Ang "Stand and Sing of Zambia, Proud and Free" o "Lumbanyeni Zambia" ay ang pambansang awit ng Zambia. Ang tono nito ay mula sa 1897 na hymno na Nkosi Sikelel' iAfrika (Pagpalain ng Diyos ang Aprika), na kinatha ni Enoch Sontonga, isang Timog Aprikano. Ang lyriko ng kanta ay kinatha noon o malapit sa kalayaan ng Zambia upang mapakita ang Zambia kumpara sa liriko ni Sontonga na pinapakita ang buong Aprika. Ang Nkosi Sikelel' iAfrika ay binubuo ang unang talata ng pambansang awit ng Timog Aprika.