Miss World Philippines
Pagkakabuo | 2011 |
---|---|
Tagapagtatag | Cory Quirino |
Uri | Patimpalak ng kagandahan |
Punong tanggapan | Maynila |
Kinaroroonan | |
Kasapihip | Miss World Reina Hispanoamericana Miss Multinational Face of Beauty International |
Pambansang Direktor | Cory Quirino (2011-2016) Arnold Vegafria (2017-kasalukuyan) |
Mahahalagang tao | Julia Morley |
Website | www.missworldphilippines.com |
Ang Miss World Philippines ay isang patimpalak ng kagandahan sa Pilipinas na pumipili ng mga kinatawan ng bansa sa Miss World, isa sa Big Four na pandaigdigang patimpalak ng kagandahan.
Humugot ng inspirasyon ang naturang paligsahan sa sawikaing ginagamit ng Miss World Ltd. na "Beauty with a Purpose" (transliterasyon: "Kagandahang may Layunin"), kaya ang naging tema nito'y "Beauty in Giving" (transliterasyon: "Kagandahan sa Pagbibigay"). Tumutulong ang mga nananalo at kanilang kaniyang korte sa mga gawaing mapagkawang-gawang sumusuporta sa kapakanan at pangangailangan ng mga kabataan, at lumalahok din sila sa mga kilusang umaalalay sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan at iba't iba pang adbokasiya.[1]
Ang kasalukuyang may hawak ng titulong Miss World Philippines ay si Gwendolyne Fourniol mula Negros Occidental. Siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World 2023 na gaganapin sa India.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago inorganisa ang Miss World Philippines, nasa ilalim ng iba't ibang organisasyon ang pambansang prangkisa ng Miss World sa Pilipinas. Inabot ng labing-anim na taon bago lumahok ang Pilipinas sa Miss World na nagsimula noong 1951. At unang naging kandidata ng Pilipinas ay si Vivien Lee Austria na lumahok sa Miss World 1966. Si Austria na "1966 Intercollegiate Girl"[2] ay pinili ng College Editors Guild of the Philippines upang maging kinatawan ng Pilipinas.[3] Nang sumunod na taon, napili si Margarita Gomez mula sa Top 10 Fashion Models of the Philippines at siya'y tinanghal na Miss Philippines 1967.[4][5]
Miss Republic of the Philippines
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Oktubre 6, 1968 nakuha ng Beauty World Ltd. ang prangkisa para sa Miss World, at nang taon ding iyon, kinoronahan si Cecilia Amabuyok na Miss Philippines, at nagtapós na 4th runner-up sa ginanap na Miss World 1968. Nang sumunod na taon, nakuha ng Spotlight Promotions na pinamumunuan ni Ferdie Villar ang prangkisa at nagsimulang ganapin ang Miss Republic of the Philippines, kung saan ang nagwawagi'y ang nagiging kandidata ng Pilipinas sa Miss World hanggang 1976.[3][6] Sa panahong ito, nakamit ng Pilipinas ang pinakamataas na puwesto nito sa Miss World—na di-natumbasan sa loob ng halos apat na dekada—nang pumangalawa si Evangeline Pascual, bilang 1st runner-up noong Miss World 1973. Bukod pa rito, nakapasok din sa Top 15 sina Minerva Cagatao noong 1970 at Evangeline Reyes noong 1972.
Mutya ng Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inilipat sa Mutya ng Pilipinas ang prangkisa ng Miss World noong 1977, at ang huling nagwagi ng Miss Republic of the Philippines na si Josephine Conde ay kinilala na kauna-unang Mutya ng Pilipinas – World,[3][6] upang maitangi siya sa isa pang nagwawagi sa Mutya ng Pilipinas na lumalaban sa Miss Asia Quest, na siya namang tinawag na Mutya ng Pilipinas – Asia. Sa loob ng labinlimang taon, dalawang ulit lamang na nakapasok sa Top 15 ang Pilipinas sa Miss World, ito'y noong 1982 at 1986.[5]
Binibining Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1992, nakuha ng Binibining Pilipinas Charities sa ilalim ni Stella Araneta ang prangkisa ng Miss World, at ang mga naging kandidata ng Pilipinas sa Miss World ay binigyan ng titulong Binibining Pilipinas – World. Ito'y naging isa sa apat na titulong iginawad ng Binibining Pilipinas noong 1992. Nanatili ito sa isa tatlong pangunahing titulo ng Binibining Pilipinas kasabay ng Binibining Pilipinas – Universe at Binibining Pilipinas – International. Labinsiyam na ulit na nagpadala ng mga kandidata ang Binibining Pilipinas sa Miss World mula 1992 hanggang 2010, hanggang magpasiya si Julia Morley na magkaroon ng eksklusibong lisensiya ang Miss World.[7][8] Sa panahong ito, nagwaging 2nd runner-up noong 1993 si Ruffa Gutierrez at nagtapós naman sa Top 5 sina Rafaela Yunon at Karla Bautista noong 2003 at 2004, ayon sa pagkakasunod. Bukod pa rito nakapasok din sa semi-finals ng Miss World sina Caroline Subijano noong 1994, Katherine Manalo noong 2002 at Carlene Aguilar noong 2005.[5]
Mga edisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Petsa | Blg. ng Kandidata | Lugar |
---|---|---|---|
2011 | Setyembre 18 | 25 | Philippine International Convention Center, Pasay |
2012 | Hunyo 24 | 25 | Manila Hotel Tent City, Maynila |
2013 | Agosto 18 | 25 | Solaire Resort & Casino, Parañaque |
2014 | Oktubre 12 | 26 | Mall of Asia Arena, Pasay |
2015 | Oktubre 18 | 26 | Solaire Resort & Casino, Parañaque |
2016 | Oktubre 9 | 30 | Resorts World Manila, Pasay |
Mga kinatawan sa International pageants
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasalukuyang titulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Miss World
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Kinatawan | Pagkakalagay | Mga parangal |
---|---|---|---|
2011 | Gwendoline Gaelle Sandrine Ruais | 1st Runner-up | Miss World Asia Top Model (Top 10) Beauty with a Purpose (Top 30) Beach Beauty (Top 30) |
2012 | Queenierich Rehman | Top 15 | World Fashion Designer Award Talent (Top 5) Beach Beauty (Top 40) Top Model (Top 46) |
2013 | Megan Lynne Young | Miss World 2013 | Top Model Miss World Asia Multimedia (3rd Runner-up) Beach Beauty (4th Runner-up) Beauty with a Purpose (Top 10) Dances of the World Performer |
2014 | Valerie Weigmann | Top 25 | Beauty with a Purpose (Top 10) People's Choice Award (Top 10) |
2015 | Hillarie Danielle Parungao | Top 10 | Multimedia (Nanalo) Interview (ika-9) People's Choice Award (Top 10) |
2016 | Catriona Elisa Gray | Top 5 | Multimedia (Nanalo) Beauty with a Purpose (Top 5) Talent (Top 10) |
2017 | Laura Victoria Lehmann | Top 40 | Beauty with a Purpose (Nanalo) Head-to-Head Challenge (Nanalo) People's Choice Award (Top 10) |
2018 | Katarina Sonja Rodriguez | Head-to-Head Challenge (Nanalo sa Round 1) Top Model (Top 32) People's Choice Award (Top 10) | |
2019 | Michelle Daniela Dee | Top 12 | Head-to-Head Challenge (Nanalo sa round 1 at 2) Beauty with a Purpose (Top 20) Top Model (Top 40) |
2021 | Tracy Maureen Perez | Top 13 | Head-to-Head Challenge (Nanalo sa round 1 at 2) Beauty with a Purpose (Nanalo) |
2023 | Gwendolyne Fourniol | Head-to-Head Challenge (Top 25) Sports (Top 32) Talent (Top 23) Top Model (Top 20) | |
2025 | Krishnah Marie Gravidez[9] | TBD |
Reina Hispanoamericana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Kinatawan | Pagkakalagay | Mga parangal |
---|---|---|---|
2017 | Teresita Ssen Marquez | Reina Hispanoamericana 2017 | Ipanema Girl Best National Costume (1st Runner-up) Miss Personality (1st Runner-up) |
2018 | Alyssa Muhlach Alvarez | Ipanema Girl (2nd Runner-up) Mejor Sonrisa (Top 5) | |
2019 | Maria Katrina Llegado | 5th Runner-up | Facebook Fan Vote (Nanalo) Mas Bello Colorina (Top 3) Best National Costume (Top 5) |
2021 | Emmanuelle Vera | 3rd Runner-up | Facebook Fan Vote (Nanalo) Best National Costume (Top 10) Miss Fotogenica (Top 3) Miss Hydrolagen (Top 3) |
2022 | Maria Ingrid Teresita Santamaria | Top 14 | Facebook Fan Vote (Nanalo) |
2023 | Michelle Arceo | 2nd Runner-up | |
2024 | Deanna Marie Maté[10] | TBD |
Miss Multinational
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Kinatawan | Pagkakalagay | Mga parangal |
---|---|---|---|
2017 | Sophia Señoron | Miss Multinational 2017 | Best in Interview Miss Environment Miss Speech |
2018 | Kimilei Mugford | Top 5 | Best in Sports Best in Talent Miss Multinational Asia |
2019 | Isabelle de Leon | Hindi ginanap ang patimpalak | |
2021 | Shaila Rebortera | Hindi ginanap ang patimpalak | |
2024 | Nikhisah Buenafe Cheveh[11] | TBD |
Face of Beauty Philippines
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Kinatawan | Pagkakalagay | Mga parangal |
---|---|---|---|
2024 | Jeanne Isabelle Bilasano | TBD |
Dating titulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Miss Eco International
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Kinatawan | Pagkakalagay | Mga parangal |
---|---|---|---|
2018 | Cynthia Thomalla | Miss Eco International 2018 | Resorts Wear Competition (Top 10) Best Eco Dress Competition (Top 15) Eco Talent (Top 15) |
2019 | Maureen Montagne | 1st Runner-up | Miss Eco Best Resort Wear (2nd Runner-up) |
2021 | Kelley Day | 1st Runner Up | Best in National Costume |
2022 | Kathleen Joy Paton | Miss Eco International 2022 | Resorts Wear Competition (2nd Runner-up) Best Eco Video |
2023 | Ashley Montenegro | Top 21 |
Miss Eco Teen
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Kinatawan | Pagkakalagay | Mga parangal |
---|---|---|---|
2019 | Mary Daena Zaide Resurrecion | Top 5 | |
2020 | Padre Damaso | Winner but
unplaced |
Best Ulam awardee (Tinola)
Prayle of the year Indio's Choice Awardee |
2021 | Tatyana Alexi Austria | 1st Runner-up | Miss Vatika Eco Dress Prime (1st Runner-up) |
2022 | Francesca Beatriz McLelland | 1st Runner Up | Best in National Costume Best in Resorts Wear Best Eco Dress (2nd Runner-up) Miss Talent (2nd Runner-up) |
2023 | Francine Fatima Reyes | Top 11 |
Miss Supranational
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Kinatawan | Pagkakalagay | Mga parangal |
---|---|---|---|
2021 | Dindi Pajares | Top 12 | Supra Chat (Semi-finalist) Miss Elegance (1st Runner-up) Supra Model of Asia (Top 2) Supra Fan-Vote (Top 10) Supra Influencer (Top 10) |
2022 | Danielle Alison Black | Top 24 | Miss Talent Supra Fan-Vote (Top 10) Supra Influencer (Top 15) |
Miss Environment
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Kinatawan | Pagkakalagay | Mga parangal |
---|---|---|---|
2022 | Michelle Arceo | 1st Runner-up | Best National Costume Best Environment Video |
Miss Tourism World
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Kinatawan | Pagkakalagay | Mga parangal |
---|---|---|---|
2022 | Justine Felizarta | 1st Runner-up | Best in Evening Gown |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Esteves, Patricia (Enero 26, 2011). "A separate Miss World-Philippines search" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong Oktubre 6, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vivien Lee Austria". Veestarz.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-08-26. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Villar, Ferdie (Oktubre 3, 2013). "Philippines' Megan Young finally brings home the elusive Miss World crown" (sa wikang Ingles). Asian Journal. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maita Gomez". Veestarz.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-15. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 Burton-Titular, Joyce (Oktubre 1, 2013). "From Vivien to Megan: The PH in Miss World history" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "Philippine Delegates to Miss World in the 70's (Miss Republic of the Philippines)". Veestarz.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-08. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sibonga, Glen P. (Hunyo 8, 2012). "Cory Quirino explains decision to transfer Miss World Philippines from GMA-7 to TV5". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 15, 2016. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Esteves, Patricia (Enero 26, 2011). "A separate Miss World-Philippines search" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Escuadro, Kiko (20 Hulyo 2024). "Krishnah Marie Gravidez to represent PH in 72nd Miss World". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Agosto 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Purnell, Kristofer (23 Hulyo 2024). "JK Labajo cheers girlfriend Dia Mate after Reina Hispanoamericana Filipinas 2024 win". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Agosto 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cardinoza, Gabriel (31 Hulyo 2024). "Pangasinan fetes Miss Multinational Philippines". Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Agosto 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)