Pumunta sa nilalaman

Kano

Mga koordinado: 12°00′N 8°31′E / 12.000°N 8.517°E / 12.000; 8.517
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kano
Kano mula sa Burol ng Dalla
Kano mula sa Burol ng Dalla
Kano is located in Nigeria
Kano
Kano
Mapa ng Nigeria na nagpapakita ng kinaroroonan ng Kano
Mga koordinado: 12°00′N 8°31′E / 12.000°N 8.517°E / 12.000; 8.517
Bansa Nigeria
EstadoKano
Pamahalaan
 • GobernadorAbdullahi Umar Ganduje (APC)
 • EmirMuhammadu Sanusi II
 • Tagapangulo ng Lokal na Pamahalaan ng Munisipyo ng KanoAlh. Sabo Muhammad Danatata
Lawak
 • Lungsod499 km2 (193 milya kuwadrado)
 • Urban
251 km2 (97 milya kuwadrado)
Taas
488 m (1,601 tal)
Populasyon
 (Senso 2006)
 • Lungsod2,828,861
 • Taya 
(2016)
3,931,300
 • RanggoPang-2
 • Kapal5,700/km2 (15,000/milya kuwadrado)
 • Urban
3,550,000
 • Densidad sa urban14,100/km2 (37,000/milya kuwadrado)
 [1]
Sona ng orasUTC+1 (WAT)
KlimaAw

Ang Kano ay ang kabisera ng Estado ng Kano sa Hilagang Kanluran, Nigeria. Ito ay matatagpuan sa heograpikong rehiyon ng Sahel sa timog ng Sahara. Ang Kano ay ang sentro ng komersiyo sa Hilagang Nigeria at ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa bansa. Unang sinaklaw ng Kano metropolis ang 137 kilometro kuwadrado (53 milyang kuwadrado) at binuo ng anim na mga pook ng lokal na pamahalaan o LGAsMunisipyo ng Kano, Fagge, Dala, Gwale, Tarauni at Nasarawa, ngunit saklaw na nito ngayon ang dalawang karagdagang mga LGA — Ungogo at Kumbotso. Ang kabuuang lawak ng Kalakhang Kano ngayon ay 499 kilometro kuwadrado (193 milya kuwadrado) at may populasyong 2,828,861 katao sang-ayon sa Senso 2006. Ang pinakahuling opisyal na pagtataya ng populasyon ay 3,931,300 katao noong 2016.

Ang pangunahing mga mamamayan ng lungsod ay ang mga Hausa. Subalit marami ang nagsasalita ng wikang Fulani. Tulad ng maraming mga bahagi ng hilagang Nigeria, ang wikang Hausa ay malawakang sinasalita sa Kano. Kabisera rin ang lungsod ng Emirato ng Kano. Ang kasalukuyang emir ay si Muhammadu Sanusi II, na iniluklok sa trono noong Hunyo 8, 2014 kasunod ng pagpanaw ni Alhaji Ado Bayero, ang ikalabintatlong emir ng Emirato ng Kano Emirate, noong Hunyo 6, 2014 (Biyernes). Nasa lungsod ang Paliparang Pandaigdig ng Mallam Aminu Kano, na siyang pangunahing paliparan na naglilingkod sa hilagang Nigeria, at ipinangalan mula sa politikong si Aminu Kano.

Ang Kano ay nasa 481 metro (1,578 talampakan) sa ibabaw ng lebel ng dagat. Ito ay nasa hilaga ng Talampas ng Jos sa rehiyon ng Sabanang Sudano na umaabot sa timog ng Sahel. Matatagpuan ang lungsod malapit sa tagpuan ng mga Ilog ng Kano at Challawa na dumadaloy mula timog-kanluran upang makabuo ng Ilog Hadejia, na dumadaloy pasilangan sa Lawa ng Chad.

Tinatampok ng Kano ang klimang tropikal na sabana. Nakararanas ang lungsod ng katamtaman na mga 980 mm (38.6 pul) ng pag-uulan kada taon, karamihan ay sa Hunyo hanggang Setyembre. Karaniwang napakainit ang Kano sa buong taon, bagamat kapansin-pansing mas-malamig mula Disyembre hanggang Pebrero. Malamig ang temperatura sa gabi tuwing mga buwan ng Disyembre, Enero at Pebrero, na may katamtamang mababang temperatura na 11 hanggang 15 °C (52 hanggang 59 °F)

Datos ng klima para sa Kano (1981–2010)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 29.0
(84.2)
32.4
(90.3)
36.4
(97.5)
39.1
(102.4)
37.1
(98.8)
35.4
(95.7)
32.0
(89.6)
30.9
(87.6)
32.3
(90.1)
34.5
(94.1)
33.1
(91.6)
29.9
(85.8)
33.5
(92.3)
Katamtamang baba °S (°P) 13.7
(56.7)
16.2
(61.2)
20.4
(68.7)
24.5
(76.1)
25.0
(77)
23.7
(74.7)
22.1
(71.8)
21.2
(70.2)
21.9
(71.4)
21.2
(70.2)
17.1
(62.8)
14.2
(57.6)
20.1
(68.2)
Katamtamang pag-ulan mm (pulgada) 0.0
(0)
0.3
(0.012)
1.0
(0.039)
14.1
(0.555)
57.3
(2.256)
132.5
(5.217)
281.0
(11.063)
323.9
(12.752)
155.8
(6.134)
14.1
(0.555)
0.0
(0)
0.0
(0)
980.0
(38.583)
Araw ng katamtamang pag-ulan (≥ 0.2 mm) 0 0 0 1 5 8 13 15 24 6 0 0 72
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) (at 15:00 LST) 17.0 13.2 13.2 19.1 29.5 44.5 58.9 63.6 55.0 30.1 18.1 17.4 31.6
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 244.9 232.4 238.7 234.0 263.5 261.0 229.4 220.1 240.0 266.6 264.0 260.4 2,955
Arawang tamtaman ng sikat ng araw 7.9 8.3 7.7 7.8 8.5 8.7 7.4 7.1 8.0 8.6 8.8 8.4 8.1
Sanggunian #1: World Meteorological Organization[2]
Sanggunian #2: NOAA (sun and relative humidity, 1961–1990)[3]
Historical population
TaonPop.±%
1992 (taya) 699,900—    
2006 (sen) 2,828,861+304.2%
2016 (taya) 3,931,300+39.0%
Pagtataya 1992:[4]

Ang Kano ay isang lungsod na pinangingibabaw ng mga lipi ng Hausa at Fulani. Pangunahing relihiyon ng lungsod ang Islam, at karamihan ay sumusunod sa Sunismo, bagamat may minoryang sumusunod sa sangay ng Shiismo. Ang mga Kristiyano at tagasunod ng ibang mga relihiyong hindi Muslim ay bumubuo sa maliit na bahagi ng populasyon at nakagisnang tumira sa Sabon Gari o ang Bagong Lungsod.[5] Pangkaraniwan ang diskriminasyon at karahasan laban sa mga Kristiyano. Sa isang insidente noong Hunyo 2016, tinaga hanggang sa mamatay ang isang babaeng Kristiyano na Igbo ng mga galit na kabataan dahil sa umano'y kalapastangan sa Propetang Muhammad.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Metro Kano". citypopulation.de. Nakuha noong 25 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "World Weather Information Service – Kano". World Meteorological Organization. Nakuha noong 7 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Kano Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong 7 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Compton's Encyclopedia & Fact-Index (Encyclopedia). Bol. 16. Estados Unidos: Compton's Learning Company, A Tribune Publishing Company. 1995. p. 313. ISBN 0-944262-02-3. LCCN 94-70149. {{cite book}}: no-break space character in |title-link= at position 10 (tulong); no-break space character in |title= at position 10 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Kano: Nigeria's ancient city-state". BBC online. BBC. 2004-05-20. Nakuha noong 2007-07-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Christian Woman Beheaded in Kano Over Blasphemy". thebreakingtimes.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-10-09. Nakuha noong 2019-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:EB9 Poster


  1. "FEDERAL REPUBLIC OF NIGERIA : 2006 Population Census" (PDF). Web.archive.org. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 5 Marso 2012. Nakuha noong 25 Hulyo 2016. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)