Kitwe

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kitwe
Lungsod
Tanawin ng Kitwe mula sa kalayuan
Tanawin ng Kitwe mula sa kalayuan
Bansag: 
Lets Build Us A City
Kitwe is located in Zambia
Kitwe
Kitwe
Kinaroroonan sa Zambia
Mga koordinado: 12°49′S 28°12′E / 12.817°S 28.200°E / -12.817; 28.200
Bansa Zambia
LalawiganCopperbelt
DistritoKitwe
Pamahalaan
 • UriAlkalde-Sanggunian
 • AlkaldeChristopher Kang'ombe
Populasyon
 (2010)
 • Kabuuan522,092
Pangalang turingKitwean
Sona ng orasUTC+2 (CAT)
Kodigo ng luga0212
KlimaCwa
WebsaytKitwe City Council

Ang Kitwe ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Zambia, na may 522,092 katao (probisyonal na senso noong 2010). Ang Kitwe ay isa sa maunlad na mga pook pangkomersiyo at industriya sa bansa, kasama ang Ndola at Lusaka. Mayroon itong hugnayan ng mga minahan sa hilaga-kanluran at kanlurang hangganan nito.[1]

Ang Kitwe ay binubuo ng mga township at pook-naik tulad ng Parklands, Riverside, Buchi, Chimwemwe, Kwacha, Nkana East, Nkana West, Garneton at Race Course, to mention a few.[2] Minsang kinikilala ang lungsod bilang Kitwe-Nkana.

Ang Kitwe ay may kapuwa mga paaralang pampribado at pampubliko tulad ng Paaralang Sekundarya ng Lechwe, Paaralang Sekundarya ng Mpelembe, Paaralang Sekundarya ng Kitwe Boys, Paaralang Sekundarya ng Parklands, Paaralang Sekundarya ng Mukuba, Nkana Trust School at Paaralang Sekundarya ng Helen Kaunda. Tahanan din ito ng Unibersidad ng Copperbelt, ang pangalawang pinakamataas na institusyong pang-edukasyon ng Zambia.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Itinatag ang Kitwe noong 1936 sa hilaga-gitnang Zambia noong itinatayo ng kompanya ni Cecil Rhodes ang daambakal. Unang itinatag ito bilang karugtong at hindi-kaugnay sa pagmimina ngunit katulong na bahagi ng lumalawak na sentrong pagmimina ng tanso sa Nkana. Ang lumalawak na mga minahan ng tanso sa Nkana ay naging dahilan para maging nangingibabaw na sentro sa rehiyon, at nagsimulang lumaki ang kahalagahan ng Kitwe sa maraming mga taon, at paglaon ay nahigitan nito ang Nkana bilang pangunahing sentro. Umabot ang pangunahing linya ng Daambakal ng Rhodesia sa bayan noong 1937 at nagbigay ng mga serbisyong pampasahero hanggang sa pinakatimog na dako tulad ng Bulawayo, kalakip ng mga dugtong papuntang Cape Town. Pinahaba ang linya sa Demokratikong Republika ng Congo at mula roon ay pinag-ugnay sa Daambakal ng Benguela paglaon na papuntang pantalang Atlantiko ng Lobito (na nagkarga ng mga iniluluwas na tanso mula Zambia sa loob ng maraming mga taon).

Pagmimina[baguhin | baguhin ang batayan]

Silipin din: Pagmimina sa Zambia

Ang Kitwe ay himpilan ng ilang mga pagpapatakbo ng pagmimina tulad ng Mga Minahang Tanso ng Mopani.

Transportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Daambakal[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Kitwe ay nasa dulo ng mga serbisyong pampasahero ng Daambakal ng Zambia mula Livingstone, Lusaka at Ndola,[3] ngunit tumutuloy ang mga linyang pangkarga sa mga bayang nagmimina sa hilaga-kanluran.

Daan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangunahing lansangan sa Copperbelt ay dumadaan mula timog-silangan pa-hilagang-kanluran sa lungsod, patungong Ndola (bilang isang freeway) sa timog-silangan, at sa Nchanga, Chingola at Chililabombwe sa hilaga-kanluran. Ang isang daang laterita ay papuntang Kasenpa sa kanluran.[2]

Paliparan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Paliparan ng Southdowns ay nasa mga 12 kilometro timog-kanluran ng bayan subalit hindi nakakatanggap ng maraming itinakdang mga serbisyo. Isinara ang paliparan noong 2005, at muling binuksan noong 2008. Ang Paliparan ng Ndola ay nasa 60 kilometro timog-silangan at naglilingkod ng palagiang mga lipad mula Lusaka, Solwezi, Addis Ababa, Nairobi, at Johannesburg.[1]

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Historical population
TaonPop.±%
1980 (sen.) 283,962—    
2000 (sen.) 363,734+28.1%
2010 (sen.) 501,360+37.8%
Senso 2000 at 2010: [4]

Kabansaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kilala ang Kitwe sa pagkakaroon ng pinakamaraming mga Europeo sa mga lungsod sa Zambia. Humigit-kumulang 2% ng Kitwe ay mga Europeo, 1% ay mga Asyano, kalahati ng isang bahagdan ay mga Arabe at 1.5% Aprikano (maliban sa mga Zambian). Ang natitira ay mga Zambian, pangunahin ay Bemba ngunit kasama ang mga tribo tulad ng Chewa, Lozi, Tonga, Mambwe, Lunda, Kaonde at Ila.

Relihiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Simbahan ng Santa Margarita ng United Church in Zambia (kanan) at Katolikong Parokya ng Sagradong Puso na pinapatakbo ng mga Pransiskanong Conventual, sa kanto ng Abenida Obote at Abenida Independence.

Karamihan sa mga mamamayan ng Kitwe (humigit-kumulang 98.5%) ay mga Kristiyano, ngunit mayroon ding mga Muslim at Hindu. Mayroon ding ilang mga Sikh, Jain at Hudyo.

Relihiyon Populasyon Bahagdan
Kristiyano 538,995 98.5%
Muslim 7,400 1.4%
Iba pa 600 0.6%

Mga kambal at kapatid na lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

May limang mga kambal at kapatid na lungsod ang Kitwe:

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Google Earth accessed 2007.
  2. 2.0 2.1 Terracarta/International Travel Maps, Vancouver Canada: "Zambia, 2nd edition", 2000
  3. Seat61 website retrieved 2 June 2007, says information was correct in November 2006.
  4. "Zambia: Provinces, Major Cities & Urban Centers - Population Statistics, Maps, Charts, Weather and Web Information". Hinango noong 28 Mayo 2019.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga koordinado: 12°49′00″S 28°12′00″E / 12.81667°S 28.20000°E / -12.81667; 28.20000

  1. http://citypopulation.de/Zambia-Cities.html