Belise
Belize | |
---|---|
![]() | |
Kabisera | Belmopan |
Pinakamalaking lungsod | Lungsod ng Belize |
Wikang opisyal | Ingles |
Pamahalaan | Parlamentaryong demokrasya |
• Monarka | Charles III |
Froyla Tzalam | |
Johnny Briceño | |
Kalayaan mula sa UK | |
• Petsa | 21 Setyembre 1981 |
Lawak | |
• Kabuuan | 22,966 km2 (8,867 mi kuw) (ika-146) |
• Katubigan (%) | 0.7 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa Hulyo 2006 | 287,730 (ika-179**) |
• Densidad | 12.5/km2 (32.4/mi kuw) (ika-171**) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2004 |
• Kabuuan | $1.778 bilyon (ika-185) |
• Bawat kapita | $7,832 (taya ng 2005) (ika-77) |
TKP (2003) | 0.753 mataas · ika-91 |
Salapi | dolyar (BZD) |
Sona ng oras | UTC-6 |
Kodigong pantelepono | 501 |
Kodigo sa ISO 3166 | BZ |
Internet TLD | .bz |
** Ang ranggo ay ayon sa pigura ng 2005. |

Ang Belize[1] ay isang maliit na bansa sa silangang pampang ng Gitnang Amerika, na matatagpuan sa Dagat Karibe at napapaligiran ng Mexico sa hilagang-kanluran at Guatemala sa kanluran at timog. Isang parlamentong demokrasya at monarkiyang konstitusyunal ang bansa na kinikilala si Charles III bilang Soberenya. Honduras ang pinakamalapit na bansa sa silangan, mga 75 km (47 milya) ang layo sa ibayo ng Golpo ng Honduras. Hinango ang pangalan mula sa Ilog Belize na pinagbatayan din sa pangalan ng Lungsod Belize, ang dating kapital at ang pinakamalaking lungsod. Madalas na tawagin itong Belice sa Kastila. Sa mahagit isang siglo, naging kolonya ng mga Briton, nakilala bilang British Honduras, hanggang 1973 at naging malayang bansa noong 1981. Kasapi ang Belize sa Caribbean Community (CARICOM) at Sistema de Integracion Centro Americana (SICA) at tinituring ang sarili bilang parehong taga-Caribbean at taga-Gitnang Amerika.
Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Maaring baybayin na Belis kung susundin ang lumang ortograpiyang Tagalog. Panganiban, Jose Villa. (1969). "Belis". Concise English-Tagalog Dictionary.
Mga bansa sa Gitnang Amerika |
---|
Belize | Costa Rica | El Salvador | Guatemala | Honduras | Nicaragua | Panama |
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.