Pumunta sa nilalaman

Zambia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sambia)
Republika ng Zambia
Watawat ng Zambia
Watawat
Eskudo ng Zambia
Eskudo
Salawikain: "One Zambia, One Nation" (Isang Zambia, Isang Bansa)
Awiting Pambansa: "Stand and Sing of Zambia, Proud and Free" (Tumayo at Umawit ng Zambia, Kapuri-puri at Malaya)
Location of Zambia
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Lusaka
15°25′S 28°17′E / 15.417°S 28.283°E / -15.417; 28.283
Wikang opisyalIngles
Kinilalang wikang panrehiyon
Pangkat-etniko
(2010[1])
Relihiyon
Kristiyanismo (opisyal)[2]
KatawaganZambiyano
PamahalaanUnitaryo pampanguluhang republika
• Pangulo
Hakainde Hichilema
• Pangalawang Pangulo
Mutale Nalumango
LehislaturaPambansang Asembliya
Kalayaan 
Mula sa Reino Unido
• Hilagang-Kanlurang Rhodesia
27 Hunyo 1890
• Barotziland-Hilagang-Kanlurang Rhodesia
28 Nobyembre 1899
• Hilagang-Silangang Rhodesia
29 Enero 1900
• Pagsasama-sama ng Hilangang Rhodesia
17 Agosto 1911
• Pederasyon ng Rhodesia at Nyasaland
1 Agosto 1953
• Republika ng Zambia
24 Oktubre 1964
• Kasalukuyang konstitusyon
5 Enero 2016
Lawak
• Kabuuan
752,617 km2 (290,587 mi kuw)[3] (Ika-38)
• Katubigan (%)
1
Populasyon
• Pagtataya sa 2022
19,642,123[4] (ika-63)
• Densidad
17.2/km2 (44.5/mi kuw)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2019
• Kabuuan
$75.857 bilyon[5]
• Bawat kapita
$4,148[5]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2019
• Kabuuan
$23.946 bilyon[5]
• Bawat kapita
$1,307[5]
Gini (2015)57.1[6]
mataas
TKP (2019)Decrease 0.584[7]
katamtaman · Ika-146
SalapiKwacha ng Zambia (ZMW)
Sona ng orasUTC+2 (CAT)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy
Gilid ng pagmamaneholeft
Kodigong pantelepono+260
Kodigo sa ISO 3166ZM
Internet TLD.zm

Ang Zambia ( /ˈzæmbiə,_ˈzɑːmʔ/), opisyal bilang Republika ng Zambia, ay isang bansa ng walang baybayin at nasa sangang daan ng Gitna, Timog at Silangang Aprika,[8] bagaman tipikal na tinutukoy ito bilang nasa Timog-Gitnang Aprika.[9] Napapaligiran ito ng Demokratikong Republika ng Congo sa hilaga, Tanzania sa hilagang-silangan Malawi sa silangan, Mozambique sa timog-silangan, Zimbabwe at Botswana sa timog, Namibia sa timog-kanluran, at Angola sa kanluran. Lusaka ang kabisera ng bansa, na matatagpuan sa timog-gitnang bahagi ng Zambia. Tinatayang nasa mga 19.5 milyon ang populasyon ng bansa, na pangunahing natitipon sa palibot ng Lusaka sa timog at ang Lalawigan ng Copperbelt sa hilaga, ang sentro ng ekonomiya ng bansa.

Orihinal na pinanirahan ng mga Khoisan, naapektuhan ang rehiyon ng pagpapalawak ng Bantu noong ika-13 dantaon. Kasunod ng mga manggagalugad na Europeo noong ika-18 dantaon, nakolonisa ng mga Briton ang rehiyon at naging mga protektoradong Briton ng Barotseland-Hilagang-Kanlurang Rhodesia at Hilagang-Silangang Rhodesia na binubo ng 73 lipi, tungo sa dulo ng ika-19 na dantaon. Nagsanib ang mga ito noong 1911 upang mabuo ang Hilagang Rhodesia. Sa panahon ng pagkolonisa, pinamahalaan ang Zambia ng isang administrasyon na hinirang mula sa Londres na pinayuhan ng British South Africa Company (Kompanyang Briton ng Timog Aprika).[10]

Noong 24 Oktubre 1964, naging malaya ang Zambia mula sa Reino Unido at ang punong ministrong Kenneth Kaunda ang naging unang pangulo. Nanatili ang partidong sosyalista ni Kaunda na United National Independence Party (Nagkakaisang Pambansang Partidong Malaya, UNIP) na nanitili sa kapangyarihan mula 1964 hanggang 1991. Gumanap ng pangunahing tungkulin si Kaunda sa diplomasiyang pangrehiyon, na malapit na nakikipatulungan sa Estados Unidos sa paghahanap ng mga solusyon sa mga hidwaan sa Katimugang Rhodesia (Zimbabwe), Angola, at Namibia.[11] Mula 1972 hanggang 1991, isang estadong may iisang partido ang Zambia na tanging UNIP lamang ang legal na partidong pampolitika sa ilalim ng kasabihang "One Zambia, One Nation" (Isang Zambia, Isang Bansa) na isang kasabihang nilikha ni Kaunda. Humalili kay Kaunda si Frederick Chiluba ng sosyal-demokratikong Movement for Multi-Party Democracy (Kilusan para sa Maramihang Partidong Demokrasya) noong 1991, na nagsimula ng isang panahon ng kaunlarang sosyo-ekonomiko at desentralisasyon ng pamahalaan. Simula noon, naging maramihang partidong estado ang Zambia, at nakaranas ng ilang mapayapang pagpalit ng kapangyarihan.

Mayroon ang Zambia ng saganang likas-yaman, kabilang ang mga mineral, buhay sa ilang, gubat, tubig-tabang, at lupaing masasaka.[12] Noong 2010, pinangalan ng Bangkong Pandaigdig ang Zambia bilang isa sa mga pinakamabilis na ekonomikong narepormang bansa sa mundo.[13] Nasa Lusaka ang punong-tanggapan ng Common Market for Eastern and Southern Africa (COMESA).

Nakilala ang teritoryo ng Zambia bilang Hilagang Rhodesia mula 1911 hanggang 1964. Napalitan ito sa Zambia noong Oktubre 1964 nang lumaya ito mula sa pamamahala ng mga Briton. Hinango ang pangalang Zambia mula sa Ilog Zambezi (nangangahulugan ang Zambezi bilang "malaking ilog").[14]

Mga pinakamalaking lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Census of Population and Housing National Analytical Report 2010 Naka-arkibo 2017-11-14 sa Wayback Machine. Central Statistical Office, Zambia (sa Ingles)
  2. "Amended Constitution of Zambia" (sa wikang Ingles). Government of Zambia. Nakuha noong 15 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. United Nations Statistics Division. "Population by sex, rate of population increase, surface area and density" (PDF) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Nobyembre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. {{{2}}} lahok sa The World Factbook
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Zambia" (sa wikang Ingles). International Monetary Fund.
  6. "Gini Index" (sa wikang Ingles). World Bank. Nakuha noong 2 Setyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Human Development Report 2020: The Next Frontier: Human Development and the Anthropocene (PDF) (sa wikang e). United Nations Development Programme. 15 Disyembre 2020. pp. 343–346. ISBN 978-92-1-126442-5. Nakuha noong 16 Disyembre 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  8. Henderson, Ian (1970). "The Origins of Nationalism in East and Central Africa: The Zambian Case". The Journal of African History (sa wikang Ingles). 11 (4): 591–603. doi:10.1017/S0021853700010471. ISSN 0021-8537. JSTOR 180923. S2CID 154296266.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Zambia | Population, Capital, Language, Flag, & Map | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Marso 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "History | Zambian High Commission". www.zambiapretoria.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Andy DeRoche, Kenneth Kaunda, the United States, and Southern Africa (London: Bloomsbury, 2016). (sa Ingles)
  12. Karlyn Eckman (FAO, 2007).GENDER MAINSTREAMING IN FORESTRY IN AFRICA ZAMBIA. (sa Ingles)
  13. Ngoma, Jumbe (18 December 2010). "World Bank President Praises Reforms In Zambia, Underscores Need For Continued Improvements In Policy And Governance". World Bank. (sa Ingles)
  14. Everett-Heath, John (7 Disyembre 2017). The Concise Dictionary of World Place Names (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 9780192556462.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. http://citypopulation.de/Zambia-Cities.html


BansaAprika Ang lathalaing ito na tungkol sa Bansa at Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.