Nigeria

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Niherya)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Federal Republic of Nigeria
Pambansang Kasabihan: "Unity and Faith, Peace and Progress"
Pambansang Awit: Arise O Compatriots, Nigeria's Call Obey
Kabisera Abuja
9°10′N 7°10′E / 9.167°N 7.167°E / 9.167; 7.167
Pinakamalaking lungsod Lagos
Opisyal na wika Ingles
Pamahalaan Republikang Federal
 -  Pangulo Muhammadu Buhari (APC)
 -  Pangalawang Pangulo Yemi Osinbajo  ( - )
Kalayaan mula saKahariang Nagkakaisa 
 -  Inihayag at kinilala Oktubre 1 1960 
 -  Inihayag na Republika OKtubre 1 1963 
Lawak
 -  Kabuuan 923,768 km2 (31st)
356,667 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.4
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2005 133,530,000 (9th)
 -  Senso ng 2006 140,003,542 ( NOT APPROVED & preliminary)[1] 
 -  Kakapalan 145/km2 (71st)
374/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $175.5 billion (47th)
 -  Per capita $1,188 (Ika 164)
TKT (2006) Padron:Bumaba 0.448 (mababa) (Ika 159)
Salipi Naira (₦) (NGN)
Pook ng oras WAT (UTC+1)
 -  Tag-araw (DST) not observed (UTC+1)
Internet TLD .ng
Kodigong pantawag 234

Ang Republikang Pederal ng Nigeria (Internasyunal: Federal Republic of Nigeria) ay isang bansa sa Kanlurang Aprika. Ito ang pinakamataong bansa sa Aprika. Napapaligiran ng Benin sa kanluran, Chad at Cameroon sa silangan, Niger sa hilaga at ang Golpo ng Guinea sa timog.

Nigeria sat.png

Mga paghahating pampangasiwaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga pangunahing lungsod
Lungsod Populasyon
Lagos 8,048,430
Kano 2,828,861
Ibadan 2,559,853
Benin City 1,147,188
Port Harcourt 1,005,904

Nahahati ang Nigeria sa tatlumpu't-anim na mga estado at isang Pederal na Punong Teritoryo (Federal Capital Territory), na nahahati pa sa 774 mga Local Government Areas (o LGA). Sa ilang konteksto, ang mga estado ay isinama sa anim na mga sonang heopolitiko: North West, North East, North Central, South East, South South, at South West.[2][3]

Magmula noong 2006, may walong mga lungsod ang Nigeria na may populasyong higit sa isang milyong katao (mula pinakamalaki hanggang pinakamaliit: Lagos, Kano, Ibadan, Benin City at Port Harcourt. Ang Lagos ay ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, na may populasyong higit sa 12 milyon sa pook urbano nito.[4]

Isang mapipindot na mapa ng Nigeria na nagpapakita ng 36 mga estado nito at ng punong teritoryong pederal.
Niger Zinder Niamey Burkina Faso Benin Karagatang Atlantiko Cameroon Porto Novo Garoua Chad Chad Lawang Chad Abuja Estado ng Sokoto Estado ng Kebbi Estado ng Zamfara Estado ng Katsina Estado ng Jigawa Estado ng Yobe Estado ng Borno Estado ng Kano Estado ng Bauchi Estado ng Gombe Estado ng Adamawa Estado ng Plateau Estado ng Taraba Estado ng Kaduna Estado ng Nasarawa Estado ng Benue Estado ng Niger Estado ng Kwara Estado ng Oyo Estado ng Ogun Estado ng Lagos Estado ng Kogi Estado ng Osun Estado ng Ekiti Estado ng Ondo Estado ng Edo Estado ng Ebonyi Estado ng Delta Estado ng Bayelsa Estado ng Rivers Estado ng Imo Estado ng Abia Estado ng Cross River Pederal na Punong Teritoryo (Nigeria) Pederal na Punong Teritoryo (Nigeria) Estado ng Anambra Estado ng Anambra Estado ng Enugu Estado ng Enugu Estado ng Akwa Ibom Estado ng Akwa Ibom Port Harcourt Benin City Lagos Ibadan Kaduna Kano MaiduguriA clickable map of Nigeria exhibiting its 36 states and the federal capital territory.
Tungkol sa larawang ito
Mga estado
  1. Abia
  2. Adamawa
  3. Anambra
  4. Akwa Ibom
  5. Bauchi
  6. Bayelsa
  7. Benue
  8. Borno
  9. Cross River
  10. Delta
  11. Ebonyi
  12. Enugu
  1. Edo
  2. Ekiti
  3. Gombe
  4. Imo
  5. Jigawa
  6. Kaduna
  7. Kano
  8. Katsina
  9. Kebbi
  10. Kogi
  11. Kwara
  12. Lagos
  1. Nasarawa
  2. Niger
  3. Ogun
  4. Ondo
  5. Osun
  6. Oyo
  7. Plateau
  8. Rivers
  9. Sokoto
  10. Taraba
  11. Yobe
  12. Zamfara
Teritoryo
Pederal na Punong Teritoryo (FCT)

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Demograpiya ng Nigeria
Populasyon sa Niherya[5]
Year Populasyon
1971 55
1980 71
1990 95
2000 125
2004 138
2008 151

Dumami nang 57 milyon ang populasyon ng Nigeria mula 1990 hanggang 2008, isang 60% reyt ng paglago sa loob ng wala pa sa dalawang dekada.[5] Halos kalahati ng mga Niheryano ay 14 na taong gulang o pababa.[6] Ang Nigeria ay ang pinakamataong bansa sa Aprika at sumusuma sa mga 18% ng kabuuang populasyon ng kontinente; ngunit kung gaanong katao ay isang paksa ng mga haka-haka.[7]

Tinataya ng Mga Nagkakaisang Bansa (UN) na ang populasyon noong 2016 ay nasa 185,989,640[8], na nakabahagi bilang 51.7% rural at 48.3% urbano, at may kasamang kapal ng populasyon na 167.5 katao kada kilometrong kuwadrado. Matagal nang pinagtatalunan ang mga resulta ng pambansang senso sa mga nakalipas na ilang dekada. Inilabas ang mga resulta ng pinakahuling senso ay noong Disyembre 2006 at nagbigay ng pambansang populasyon na 140,003,542 katao. Ang tanging makukuhang pagsusuri ay sa kasarian: 71,709,859 katao sa kalalakihan at 68,293,683 sa kababaihan. Noong Hunyo 2012, winika ni Pangulong Goodluck Jonathan na dapat limitahan ng mga Niheryano ang bilang ng mga anak nila.[9]

Ayon sa UN, nasa ilalim na ang Nigeria ng biglang paglago ng populasyon at may isa sa mga pinakamataas na reyt ng paglago at pagkamayabong o pertilidad sa mundo. Batay sa kanilang mga pagtataya para sa hinaharap, isa ang Nigeria sa mga bansang inaasahan na kolektibong magsusuma sa kalahati ng kabuuang paglago ng populasyon sa mundo sa pagitan ng 2005 at 2050.[10] Pagsapit ng taong 2100 tinataya ng UN na ang populasyon ng bansa ay nasa pagitan ng 505 milyon at 1.03 bilyong katao (panggitnang pagtataya: 730 milyon).[11] Malaking pagkakaiba ito sa naging populasyon ng bansa noong 1950, na 33 milyong katao.[12]

Isa sa apat na mga Aprikano ay isang Niheryano.[13] Sa kasalukuyan, pampitong pinakamataong bansa sa mundo ang Nigeria. Ayon sa mga pagtataya noong 2006, 42.3% ng populasyon ay nasa 0–14 taong gulang, habang 54.6% ay nasa 15-65 taong gulang; kapansin-pansin na mas-mataas ang reyt ng kapanganakan kaysa sa reyt ng pagkamatay, na nasa 40.4 (reyt ng kapanganakan) at 16.9 (reyt ng kamatayan) kada 1000 katao.[14]

Pinakamalaking lungsod sa Nigeria ang Lagos, na lumago sa tinatayang 15 milyong katao[15] mula sa mga 300,000 katao noong 1950[16]


Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Nigeria: Census 2006 Puts Nigerians At 140 Million", allAfrica.com, 30 Disyembre, 2006
  2. "Constitution amendment: What the people want". 4 Nobyembre 2012. http://www.vanguardngr.com/2012/11/constitution-amendment-what-the-people-want/. Hinango noong 14 Disyembre 2012. 
  3. "Constitutional review: Nigeria needs broader representation". 6 Disyembre 2012. http://www.ngrguardiannews.com/index.php?option=com_content&view=article&id=106778:constitutional-review-nigeria-needs-broader-representation-&catid=203:youth-speak&Itemid=730. Hinango noong 14 Disyembre 2012. 
  4. Onuah, Felix (29 Disyembre 2006). "Nigeria gives census result, avoids risky details". Reuters. http://www.alertnet.org/thenews/newsdesk/L29819278.htm. Hinango noong 23 Nobyembre 2008. 
  5. 5.0 5.1 CO2 Emissions from Fuel Combustion Population 1971–2008 IEA pdf pp. 83–85
  6. "Young vs. Old". Rferl.org. http://www.rferl.org/contentinfographics/wolrd-bank-global-population-map/25451252.html. Hinango noong 28 Hulyo 2014. 
  7. "50 Things You Didn't Know About Africa". World Bank. http://www.saylor.org/site/wp-content/uploads/2012/05/polsc325-4.1-50-Things-you-didnt-know-about-Africa.pdf. Hinango noong 7 Mayo 2012. 
  8. "World Population Prospects: The 2017 Revision" (custom data acquired via website). United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. https://esa.un.org/unpd/wpp/DataQuery/. Hinango noong 10 September 2017. 
  9. "Nigerian President Goodluck Jonathan urges birth control". http://www.bbc.co.uk/news/world-africa-18610751. Hinango noong 2 Hulyo 2012. 
  10. "World Population TO INCREASE BY 2.6 BILLION OVER NEXT 45 YEARS, WITH ALL GROWTH OCCURRING IN LESS DEVELOPED REGIONS". UN. https://www.un.org/News/Press/docs/2005/pop918.doc.htm. Hinango noong 21 Nobyembre 2008. 
  11. "Population Division of the Department of Economic and Social Affairs of the United Nations Secretariat". UN. 2010. Sininop mula sa orihinal na pahina noong 11 Hunyo 2011. https://web.archive.org/web/20110611141930/http://esa.un.org/unpd/wpp/unpp/Panel_profiles.htm. Hinango noong 27 Mayo 2011. 
  12. Kent, Mary Mederios; Carl Haub (Disyembre 2005). "The Demographic Divide: What It Is and Why It Matters". Population Reference Bureau. http://www.prb.org/Articles/2005/TheDemographicDivideWhatItIsandWhyItMatters.aspx. Hinango noong 6 Hunyo 2011. 
  13. "What do you think of Nigeria?". BBC News. 16 June 2006. http://news.bbc.co.uk/2/hi/africa/5072244.stm. Hinango noong 5 Agosto 2008. 
  14. "Country Profile – Nigeria". United States Library of Congress – Federal Research Division. July 2008. http://lcweb2.loc.gov/frd/cs/profiles/Nigeria.pdf. Hinango noong 28 Mayo 2011. 
  15. "NIGERIA: Lagos, the mega-city of slums". Integrated Regional Information Networks. 5 September 2006. http://www.irinnews.org/Report.aspx?ReportId=60811. Hinango noong 7 Hunyo 2011. 
  16. McDonald, John F.; Daniel P. McMillen (2010). Urban Economics and Real Estate: Theory and Policy. Wiley Desktop Editions (2 ed.). John Wiley & Sons. p. 9. ISBN 978-0-470-59148-2. 
  17. "FEDERAL REPUBLIC OF NIGERIA : 2006 Population Census" (PDF). Web.archive.org. Sininop mula sa orihinal na pahina noong 5 Marso 2012. https://web.archive.org/web/20120305101910/http://www.nigerianstat.gov.ng/nbsapps/Connections/Pop2006.pdf. Hinango noong 25 Hulyo 2016. 



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.