Pumunta sa nilalaman

Miss World 1996

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1996
Petsa23 Nobyembre 1996
Presenters
  • Richard Steinmetz
  • Ruby Bhatia
PinagdausanM. Chinnaswamy Stadium, Bangalore, Indiya
Brodkaster
  • E!
  • Zee TV
Lumahok88
Placements10
Bagong sali
  • Bonaire
  • Bosnya at Hersegobina
  • Masedonya
Hindi sumali
  • Bahamas
  • Barbados
  • Bermuda
  • Kapuluang Kayman
  • Dinamarka
Bumalik
  • Grenada
  • Kenya
  • Uganda
  • Urugway
  • Yugoslavia
NanaloIrene Skliva
 Gresya
PersonalityDaisy Reyes
 Pilipinas
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanAnuska Prado
 Brasil
PhotogenicAna Cepinska
Venezuela Beneswela
← 1995
1997 →

Ang Miss World 1996 ay ang ika-46 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa M. Chinnaswamy Stadium, Bangalore, Indiya noong 23 Nobyembre 1996.[1][2]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Jacqueline Aguilera ng Beneswela si Irene Skliva ng Gresya bilang Miss World 1996. Ito ang unang beses na nanalo ang Gresya bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Carolina Arango ng Kolombya, habang nagtapos bilang second runner-up si Anuska Prado ng Brasil.

M. Chinnaswamy Stadium, ang lokasyon ng Miss World 1996

Lokasyon at petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkaroon ng kasunduan sina Amitabh Bachchan ang mga Morley upang idaos ang sa Indiya ang Miss World para sa susunod na tatlong taon noong Agosto 1996, tatlong buwan bago ang kompetisyon, matapos malaman ng Morley na mayroong kompanya si Bachchan na Amitabh Bachchan Corporation Limited o ABCL. Noong 27 Agosto, inanunsyo ng ABCL na magaganap ang kompetisyon sa Bangalore sa 23 Nobyembre. Magsisimula ang kompetisyon sa 3 Nobyembre kung saan darating ang lahat ng mga kandidata sa New Delhi, at mahahati ang mga kandidata sa limang grupo upang libutin ang buong Indiya hanggang sa 11 Nobyembre kung saan magtitipon-tipon muli ang mga kandidata sa lungsod ng Bangalore. Ginanapa ang parade of nations sa New Delhi sa Indiya at sa pulo ng Mahe sa Seykelas kung saan din ginanap ang swimsuit round.[3]

Nang malaman na magaganap ang edisyong ito sa Indiya, nagsimula ang mga demonstrasyon laban sa pagdaos ng kompetisyon at isang banta ng mga peminista na pumasok sa lokasyon ng kompetisyon at sunugin ang kanilang mga sarili bilang protesta sa kaganapan. Nagkaroon din ng mga demonstrasyon laban sa pagdaos ng kompetisyon dahil sa pagsalungat nito sa kultura ng Indiya.[4][5] Isang lalaki na rin ang nagpakamatay bilang protesta laban sa pagdaos ng kompetisyon sa Indiya. Gayunpaman, dahil sa suporta ng lokal na pamahalaan ng Bangalore, matagumpay na naisagawa ang kaganapan.

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-walong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Dapat sanang lalahok si Karina Guerra Manzo ng Ekwador sa edisyong ito na iniluklok ng Miss Ecuador, ngunit siya ay pinalitan ni Jennifer Graham dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dapat sanang lalahok si Miss Estonia 1996 Maie Jogar sa edisyong ito, ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ni Mari-Liis Kapustin, isa sa mga pinalista. Dapat sanang lalahok si Lilly Sein Martorell ng Porto Riko sa edisyong ito, ngunit pinalitan siya ni Marissa de la Caridad Hernández dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dapat din sanang lalahok si Claudia Teixeira ng Portugal sa edisyong ito, ngunit pinalitan siya ni Ana Mafalda Schaefer de Almeida dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dapat sanang lalahok si Miss Turkey 1996 Pinar Tezcan sa edisyon, ngunit dahil napagdesisyunan niyang hindi sumali sa kahit anong internasyonal na komeptisyon, siya ay pinalitan ni Serpil Sevilay Öztürk.

Mga unang pagsali, pagbalik at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Bonaire, Bosnya at Hersegobina, at Masedonya. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Grenada na huling sumali noong 1970; Yugoslavia na huling sumali noong 1991; Uganda at Urugway na huling sumali noong 1993; at Kenya na huling sumali noong 1994.

Hindi sumali sina Nicole Symonette ng Bahamas at Renee Rawlins dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali ang mga bansang Bermuda, Kapuluang Kayman, at Dinamarka matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1996 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1996
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kontinente Kandidata
Aprika
Asya at Oseaniya
Europa
Kaamerikahan
Karibe
  • Aruba Aruba – Afranina Henriquez

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Personality
Best National Costume

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng mga paunang aktibidad at mga personal interview. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Marlene Cardin – Pangulo at tagapagtatag ng Video Fashion
  • Parmeshwar Godrej – Pilantropong Indiyano, asawa ng Pangulo ng Godrej Group
  • Sanath Jayasurya – Tanyag na cricketer mula sa Sri Lanka
  • Aamir Khan – Indiyanong aktor
  • Ninibeth Leal – Miss World 1991 mula sa Beneswela
  • Vijay Mallya – Negosyanteng Indiyano
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Tom Nuyens – Mister World 1996 mula sa Belhika
  • Linda Pettursdóttir – Miss World 1985 mula sa Lupangyelo
  • Aishwarya RaiMiss World 1994 mula sa Indiya
  • Andre Sekulic – Ikalawang pangulo at direktor ng Mastercard sa Asya

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walumpu't-walong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Melanie Ernst 18 Baden-Württemberg
Arhentina Arhentina Fernanda Fernández 18 Buenos Aires
Aruba Aruba Afranina Henriquez 20 San Nicolaas
Australya Nicole Smith 24
Austria Austrya Bettina Buxbaumer 23
New Zealand Bagong Silandiya Kelly-Rose Mischiewski 21 Auckland
Bangladesh Bangglades Rehnuma Dilruba 20 Dhaka
Belhika Belhika Laurence Borremans 18 Waver
Venezuela Beneswela Ana Cepinska 18 Caracas
Bonaire Bonaire Jhane Landwier 18 Kralendijk
Bosnia at Herzegovina Bosnya at Hersegobina Belma Zvrko 18 Sarajevo
Botswana Botswana Joyce Manase 20 Gaborone
Brazil Brasil Anuska Prado 20 Governador Valadares
Bulgaria Bulgarya Viara Kamenova 21 Sofia
Bolivia Bulibya Andrea Forti 19 Tarija
Curaçao Curaçao Yandra Faulborn 19 Willemstad
Ecuador Ekwador Jennifer Graham 19 Guayaquil
Slovakia Eslobakya Linda Lenčová 18 Malacky
Slovenia Eslobenya Alenka Vindiš 18 Kicar
Espanya Espanya Patricia Ruiz 19 Cantabria
Estados Unidos Estados Unidos Kelly Webber 20 El Paso
Estonia Estonya Mari-Liis Kapustin 18 Paide
Ghana Gana Sheila Azuntaba 19 Accra
Greece Gresya Irene Skliva 18 Atenas
 Grenada Aria Johnson 25 St. George's
Guam Guam Aileen Maravilla 23 Agana
Guatemala Guwatemala María Gabriela Rosales 19 Zacapa
Jamaica Hamayka Selena Delgado 21 Kingston
Hapon Hapon Miyuki Fujii 21 Fukuoka
Gibraltar Hibraltar Samantha Lane 17 Hibraltar
Hong Kong Chillie Poon 24 Hong Kong
India Indiya Rani Jeyraj 21 Bangalore
Irlanda (bansa) Irlanda Niamh Redmond 19 Drimnagh
Israel Israel Talia Lewenthal 18 Haifa
Italya Italya Mara de Gennaro 24 San Severo
Canada Kanada Michelle Weswaldi 19 Ontario
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Ayana Glasgow 21 Tortola
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Emoliere Williams 18 Charlotte Amalie
 Kenya Pritpal Kulwant Dhamu 18 Mombasa
Colombia Kolombya Carolina Arango 19 Pereira
Costa Rica Kosta Rika Natalia Carvajal 21 Cartago
Croatia Kroasya Vanja Rupena 18 Zagreb
Latvia Letonya Anta Dukere 22 Riga
Lebanon Libano Nisrine Sami Nasser 22 Beirut
Lithuania Litwanya Daiva Anuzyte 18 Klaipėda
Makaw Guiomar Pedruco 21 Makaw
Malaysia Malaysia Qu-an How Cheok Kuan 20 Kuala Lumpur
Hilagang Macedonia Masedonya Vera Mesterovic 17 Skopje
Mexico Mehiko Yessica Salazar 22 Jalisco
Niherya Niherya Emma Komlosy 19 Abuja
Norway Noruwega Eva Sjøholt 24 Trøms
Netherlands Olanda Petra Hoost 20 Hilagang Olanda
Panama Panama Norma Élida Pérez 21 Lungsod ng Panama
Paraguay Paragway María Ingrid Götze 22 Asuncion
Peru Peru Mónica Chacón 21 Lungsod ng Lima
Pilipinas Pilipinas Daisy Reyes 20 Maynila
Finland Pinlandiya Hanna Hirvonen[6] 20 Turku
Poland Polonya Agnieszka Zielińska 20 Poznań
Puerto Rico Porto Riko Marissa de la Caridad Hernández 21 Guaynabo
Portugal Portugal Ana Mafalda Schaefer de Almeida 21 Lisboa
Pransiya Pransiya Séverine Derouallé 22 Paris
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Idelsa Núñez 21 Santo Domingo
Republikang Tseko Republikang Tseko Petra Minářová 18 Praga
United Kingdom Reyno Unido Rachael Warner 22 Sheffield
Romania Rumanya Carmen Radoi 21 Bucharest
Rusya Rusya Viktoriya Tsapitsina 17 Moscow
Zambia Sambia Alice Banda 21 Kalulushi
Seychelles Seykelas Christina Pillay 22 Victoria
Zimbabwe Simbabwe Nomsa Ndiweni 19 Harare
Singapore Singapura Carol Tan 19 Singapura
Eswatini Suwasilandiya Olive Healy 22 Mbabane
Suwesya Suwesya Åsa Johansson 20 Gothenburg
Switzerland Suwisa Melanie Winiger 17 Locarno
French Polynesia Tahiti Hinerava Hiro 18 Papeete
Tanzania Tansaniya Shose Sinare 20 Dar es Salaam
Thailand Taylandiya Sirinya Burbridge 17 Pattaya
Taiwan Taywan Chen Hsiao-Fen 23 Taipei
South Africa Timog Aprika Peggy-Sue Khumalo 21 Newcastle
Timog Korea Timog Korea Seol Soo-jin 21 Seoul
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Sharda Ramlogan 23 Port of Spain
Chile Tsile Luz Francisca Valenzuela 20 Santiago
Cyprus Tsipre Maria Papaprodromou 19 Nicosia
Turkey Turkiya Serpil Sevilay Öztürk 19 Istanbul
 Uganda Sheba Kerere 19 Kampala
Ukraine Ukranya Natalie Shvachko 20 Dnipropetrovsk
Hungary Unggarya Andrea Deak 19 Budapest
Uruguay Urugway Claudia Gallaretta 19 Montevideo
 Yugoslavia Slavica Krivokuća 18 Belgrado
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Talwar, Ramola (24 Nobyembre 1996). "Hundreds protest Miss World contest in India". Daily News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Prasad, Srinivasa (20 Nobyembre 1996). "Group threatens Miss World pageant". Ocala Star-Banner (sa wikang Ingles). pp. 17A. Nakuha noong 28 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Miss World swimsuit round to be held outside India". New Straits Times (sa wikang Ingles). 13 Oktubre 1996. p. 11. Nakuha noong 28 Hunyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pratap, Anita (22 Nobyembre 1996). "Indian police prepare for worst in beauty pageant clash". CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hulyo 2014. Nakuha noong 21 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Miss World contest draws flak in Bangalore". India Today (sa wikang Ingles). 31 Oktubre 1996. Nakuha noong 21 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Hanna Hirvosesta Suomen neito" [Hanna from Hirvose, Miss Finland]. Helsingin Sanomat (sa wikang Pinlandes). 29 Agosto 1996. Nakuha noong 28 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]