Pumunta sa nilalaman

Miss World 1959

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1959
Corine Rottschäfer
Petsa10 Nobyembre 1959
PresentersBob Russell
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
BrodkasterBBC
Lumahok37
Placements11
Bagong sali
  • Arhentina
  • Gana
  • Hamayka
  • Hawaii
  • Hibraltar
  • Hong Kong
  • Hordan
  • Indiya
  • Paragway
  • Peru
  • Porto Riko
  • Portugal
  • Rhodesia at Nyasaland
  • Timog Korea
  • Urugway
Hindi sumali
  • Beneswela
  • Moroko
  • Tunisya
  • Turkiya
Bumalik
  • Austrya
  • Honduras
  • Luksemburgo
  • Pinlandiya
NanaloCorine Rottschäfer
Netherlands Olanda
← 1958
1960 →

Ang Miss World 1959 ay ang ikasiyam na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido noong 10 Nobyembre 1959. Ito ang kauna-unahang edisyon na ipinalabas sa telebisyon sa pamamagitan ng BBC.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ng The Chief Barker ng Variety Club ng Gran Britanya si Corine Rottschäfer ng Olanda bilang Miss World 1959.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Olanda sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si María Elena Rossel ng Peru, habang nagtapos bilang second runner-up si Ziva Shomrat ng Israel.[3][4]

Mga kandidata mula sa tatlumpu't-pitong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Russell ang kompetisyon.[5]

Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1959

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa tatlumpu't-pitong mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process.

Nakatakdang lumahok sa edisyong ito si Miss Maple Leaf 1959 Irene Dobler bilang kinatawan ng Kanada.[6] Gayunpaman, bumitaw sa kanyang titulo si Dobler dalawang araw pagkatapos makoronahan dahil mas pinili nito maging asawa sa kanyang kasintahan imbis na maging Miss Maple Leaf. Siya ay pinalitan ng kaniyang first runner-up na si Huguette Demers. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Norway 1959 na si Berit Grundvig upang kumatawan sa kaniyang bansa matapos na bumitiw ang orihinal na nagwagi na si Jorunn Kristjansen matapos sumali sa Miss Universe. Dapat sanang lalahok si Miss Holland 1959 Peggy Erwich upang kumatawan sa kanyang bansa.[7] Gayunpaman, dahil sa mga komitment nito sa pagmomodelo, siya ay pinalitan ni Miss Holland 1957, Corine Rottschäfer.[8][9]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Arhentina, Gana, Hamayka, Hawaii, Hibraltar, Hong Kong, Hordan, Indiya, Paragway, Peru, Porto Riko, Portugal, Rhodesia at Nyasaland, Timog Korea, at Uruguay, at bumalik ang mga bansang Austrya, Honduras, Luksemburgo, at Pinlandiya. Huling sumali noong 1955 ang Honduras, at huling sumali noong 1957 ang Austrya, Luksemburgo, at Pinlandiya.

Hindi sumali ang mga bansang Beneswela, Moroko, Tunisya, at Turkiya sa edisyong ito. Hindi sumali ang Beneswela dahil sa kakuilangan sa interes. Hindi sumali sina Raymonde Valle ng Moroko at Figen Özgür ng Turkiya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali si Habiba Bent Abdallah ng Tunisya dahil sa kakulangan sa badyet.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1959 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1959
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 11

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semi-finalist sa edisyong ito ay itinaas sa labing-isa. Napili ang labing-isang semi-finalist sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competiton. Nakipanayam kay Bob Russell ang labing-isang semi-finalist at pumarada sa harapan ng mga hurado, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.[10]

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Oscar Santa María – Politikong Brasilenyo
  • John Spencer-Churchill – Duke ng Marlborough at pinsan ng dating Punong Ministro ng Reyno Unido na si Winston Churchill[2]
  • Lady Lydford – Mula sa mataas na lipunan ng Britanya
  • Reginald Cudlipp – Editor ng dyaryong News of the World
  • Jill Dorothy Ireland – Mangaawit at aktres na Inglesa
  • Godfrey Herbert Winn – Mamamahayag at aktor na Ingles
  • Taina Elisabeth Elg – Amerikanong aktres
  • Cynthia Oberholzer – Modelo mula sa Timog Aprika
  • Claude Berr – miyembro ng komite ng Miss Europe

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tatlumpu't-pitong kandidata ang lumahok para sa titulo.[11]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Helga Meyer 23 Biefeld
Arhentina Arhentina Amalia Scuffi[12] 17 Mar del Plata
Austria Austrya Helga Knofel 20
Belhika Belhika Diane Hidalgo[13] 19
Brazil Brasil Dione Oliveira[14] 18 Caruaru
Denmark Dinamarka Kirsten Olsen[15] 20 Frederiksberg
Estados Unidos Estados Unidos Loretta Powell[16] 24 Stratford
Ghana Gana Star Nyaniba Annan[17] 20 Accra
Greece Gresya Yakiathi Karaviti 20 Atenas
Jamaica Hamayka Sheila Chong[18] 24 Kingston
Hapon Hapon Chieko Ichinose[19] 18 Tokyo
Hawaii Hawaii Margaret Moani Keala Brumaghim[20] 26 Honolulu
Gibraltar Hibraltar Viola Howells[21] 23 Hibraltar
Honduras Rosemary Lefebre Tegucigalpa
Hong Kong Hong Kong Michelle Mok[22] 17 Hong Kong
Jordan Hordan Ufemia Jabaji 17 Haffa
India Indiya Fleur Ezekiel[23] 18
Irlanda (bansa) Irlanda Ann Fitzpatrick[24] 17 Dublin
Israel Israel Ziva Shomrat[25] 18 Haifa
Italya Italya Paola Falchi[26] 18 Latium
Canada Kanada Huguette Demers[27] 21 Montreal
Luxembourg Luksemburgo Josee Pundel 20 Lungsod ng Luksemburgo
Iceland Lupangyelo Sigurbjörg Sveinsdóttir[28] 18 Reikiavik
Norway Noruwega Berit Grundvig[15] 19 Oslo
Netherlands Olanda Corine Rottschäfer[29] 21 Amsterdam
Paraguay Paragway Elvira dos Santos 18 Asuncion
Peru Peru María Elena Rossel[30] 17 Piura
Finland Pinlandiya Margit Jaatinen[15] 19
Puerto Rico Porto Riko Lilie Díaz 19 San Juan
Portugal Portugal Maria Teresa Motoa Cardoso 18 Lisboa
Pransiya Pransiya Marie Hélène Trové[31] 19
United Kingdom Reyno Unido Anne Thelwell[32] 22 Heswall
Rhodesia at Nyasaland Vivien Lentin 17 Kitwe
Suwesya Suwesya Carola Håkonsson[15] 20
South Africa Timog Aprika Moya Meaker 18 Pretoria
Timog Korea Timog Korea Seo Jung-ae[33] 19 Busan
Uruguay Urugway Yvonne Kelly 25 Montevideo
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Miss World is chosen; losers wail". St. Petersburg Times (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1959. p. 1. Nakuha noong 23 Pebrero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Corinne Rottschaefer uit Amsterdam „Miss Wereld"" [Corinne Rottschaefer from Amsterdam "Miss World"]. Leeuwarder courant (sa wikang Olandes). 11 Nobyembre 1959. p. 7. Nakuha noong 20 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Corine is please 'padding' cry will help career". Lansing State Journal (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1959. p. 45. Nakuha noong 23 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "A Dutch treat". The Press Democrat (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1959. p. 44. Nakuha noong 23 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Corinne Rottschaefer (21) werd „Miss World"" [Corinne Rottschaefer (21) became "Miss World"]. Deventer dagblad (sa wikang Olandes). 11 Nobyembre 1959. p. 1. Nakuha noong 20 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Yields title". Chicago Tribune (sa wikang Ingles). 26 Setyembre 1959. p. 6. Nakuha noong 7 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Tweehonderd leeuwen in de leeuwenkuil zagen: Miss Holland 1959" [Saw two hundred lions in the lion's den: Miss Holland 1959]. Algemeen Handelsblad (sa wikang Olandes). 6 Mayo 1959. p. 11. Nakuha noong 19 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "En ook 1 uit velen Corinne" [And also 1 out of many Corinne]. Het Parool (sa wikang Olandes). 15 Agosto 1959. p. 5. Nakuha noong 19 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Roem" [Fame]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 6 Nobyembre 1959. p. 2. Nakuha noong 19 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.00 10.01 10.02 10.03 10.04 10.05 10.06 10.07 10.08 10.09 10.10 10.11 "Corine Rottschaefer (21) tot „Miss World" gekozen" [Dutch is “Miss World” Corinne Rottschafer nr. 1 in London]. Het Parool (sa wikang Olandes). 11 Nobyembre 1959. p. 1. Nakuha noong 20 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Dutch Girl "Miss World"". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1959. p. 28. Nakuha noong 6 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Fue Miss Argentina, inspiró una canción emblemática y por un escándalo no logró ser Miss Mundo". La Nacion (sa wikang Kastila). 1 Oktubre 2021. Nakuha noong 3 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Miss D.F. e a nova Miss Brasil". Jornal do Brasil (sa wikang Portuges). 22 Hunyo 1959. p. 1. Nakuha noong 7 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 "Untitled". The New York Age (sa wikang Ingles). 5 Disyembre 1959. p. 13. Nakuha noong 23 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Miss World 1959 Contestant Loretta Powell Allegedly Screwed Out of $1.9 Million Home". TMZ (sa wikang Ingles). 27 Disyembre 2018. Nakuha noong 7 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Crabbe, Nathaniel (8 Oktubre 2019). "Meet Star the 1st Miss Ghana queen of 1959 to represent Ghana at Miss World". Yen.com.gh (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Thomas, Marcia (12 Disyembre 2019). "Sheila Chong, Miss Jamaica 1959 - … The island's first entrant to Miss World 60 years ago". The Gleaner (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Caparas, Celso de Guzman (24 Enero 2016). "Other Miss U beauties at the Big Dome". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Air Line beauty wins isle title". Honolulu Star-Bulletin (sa wikang Ingles). 17 Oktubre 1959. p. 1. Nakuha noong 23 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Queens of beauty". Olive Press Gibraltar Newspaper (sa wikang Ingles). 22 Hunyo 2016. p. 10. Nakuha noong 4 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Issuu.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Student, 17, named HK Beauty Queen". The Straits Times (sa wikang Ingles). 11 Oktubre 1959. p. 5. Nakuha noong 3 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Aafreedi, Navras Jaat (25 Hunyo 2013). "The Jewish Beauty Queens of India". The Jewish Press (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Wie is de mooiste ter wereld" [Who is the most beautiful in the world?]. Het Parool (sa wikang Olandes). 7 Nobyembre 1959. p. 1. Nakuha noong 19 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Miss Israel to wed student". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 30 Nobyembre 1959. p. 10. Nakuha noong 3 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Violenta baruffa tra i giudici per relezione di Miss Italia". Stampa Sera (sa wikang Italyano). 6 Oktubre 1958. p. 3. Nakuha noong 7 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Archivio La Stampa.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Hart, Daniel (15 Abril 2019). "Une Bouchervilloise défendra les couleurs du Québec au concours Miss World Canada" [A Bouchervilloise will defend the colors of Quebec at the Miss World Canada contest]. La Relève (sa wikang Pranses). Nakuha noong 19 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Sigurbjörg Sveinsdóttir varð nr. 4 í fegurðarsamkeppninni í Tívolí í haust" [Sigurbjörg Sveinsdóttir became no. 4 in the beauty contest in Tivoli this fall.]. Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 11 Nobyembre 1959. p. 9. Nakuha noong 19 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Zijl, Frank van (24 Setyembre 2020). "Corine Spier-Rottschäfer (1938-2020): van eerste Nederlandse Miss World tot zakenvrouw". de Volkskrant (sa wikang Olandes). Nakuha noong 3 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Nuestras reinas más bellas desde Gladys Zender a Laura Spoya". El Comercio (sa wikang Kastila). 22 Disyembre 2015. Nakuha noong 7 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Mathieu, Clément (24 Nobyembre 2019). "Dans les archives de Match - En 1959, "le dur métier d'être la plus belle femme du monde"" [In the archives of Match - In 1959, "the hard job of being the most beautiful woman in the world"]. Paris Match (sa wikang Pranses). Nakuha noong 19 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Miss United Kingdom". The Tampa Tribune (sa wikang Ingles). 15 Setyembre 1959. p. 6. Nakuha noong 23 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "「미스」경남에 「서정애」양" [Miss Gyeongnam Seo Jung-ae]. Busan Ilbo (sa wikang Koreano). 19 Abril 1959. Nakuha noong 3 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]