Chinese Taipei
Ang Chinese Taipei (transliterasyon: Tsinong Taipei) ay ang pangalang napagkasunduan sa Resolusyong Nagoya kung saan kinikilala ng Republika ng Tsina (ROC) at ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC) ang bawat isa sa mga gawaing may kinalaman sa International Olympic Committee. Ito rin ang naging batayan ng ROC upang lumahok sa iba pang gawain ng mga pandaigdigang organisasyon, gaya ng Olympics, Miss Universe, Paralympics, Asian Games, Asian Para Games, Universiade, World Baseball Classic, Little League World Series, at FIFA World Cup.
Para sa PRC ang "Chinese Taipei" ay walang malinaw na pagtukoy sa katayuang politikal ng Republika ng Tsina o kung ito ba'y may kasarinlan. Sa kabilang banda, sa pananaw ng ROC, ito'y may higit na malawak na kahulugan kaysa "Taiwan" (dahil ito'y isang bahagi lang ng kabuuang Tsina, na kanila ring inaangkin gaya ng PRC bilang lehitimong pamahalaan nito; at para sa PRC ang paggamit ng "Taiwan" bilang pambansang ngalan ay katumbas ng paghiwalay ng bahaging ito ng kabuuang Tsina mula sa PRC) at ang "Taiwan China" ay nagmumungkahi na ito'y nasa ilalim ng PRC.[1]
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang paglawak ng opisyal na pagkilala sa Republikang Bayan ng Tsina (PRC) sa mga pandaigdigang aktibidad, gaya ng pagkilala ng United Nations noong 1971, na dati'y tangan-tangan ng Republika ng Tsina (ROC) ay nagdulot ng paglipat mga ugnayang diplomatiko mula Taipei patungong Beijing.[2] Kinailangan ng ROC na humanap ng paraan upang ito'y tukuyin sa mga pagtitipong linalahukan din ng PRC.
Gumagamit ang International Olympic Committee (IOC), ng iba't ibang pangalan sa mga aktibidad nito upang maitangi ang ROC sa PRC. Ginamit ang "Taiwan" sa 1964 Summer Olympics sa Tokyo.[1] Noong 1979, sumang-ayon ang PRC na lumahok sa mga aktibidad ng IOC kung tutukuyin ang Republika ng Tsina bilang "Chinese Taipei". Itinakda sa Nagoya Resolution na ang Beijing Olympic Committee ay tatawaging "Chinese Olympic Committee" at mangangailangan ng iba pang pangalan upang tukuyin ang ROC Olympic Committee (ROCOC).
Noong panahong iyon, tutol ang karamihan ng nasa pamunuan ng ROC sa pagbago, dahil maaaring ipahiwatig na wala ang Tsina sa "Taiwan" o ang Chinese ay ipinasasailalim ito sa PROC, at hindi kumakatawan sa lahat ng rehiyon/pulo ng ROC at hindi nito binibigyan ang ROC ng pagkakataon upang isulong kung kinakailangan ang inaangking teritoryo sa labas ng ROC.[1]
Ang lugar na tinutukoy na Taiwan ay isa lamang sa mga lugar o pulo (Penghu, Kinmen at Matsu dagdag pa sa Taiwan) at hindi nito sinasaklaw ang “lawak ng nasasakupan” ng ROCOC kung Taiwan lang ang gagamitin. Bukod pa rito, bagaman ang karamihan sa mga produkto ng ROC ay tinatatakan ng “made in Taiwan”, kaugalian ng tatakahan na gawa sa mga rehiyon nito ang sarili nitong mga produkto. Ang ilang alak sa Kinmen ay tinatatakan na “made in Kinmen” gaya ng ilang pabanong tinatatakan na “made in Paris” at hindi “made in France.”[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Lin, Catherine K. (Agosto 5, 2008). "How 'Chinese Taipei' came about". Taipei Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 28, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Propper, Eyal (Mayo 2008). "How China Views its National Security" (PDF) (PDF) (sa wikang Ingles). The Israel Journal of Foreign Affairs. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2012-03-25. Nakuha noong 2015-09-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)