partisipasyon ni Miss South Africa 1990 Suzette van der Merwe sa edisyong ito, ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, hindi ito nagpatuloy sa kompetisyon. Dapat din sanang lalahok si Muriel Edoukou ng Baybaying Garing[4], Liis Tappo ng Estonya, Lina Jamal Mita ng Libano, at Greta Bardavelyté ng Litwanya, ngunit hindi sila nagpatuloy sa kompetisyon dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1990 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1990
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kontinente Kandidata
Aprika
Asya at Oseaniya
Europa
Kaamerikahan
Karibe

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Personality

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga personal interview na naganap sa Noruwega. Lumahok sa swimsuit competition, evening gown competition at casual interview ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista, at kalaunan ay hinirang ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World mula sa pinagsamang resulta ng mga hurado sa Noruwega at Londres.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paunang kompetisyon (mga hurado sa Noruwega)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Terje Aass – Direktor ng Aass Brewery
  • Ann-Mari Albertsen – Noruwegong mamamahayag sa telebisyon
  • Jarle Johansen – Noruwegong negosyante
  • Thomas Ledin – Noruwegong mang-aawit
  • Knut Meiner – Noruwegong litratista
  • Ruth Moxnes – Noruwegang negosyante sa moda
  • Ingeborg Sorensen – Noruwegang modelo, first runner-up sa Miss World 1972

Final telecast (mga hurado sa Londres)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Rob Brandt – Direktor ng Walters International Computers
  • Josie Fonseca – Dirketor ng Models 1 Agency
  • Ralph Halpern – Tagapangulo ng Burton Group
  • Wilnelia Merced-Forsythe – Miss World 1975 mula sa Porto Riko
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Krish Naidoo – Pambansang direktor ng Irlanda sa Miss World
  • Kimberley Santos-Hill – Miss World 1980 mula sa Guam
  • Michael Ward – Direktor ng European Leisure

Tala: Ang mga hurado sa Noruwega ang nagsilbing ika-siyam na hurado para final telecast

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walumpu't-isang kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Christiane Stocker 23 Darmstadyo
Arhentina Arhentina Romina Rosales 19 Buenos Aires
Aruba Aruba Gwendolyne Kwidama 20 Sint Nicolaas
Australya Karina Brown 19 Sydney
Austria Austrya Carina Friedberger 20 Eisenerz
New Zealand Bagong Silandiya Adele Kenny 17 Murupara
Bahamas Bahamas Lisa Gizelle Strachan 19 Nassau
Barbados Barbados Cheryl Jean Brewster 22 Saint Philip
Belhika Belhika Katia Alens 23 Amberes
Belize Belis Ysela Antonia Zabaneh 20 Independence
Venezuela Beneswela Sharon Luengo 19 Maracaibo
Brazil Brasil Karla Cristina Kwiatkowski 20 Curitiba
Bulgaria Bulgarya Violeta Galabova 18 Sopiya
Bolivia Bulibya Daniela Domínguez 17 Tarija
Curaçao Curaçao Jacqueline Krijger[5] 23 Willemstad
Czechoslovakia Czechoslovakia Andrea Roskovcová 19 Benešov
Denmark Dinamarka Charlotte Christiansen 23 Copenhague
Egypt Ehipto Dalia El Behery 20 Cairo
El Salvador El Salvador María Elena Henríquez 20 San Salvador
Espanya Espanya María del Carmen Carrasco 22 Madrid
Estados Unidos Estados Unidos Gina Tolleson[6] 21 Charleston
Ghana Gana Dela Tamakloe 24 Accra
Greece Gresya Sophia Lafkioti 19 Atenas
Guam Guam Mary Esteban 22 Dededo
Guatemala Guwatemala María del Rosario Pérez 25 Lungsod ng Guatemala
Jamaica Hamayka Erica Aquart 20 Kingston
Hapon Hapon Tomoko Iwasaki 20 Shizuoka
Gibraltar Hibraltar Sarah Yeats[7] 18 Hibraltar
Honduras Honduras Claudia Bendaña 21 Tegucigalpa
Hong Kong Elaine da Silva 18 Sai Kung
India Indiya Naveeda Mehdi 18 Bombay
Irlanda (bansa) Irlanda Siobhan McClafferty[8] 20 Dublin
Israel Israel Ariela Tesler 18 Tel-Abib
Italya Italya Cristina Gavagnin 19 Trieste
Canada Kanada Natasha Palewandrem 22 Ottawa
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Suzanne Spencer 22 Tortola
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Keima Akintobi 17 St. Thomas
Cook Islands Kapuluang Cook Angela Manarang 23 Rarotonga
Cayman Islands Kapuluang Kayman Bethea Christian 17 Grand Cayman
Kenya Kenya Aisha Lieberg 19 Embu
Colombia Kolombya Angela Mariño 19 Bogotá
Costa Rica Kosta Rika Andrea Murillo 20 Heredia
Latvian Soviet Socialist Republic Letonya Velga Bražņevica 23 Riga
Luxembourg Luksemburgo Bea Jarzyńska 18 Lungsod ng Luksemburgo
Iceland Lupangyelo Ásta Sigríður Einarsdóttir 19 Garðabær
Madagascar Madagaskar Ellys Raza 20 Antananarivo
Makaw Alexandra Mendes 19 Makaw
Malta Malta Karen Demicoli 18 Żejtun
Mauritius Mawrisyo Marie Desirée Pitchen 23 Beau Bassin
Mexico Mehiko Luz María Mena 23 Mérida
South Africa Namibya Ronel Liebenberg 22 Windhoek
Niherya Niherya Sabina Umeh 21 Lagos
Norway Noruwega Ingeborg Kolseth 20 Hundorp
Netherlands Olanda Gabrielle Stap 21 Ang Haya
Panama Panama Madelaine Leignadier 20 Lungsod ng Panama
Papua New Guinea Papuwa Bagong Guniya Nellie Ban 23 Manus
Paraguay Paragway Alba María Cordero 21 Asunción
Peru Peru Gisselle Martínez 21 Lima
Pilipinas Pilipinas Antonette Ballesteros 23 Maynila
Finland Pinlandiya Nina Björkfelt 22 Turku
Poland Polonya Ewa Maria Szymczak 23 Varsovia
Puerto Rico Porto Riko Magdalena Pabón 23 San Juan
Portugal Portugal Filomena Marques 22 Lisboa
Pransiya Pransiya Gaëlle Voiry 21 Bordeaux
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Brenda Marte Lajara 21 Santo Domingo
United Kingdom Reyno Unido Helen Upton 19 Birmingham
Romania Rumanya Mihaela Raescu 22 Craiova
Singapore Singapura Karen Ng 17 Singapura
Sri Lanka Sri Lanka Angela Gunasekera 23 Colombo
Suwesya Suwesya Daniela Almen 19 Västerås
Switzerland Suwisa Priscilla Leimgruber 20 Bulle
Thailand Taylandiya Panida Umsaard 19 Bangkok
Timog Korea Timog Korea Go Hyun-jung 19 Seoul
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Guenevere Kelshall 22 Port of Spain
Chile Tsile María Isabel Jara 21 Santiago
Cyprus Tsipre Emilia Groutidou 18 Nicosia
Turkey Turkiya Jülide Ates[9] 19 Istanbul
Hungary Unggarya Kinga Czuczor 20 Budapest
Unyong Sobyet Unyong Sobyetiko Lauma Zemzare 19 Mosku
Uruguay Urugway María Carolina Casalia 19 Montevideo
Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia Yugoslavia Ivona Brnelić 18 Rijeka
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Miss U.S.A. wins Miss World contest". Logansport Pharos-Tribune (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 1990. p. 16. Nakuha noong 19 Setyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ennakkosuosikki Tiina Vierto valittiin Suomen kauneimmaksi" [Early favorite Tiina Vierto was chosen as the most beautiful in Finland]. Helsingin Sanomat (sa wikang Pinlandes). 9 Pebrero 1990. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Raquel Revuelta, Miss España 1989, recibe la Medalla de Sevilla" [Raquel Revuelta, Miss Spain 1989, receives the Seville Medal]. Diario de Navarra (sa wikang Kastila). 25 Setyembre 2020. Nakuha noong 4 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Palmarès Les différentes Miss Côte d'Ivoire de 1985 à 2012" [Prize list The different Miss Côte d'Ivoire from 1985 to 2012]. Abidjan.net News (sa wikang Pranses). Nakuha noong 27 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Jacqueline Krijger Miss Curaçao 1990". Amigoe (sa wikang Olandes). 3 Hulyo 1990. p. 15. Nakuha noong 6 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Miss Michigan new Miss USA". Austin American-Statesman (sa wikang Ingles). 3 Marso 1990. p. 24. Nakuha noong 31 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Stringer, Megan (14 Pebrero 2022). "Then and now". Gibraltar Panorama (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hulyo 2023. Nakuha noong 3 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Mackle, Marisa (19 Hunyo 2023). "Former Miss Ireland believes young children shouldn't enter beauty pageants". Irish Mirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Arda ile Omuz Omuza'nın bu haftaki konuğu Jülide Ateş kimdir?" [Who is Jülide Ateş, the guest of Arda and Omuz Omuza'nın this week?]. Hurriyet (sa wikang Turko). 14 Marso 2021. Nakuha noong 16 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]