Pumunta sa nilalaman

Nikosya

Mga koordinado: 35°10′21″N 33°21′54″E / 35.1725°N 33.365°E / 35.1725; 33.365
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nicosia

Λευκωσία
big city, city in Cyprus, town divided by border
Watawat ng Nicosia
Watawat
Eskudo de armas ng Nicosia
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 35°10′21″N 33°21′54″E / 35.1725°N 33.365°E / 35.1725; 33.365
Bansa Tsipre
LokasyonDistrito ng Nicosia, Tsipre
Lawak
 • Kabuuan51.06 km2 (19.71 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2015)[1]
 • Kabuuan330,000
 • Kapal6,500/km2 (17,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+02:00
Websaythttps://www.nicosia.org.cy/

Ang Nicosia ( /ˌnɪkəˈsə/ NIK-ə-SEE; Griyego: Λευκωσία, romanisado: Lefkosía [lefkoˈsi.a]; Turko: Lefkoşa [lefˈkoʃa]; Armenyo: Նիկոսիա, romanisado: Nikosia) ay ang kabisera, pinakamalaking lungsod, at ang luklukan ng pamahalaan ng Tsipre. Matatagpuan ito malapit sa sentro ng kapatagang Mesaoria, sa pampang ng Ilog Pedieos.

Pinakatimog-silangan ang Nicosia sa lahat ng kapital na kasapi ng estado ng Unyong Europeo. Tuloy-tuloy itong pinaninirahan sa loob ng 4,500 taon at naging kabisera ng Tsipre noong pang ika-10 dantaon. Humiwalay ang mga pamayanang Nicosia na Griyegong Tsipriyota at Turkong Tsipriyota sa timog at hilaga ayon sa pagkakabanggit noong unang bahagi ng 1964, kasunod ng awayan noong krisis sa Tsipre ng 1963–64 na sumiklab sa lungsod. Naging militarisadong hangganan ang paghihiwalay na ito sa pagitan ng Republika ng Tsipre at Hilagang Tsipre pagkatpos sakupin ng Turkiya ang pulo ng Tsipre noong 1974, na sinasakop ang hilaga ng pulo, kabilang ang hilagang Nicosia. Ngayon, kabisera ang Hilagang Nicosia ng Hilagang Tsipre, isang estado na kinikilala ng Turkiya lamang, na tinuturing na sinakop na teritoryong Tsipriyota ng internasyunal na pamayanan.

Maliban sa lehislatibo at administratibong tungkulin nito, naitatag ng Nicosia ang sarili bilang ang kabiserang pananalapi ng pulo at ang pangunahing internasyunal na sentro ng negosyo.[2] Noong 2018, ang Nicosia ay ang ika-32 pinakamayamang lungsod sa mundo na may kaukulang kapangyarihan sa pagbili.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.mof.gov.cy/mof/cystat/statistics.nsf/populationcondition_21main_gr/populationcondition_21main_gr?OpenForm&sub=1&sel=2.
  2. Kempen, Ronald van; Vermeulen, Marcel; Baan, Ad (2005). Urban Issues and Urban Policies in the New EU Countries (sa wikang English). Ashgate. p. 207. ISBN 978-0-7546-4511-5.
  3. "World's richest cities by purchasing power". UBS. 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-03. Nakuha noong 30 Mayo 2018. Naka-arkibo 2018-12-26 sa Wayback Machine.