Miss World 1953
Miss World 1953 | |
---|---|
Petsa | 19 Oktubre 1953 |
Presenters | Eric Morley |
Pinagdausan | Lyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido |
Lumahok | 15 |
Placements | 6 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali | Irlanda |
Nanalo | Denise Perrier Pransiya |
Ang Miss World 1953 ay ang ikatlong edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 19 Oktubre 1953.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni May-Louise Flodin ng Suwesya si Denise Perrier ng Pransiya bilang Miss World 1953.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Pransiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Alexandra Ladikou ng Gresya, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Marina Papaelia ng Ehipto.[3]
Mga kandidata mula sa labinlimang bansa ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagpili ng mga kalahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kalahok mula sa labinlimang bansa ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanyang kompetisyong pambansa, at dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dapat sanang kakatawan sa bansang Ehipto sa edisyong ito si Miss Egypt 1953 Antigone Costanda. Gayunpaman, dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Marina Papaelia. Kalaunan ay lumahok sa sumunod na edisyon si Costanda at nagwagi.[4][5]
Dahil pinili ni Miss France 1953 Sylviane Carpentier na huwag sumali sa Miss World o sa Miss Universe upang magpakasal, dalawang magkaibang kompetisyon ang isinagawa upang piliin ang kinatawan ng Pransiya para sa Miss World at Miss Universe. Ang Miss Cinémonde pageant ang naatasang pumili ng kandidata ng Pransiya sa Miss Universe, samantalang ang French Committee of Elegance ang naatasang pumili ng kandidata ng Pransiya sa Miss World.[6] Kalaunan ay napili si Denise Perrier bilang kinatawan ng Pransiya sa Miss World, habang napili si Christiane Martel bilang kinatawan ng Pransiya sa Miss Universe.[7] Parehong nagwagi ang dalawa sa kanilang sinalihang internasyonal na kompetisyon.[3][8]
Mga unang pagsali at pag-urong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Ceylon, Ehipto, Gresya, Israel, Monako, at Noruwega sa edisyong ito. Hindi sumali si Mary Murphy ng Irlanda sa edisyong ito dahil siya ay nagkasakit.
Dapat sanang lalahok sa edisyong ito si Sepia Degehet ng Belhika, ngunit ipinadala na lamang ng Miss Belgium si Degehet sa Miss Europe matapos ang pangyayaring idinulot ng kandidata ng Belhika noong nakaraang taon.[9][10] Hindi rin kumalahok si Marcella Mariani ng Italya matapos makatanggap ng alok para sa isang pelikula.[11] Dapat rin sanang lalahok sina Lore Felger ng Austrya Leyla Saroufin ng Libano, subalit hindi sila nakasali dahil sa kakulangan sa isponsor.[12]
Mga resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pagkakalagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1953 | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up | |
3rd runner-up |
|
4th runner-up |
|
Kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pormat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pumarada muna ang labing-isang kandidata suot ang kanilang evening gown sa harapan ng mga hurado. Pagkatapos ay pumarada naman ang labing-isang kandidata sa kanilang mga damit panlangoy. Pagkatapos ng pagrampa sa kanilang mga damit panlangoy, inanunsyo ni Eric Morley ang limang pinalista upang iparampa muli sa harapan ng mga hurado habang suot ang kanilang mga evening gown.[2][3]
Komite sa pagpili
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Cowan Dobson – Isang portrait artist mula sa Eskosya
- Charles Eade – direktor ng dyaryong Sunday Dispatch
- Margaret Lockwood – Ingles na aktres
- David Niven – Ingles na aktor
- M. Pireur – miyembro ng komite ng Miss Europe
- Godfrey Winn – Mamamahayag na Ingles
Mga kandidata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Labinlimang kandidata ang lumahok para sa titulo.[13]
Bansa | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Wilma Kanders[14] | 20 | Düsseldorf |
Ceylon | Manel Illangakoon[15] | 20 | Colombo |
Dinamarka | Ingrid Andersen | 21 | Copenhague |
Ehipto | Marina Papaelia[16] | 20 | Cairo |
Estados Unidos | Mary Kemp Griffin[17] | 23 | Los Angeles |
Gran Britanya | Brenda Mee[18] | 20 | Derby |
Gresya | Alexandra Ladikou | 20 | Kavala |
Israel | Havatzelet Dror[19] | 19 | Tel-Abib |
Monako | Elizabeth Chovisky[20] | 18 | Monako |
Noruwega | Solveig Gulbrandsen[21] | 23 | Oslo |
Olanda | Yvonne Meijer[22] | 20 | Haarlem |
Pinlandiya | Maija-Riitta Tuomaala[23] | 19 | Helsinki |
Pransiya | Denise Perrier[24] | 18 | Ambérieu-en-Bugey |
Suwesya | Ingrid Johansson | 18 | Estokolmo |
Suwisa | Odette Michel | 19 | – |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Denise, 18, elected 'Miss World'". The Straits Times (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1953. p. 2. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "She's Miss World". Daily News (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 1953. p. 74. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 "Paris cutie gains "Miss World" title". News-Press (sa wikang Ingles). 20 Oktubre 1953. p. 1. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Miss Egypt" is now "Miss World"". The Courier-Mail. Brisbane. 21 Oktubre 1954. p. 5. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Revenge at last' for beauty contest winner". The Courier-Mail (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1954. p. 5. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sylviane Carpentier, Miss France 1953, est décédée". Le Dauphine (sa wikang Pranses). 17 Oktubre 2017. Nakuha noong 22 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Cinema is niet mis!" [Miss Cinema is not wrong!]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 26 Hunyo 1953. p. 1. Nakuha noong 25 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New Miss Universe is a cute Parisian dish". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1953. p. 10. Nakuha noong 25 Disyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Op weg naar de titel "Miss Europa"" [On the way to the title “Miss Europe"]. Nieuw Utrechtsch dagblad (sa wikang Olandes). 1 Setyembre 1953. p. 5. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Veronese, Massimo (26 Agosto 2020). "Marcella Mariani, la tragica Miss Italia che perse la vita al posto della Loren". Il Giornale (sa wikang Italyano). Nakuha noong 22 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aspira al titolo di Miss Mondo" [Aspire to the title of Miss World]. La Stampa (sa wikang Italyano). 10 Hunyo 1953. p. 1. Nakuha noong 20 Abril 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Mondo Miss Mondo sarà scelta stasera in una sala di Londra" [Miss World Miss World will be chosen tonight in a hall in London]. La Stampa (sa wikang Italyano). 19 Oktubre 1953. p. 7. Nakuha noong 20 Abril 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SARA' LA PIÙ' BELLA?" [IT WILL BE THE MOST BEAUTIFUL]. La Nuova Stampa (sa wikang Italyano). 18 Oktubre 1953. p. 6. Nakuha noong 20 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng La Stampa.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mrs. Sri Lanka World 2020: Crowned, de-crowned & re-crowned". Daily Mirror (sa wikang Ingles). 7 Abril 2021. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Egypt peps things up with a bikini". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 1953. p. 2. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty aspires to 'cop' title". Pittsburgh Post-Gazette (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1953. p. 2. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "But—there's a chance for Miss Dee". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 24 Agosto 1953. p. 10. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Israel '53". The Jewish News of Northern California (sa wikang Ingles). 14 Agosto 1953. p. 4. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2022. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng The National Library of Israel.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Not Beautiful Enough!". Mirror (sa wikang Ingles). 23 Enero 1954. p. 8. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Concorrenti al titolo di Miss Mondo" [Contestants for the title of Miss World]. La Stampa (sa wikang Italyano). 15 Oktubre 1953. p. 3. Nakuha noong 20 Abril 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Miss Holland" naar Turkije" ["Miss Holland" to Turkey]. Nieuwe Tilburgsche courant (sa wikang Olandes). 29 Agosto 1953. p. 9. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ De Rybel, Seija (8 Setyembre 2006). "Maija-Riitta Tuomaala. Miss Suomi 1953". Yle (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 22 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jaegle, Yves (18 Agosto 2012). "C'est notre seule Miss Monde". Le Parisien (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2022. Nakuha noong 22 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)