Karibe
Mapa ng rehiyon ng Karibe ng Kaamerikahan | |
| Sukat | 239,681 km2 (92,541 mi kuw) |
|---|---|
| Populasyon | 44,182,048 [1][2] |
| Densidad ng populasyon | 151.5/km2 (392/mi kuw) |
| Mga pangkat etniko | Apro-Karibe Indo-Karibe at ibang Asyanong Karibe Puting Karibe Mestisong Karibe Katutubong Karibe |
| Mga relihiyon |
|
| Pantawag | Karibe, Kanlurang Indiyas |
| Mga bansa | |
| Mga sona ng oras | UTC−05:00 hanggang UTC−04:00 |
| Internet TLD | Marami |
| Kodigo sa pagtawag | Marami |
| Mga malalaking lungsod | Pinakamamalaking lungsod
|
| UN M49 code | 029 – Karibe419 003 – Hilagang Amerika, Amerikang Latino at ang Karibe019 – Kaamerikahan001 – Mundo |
Ang Karibe ay isang rehiyong heopolitikal sa gitna ng Kaamerikahan na nakasentro sa paligid ng Dagat Karibe sa Hilagang Karagatang Atlantiko, at sa malaking bahagi ay sumasaklaw sa Kanlurang Indiyas. Napapaligiran ito ng Hilagang Amerika sa hilaga at sa kanluran sa pamamagitan ng Gitnang Amerika, at ng Timog Amerika sa timog. Binubuo ito ng maraming pulo, cay o kayo (maliliit at mabababang pulo), munting pulo, bahura, at mga bank (mababaw na nakaangat na bahagi ng ilalim ng dagat).
Kabilang dito ang Kapuluang Lucayan, Malalaking Antilyas, at Maliliit na Antilyas ng Kanlurang Indiyas; ang mga pulo ng Quintana Roo at Belise sa Tangway ng Yucatán; at ang Kapuluang Bay, mga Kayo ng Miskito, Kapuluan ng San Andrés, Providencia at Santa Catalina, Kapuluang Corn, at Kapuluang San Blas ng Gitnang Amerika. Kabilang din dito ang mga baybaying lugar sa kontinental na kalupaan ng mga Amerika na nasa hangganan ng rehiyon, mula sa Tangway ng Yucatán sa Hilagang Amerika, dumaraan sa Gitnang Amerika, hanggang sa Guianas sa Timog Amerika.[4][5]
Pangkalahatang-ideya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang rehiyon sa malaking bahagi sa ibabaw ng Platong Karibe, at binubuo ito ng libu-libong pulo, munting pulo, bahura, at mga kayo.[6] Binubuo ng mga arkong pulo ang hilaga at silangang hangganan ng Dagat Karibe: ang Malalaking Antilyas sa hilaga at ang Maliliit na Antilyas, na kinabibilangan ng Kapuluang Leeward, Kapuluang Windward, at Antiyas na Leeward , sa silangan at timog. Ang kalapit na Kapuluang Lucayan sa hilagang-kanluran, na binubuo ng Bahamas at Kapuluang Turcas at Caicos, at ang pulo ng Barbados sa Maliliit na Antilyas, ay itinuturing na bahagi ng Karibe kahit hindi nakahanggan sa Dagat Karibe. Ang lahat ng mga pulo sa Antilyas, kabilang ang Kapuluang Lucayan, ay bumubuo sa Kanlurang Indiyas, isang katawagang kadalasang napagpapalit ang gamit sa Karibe. Ang Kapuluan ng Bermuda ay hindi bahagi ng Karibe sapagkat matatagpuan ito sa Dagat Sargasso sa hilaga, subalit isa itong kasaping kaugnay ng Pamayanang Karibe (Caribbean Community o CARICOM).[7][8]
Sa kontinental na kalupaan ng mga Amerika, ang mga baybayin ng Mehiko, Gitnang Amerika, at Timog Amerika na nakaharap sa Karibe, kabilang ang Tangway ng Yucatán sa Mehiko, Departamento ng Kapuluang Bay sa Honduras, ang rehiyong Mosquitia, ang Cartagena at Barranquilla sa Kolombiya, at ang Maracaibo at Cumaná sa Benesuwela, ay itinuturing na bahagi ng Karibe.[9] Gayundin, ang mga baybaying lugar ng Guyana, Surinam, at Pranses na Guyana, bagaman hindi nakahanggan sa Dagat Karibe, ay kadalasang ganap na isinasama sa Karibe dahil sa kanilang matibay na ugnayang pampolitika at pangkultura sa rehiyon.
Sa heopolitika, ang mga pulo ng Karibe ay karaniwang itinuturing na isang subrehiyon ng Hilagang Amerika, bagaman kung minsan ay isinasama ang mga ito sa Gitnang Amerika, o kaya ay itinuturing na isang hiwalay na subrehiyon.[10][11] Kung minsan, itinuturing din ang Karibe at Gitnang Amerika bilang magkakaugnay na rehiyon.[12]
Sa pangkalahatan, nahahati ang rehiyon ng Karibe sa 33 entidad na pampolitika, kabilang ang 13 nagsasariling estado, 12 dependensiya, 7 teritoryo sa ibayong-dagat, at iba't ibang pinagtatalunang teritoryo. Mula Disyembre 15, 1954 hanggang Oktubre 10, 2010, umiral ang isang teritoryong tinatawag na Antilyas ng Olanda, na binubuo ng limang pulo na pawang mga dependensiya ng Olanda.[13] Mula Enero 3, 1958 hanggang Mayo 31, 1962, umiral din ang isang panandaliang unyong pampolitika na tinatawag na Pederasyon ng Kanlurang Indiyas ng Britanya, na binubuo ng sampung teritoryong nagsasalita ng Ingles sa Karibe, na pawang mga dependensiya noon ng Britanya.
Ang makabagong Karibe ay isa sa mga rehiyong may pinakamataas na pagkakaiba-iba ng mga pangkat-etniko sa daigdig. Bunga ito ng kolonisasyong Europeo ng mga Espanyol, Ingles, Olandes, at Pranses; ng kalakalang alipin sa Atlantiko mula sa Aprika; ng sistema ng kontratang paggawa mula sa subkontinenteng Indiyo at Silangang Asya; gayundin ng makabagong imigrasyon mula sa iba't ibang panig ng daigdig.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hinango ng rehiyon ang pangalan nito mula sa mga Karibe (Kalinago), isang pangkat-etnikong Katutubong Amerikano na dating nanirahan sa Maliliit na Antilyas at sa mga bahagi ng karatig na Timog Amerika. Ang mga kolonyalistang Espanyol ang nagbigay ng pangalang ito sa rehiyon noong panahon ng pananakop ng mga Europeo sa mga Amerika.[14][15]
Kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang salitang Karibe ay may maraming gamit. Ang pangunahing mga gamit nito ay heograpikal at pampolitika. Maaari ring palawakin ang saklaw ng Karibe upang isama ang mga teritoryong may matibay na ugnayang pangkultura at pangkasaysayan sa Aprika, pang-aalipin, kolonisasyong Europeo, at sistemang plantasyon.
- Sa heoskema ng Mga Nagkakaisang Bansa para sa mga Amerika, itinuturing ang Karibe bilang isang natatanging rehiyon sa loob ng mga Amerika.
- Sa pisyograpiya, ang rehiyon ng Karibe ay pangunahing binubuo ng isang hanay ng mga pulo na pumapalibot sa Dagat Karibe. Sa hilaga, ang rehiyon ay napapaligiran ng Golpo ng Mehiko, Kipot ng Florida, at ng Hilagang Karagatang Atlantiko, na nasa silangan at hilagang-silangan. Sa timog naman ay matatagpuan ang baybayin ng kontinente ng Timog Amerika.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkakaiba-iba ang heograpiya at klima ng rehiyon ng Karibe. Ang ilang mga pulo sa rehiyon ay may relatibong patag na kalupaang hindi nagmula sa bulkan. Kabilang dito ang Aruba (na may ilang maliit na katangiang bulkaniko), Curaçao, Barbados, Bonaire, Kapuluang Cayman, Santa Cruz, Bahamas, at Antigua. Samantala, ang iba ay may matatarik at matataas na kabundukan, gaya ng mga pulo ng San Martin, Cuba, Hispaniola, Puerto Rico, Jamaica, Dominica, Montserrat, Saba, San Eustaquio, San Cristobal, Santa Lucia, Santo Tomas, San Juan, Tortola, Grenada, San Vicente, Guadalupe, Martinika, at Trinidad at Tobago.
Nagkakaiba-iba ang mga kahulugan ng mga katawagang Malalaking Antilyas at Maliliit na Antilyas. Bilang bahagi ng Bank ng Puerto Rico at ng mikroplatong Puerto Rico-Kapuluang Birhen, kung minsan ay isinasama ang Kapuluang Birhen sa Malalaking Antilyas. Madalas namang gamitin ang katawagang Maliliit na Antilyas upang tukuyin ang isang arkong pulo na kinabibilangan ng Grenada subalit hindi kasama ang Trinidad at Tobago at ang Antilyas ng Leeward.
Ang mga katubigan ng Dagat Karibe ay tahanan ng malalaking pangkat ng mga isdang naglilipat-lipat, mga pagong-dagat, at mga pormasyon ng mga bahurang korales. Ang Lambak Puerto Rico, na matatagpuan sa hangganan ng Karagatang Atlantiko at Dagat Karibe, sa hilaga lamang ng pulo ng Puerto Rico, ang pinakamalalim na bahagi ng buong Karagatang Atlantiko.[16]
Matatagpuan ang rehiyon sa kahabaan ng ilang mahahalagang rutang pandagat, kung saan pinagdurugtong ng Kanal ng Panama ang kanlurang bahagi ng Dagat Karibe at ang Karagatang Pasipiko.
Mga pangkat ng pulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kapuluang Lucayan
Malalaking Antilyas
- Cuba
- Kapuluang Cayman (Reyno Unido)
- Jamaica
- Hispaniola
- Puerto Rico (Komonwelt ng Estados Unidos)
- Kapuluang Birheng Espanyol
- Pulo ng Navassa
Maliliit na Antilyas
Kapuluang Leeward
- Kapuluang Birhen ng Estados Unidos (Estados Unidos)
- Santa Cruz
- Santo Tomas
- San Juan
- Pulo ng Water
- Kapuluang Birhen ng Britanya (Reyna Unido)
- Tortola
- Virgin Gorda
- Anegada
- Jost Van Dyke
- Anguila (Reyno Unido)
- San Martin, na nahahati sa dalawang nasasakupang pampolitika:
- San Martin (Pransiya)
- Sint Maarten (Kaharian ng Olanda)
- San Batolome (Pranses na Antilyas, Pransiya)
- Antigua at Barbuda
- Antigua
- Barbuda
- Redonda
- Saba (Karibeng Olandes, Olanda)
- San Eustaquio (Karibeng Olandes, Olanda)
- San Cristobal at Nieves
- San Cristobal
- Nieves
- Montserrat (Reyno Unido)
- Guadalupe (Pranses na Antilyas, Pransiya), kabilang ang:
- Les Saintes
- Marie-Galante
- La Désirade
Kapuluang Windward
- Dominica
- Martinique (Pranses na Antilyas, Pransiya)
- Santa Lucia
- San Vicente at ang Granadinas
- San Vicente
- Ang Grenadines
- Barbados
- Grenada
- Grenada
- Carriacou at Petite Martinique
- Trinidad at Tobago
- Tobago
- Trinidad
Antilyas ng Leeward
- Aruba (Kaharian ng Olanda)
- Curaçao (Kaharian ng Olanda)
- Bonaire (Karibeng Olandes, Olanda)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "World Population Prospects 2022". population.un.org. United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong 17 Hulyo 2022.
- ↑ "World Population Prospects 2022: Demographic indicators by region, subregion and country, annually for 1950-2100" [World Population Prospects 2022: Mga panukoy pang-demograpiko batay sa rehiyon, subrehiyon, at bansa, taunan mula 1950-2100] (XSLX). population.un.org ("Kabuuang populasyon, tumpak noong ika-1 ng Hulyo (libo)") (sa wikang Ingles). United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong July 17, 2022.
- ↑ Johnson, Todd M.; Crossing, Peter F. (14 Oktubre 2022). "Religions by Continent". Journal of Religion and Demography (sa wikang Ingles). 9 (1–2): 91–110. doi:10.1163/2589742x-bja10013.
- ↑ Engerman, Stanley L. (2000). "A Population History of the Caribbean". Mula sa Haines, Michael R.; Steckel, Richard Hall (mga pat.). A Population History of North America (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 483–528. ISBN 978-0-521-49666-7. OCLC 41118518.
- ↑ Hillman, Richard S.; D'Agostino, Thomas J., mga pat. (2003). Understanding the contemporary Caribbean (sa wikang Ingles). London, UK: Lynne Rienner. ISBN 978-1588266637. OCLC 300280211.
- ↑ Rogoziński, Jan (1999). A Brief History of the Caribbean (sa wikang Ingles) (ika-Binago (na) labas). New York: Facts on File, Inc. pp. 3–4. ISBN 0-8160-3811-2. Nakuha noong 15 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Internet Archive.
- ↑ "Bermuda Government after General Election of October 1 2020". bermuda-online.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-02. Nakuha noong 2024-10-17.
- ↑ Jacobs, Stevenson (2003-07-03). "Premier signs Caricom deal". royalgazette.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-17.
- ↑ Higman, B. W. (2011). A Concise History of the Caribbean (sa wikang Ingles). Cambridge: Cambridge University Press. p. xi. ISBN 978-0521043489.
- ↑ "North America" Naka-arkibo 2015-05-03 sa Wayback Machine.. Britannica Concise Encyclopedia; "associated with the continent is Greenland, the largest island in the world, and such offshore groups as the Arctic Archipelago, the Bahamas, the Greater and Lesser Antilles, the Queen Charlotte Islands, and the Aleutian Islands", but also "North America is bounded ... on the south by the Caribbean Sea", and "according to some authorities, North America begins not at the Isthmus of Panama but at the narrows of Tehuantepec". (sa Ingles)
- ↑ "CIA - The World Factbook -- World". www.cia.gov (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-12. Nakuha noong 2026-07-06.
- ↑ "UNESCO LAC | United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization". UNESCO (sa wikang Ingles). 2022-04-09. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-04-09. Nakuha noong 2024-11-09.
- ↑ "The joy of six". The Economist (sa wikang Ingles). ISSN 0013-0613. Nakuha noong 2026-07-06.
- ↑ "Carib". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Abril 2008. Nakuha noong 20 Pebrero 2008.
inhabited the Lesser Antilles and parts of the neighbouring South American coast at the time of the Spanish conquest.
- ↑ Barzey, Ursula Petula (2023-07-11). "10 Facts About The Caribbean Region You May Not Know". Caribbean & Co. (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-17.
- ↑ ten Brink, Uri. "Puerto Rico Trench 2003: Cruise Summary Results" (sa wikang Ingles). National Oceanic and Atmospheric Administration. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2013. Nakuha noong 21 Pebrero 2008.