Pumunta sa nilalaman

Miss Republic of the Philippines

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Miss Republic of the Philippines o Miss RP ay isang patimpalak sa pagandahan sa Pilipinas. Una itong itinanghal noong 1969, nang makuha ng Spotlight Promotions ni Ferdie Villar ang prangkisa sa pagpili ng kandidata ng Pilipinas para sa taunang Miss World beauty pageant.[1][2] Ang mga runner-up ng Miss RP ay tinatanghal na Miss Luzon (1st runner-up), Miss Visayas (2nd runner-up), Miss Mindanao (3rd runner-up) at Miss Manila (4th runner-up).[1] Tumagal ang Miss RP hanggang 1976, nang ilipat na sa Mutya ng Pilipinas ang prangkisa ng Miss World at ang Miss RP 1977 na si Josephine Conde ay kinilalang kauna-unahang Mutya ng Pilipinas – World upang maitangi ito sa isa pang nagwawagi sa Mutya ng Pilipinas na lumalaban sa Miss Asia Quest.[1][2]

Matapos ang matagal na pagkawala ng Miss Republic of the Philippines, muli itong idinaos sa 2015 sa pangunguna ni Lynette Padolina, pangulo ng muling-binuhay na organisasyon, ngunit ang mga magwawagi'y hindi nakatakdang lumahok bilang kinatawan ng Pilipinas sa alinmang pandaidigang patimpalak, sa halip bibigyan ng scholarship grant ang mga ito para sa apat-na-taong kurso sa kolehiyo o kursong gradwado at maglilibot upang ipalaganap ang turismo at kulturang Pilipino.[3][4][5][6]

Ang mga nagwawagi'y tinatanghal na Miss Republic of the Philippines ng susunod na kalendaryong taon, dahil halos katapusan na ng taon kung ganapin ang patimpalak, ngunit sila'y lumalahok sa Miss World nang taon kung kailan talaga sila nanalo.[1]

Taon Miss Republic of the Philippines Kinalabasan ng paglahok sa Miss World
1970 Feliza Teresa Miro
hindi nakapasok
1971 Minerva Cagatao
Top 15 sa Miss World 1970[7]
1972 Onelia Jose
hindi nakapasok
1973 Evangeline Reyes
Top 15 sa Miss World 1972[7]
1974 Evangeline Pascual
1st runner-up ng Miss World 1973[1][7]
1975 Agnes Rustia
hindi nakapasok
1976 Suzanne Gonzales
hindi nakapasok
1977 Josephine Conde
lumahok ngunit umurong bilang protesta[8][9]
2015–2016 Fermira Dianne Ramos
2017–2018 Cindy Marriah Dumol

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Philippine Delegates to Miss World in the 70's (Miss Republic of the Philippines)". Veestarz.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-08. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Villar, Ferdie (Oktubre 3, 2013). "Philippines' Megan Young finally brings home the elusive Miss World crown" (sa wikang Ingles). Asian Journal. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Dabu, Bianca Rose (Hulyo 23, 2015). "Beauty pageant na Miss Republic of the Philippines, nagbabalik". GMA News. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Concepcion, Eton B. (Mayo 6, 2015). "Miss Republic of the Philippines pageant is back". Manila Standard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 18, 2015. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Constantino, Ronald (Abril 29, 2015). "Miss Republic of PH revived!" (sa wikang Ingles). Tempo. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 6, 2015. Nakuha noong Setyembre 6, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  6. Requintina, Robert R. (Abril 16, 2015). "2015 Miss RP returns as a scholarship pageant". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 2, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 Burton-Titular, Joyce (Oktubre 1, 2013). "From Vivien to Megan: The PH in Miss World history" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Miss Republic of the Philippines: A look into the past and fast forward to the future" (sa wikang Ingles). Abril 17, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 4, 2016. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Romulo-Tantoco, Mons (Nobyembre 5, 2000). "Miss Phils '76 & '77 forced to withdraw from Miss World". The Philippine Star (sa wikang Ingles). {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)